Chapter 46

1.3K 28 0
                                    

Dylan's P.O.V.

Dumating na ang araw na pinakahihintay ko. Ang araw kung saan magiging asawa ko na ang tanging babaeng nagpatibok ng puso ko. Nasa gilid ako ng altar kung saan katabi ko si Dwight. Hinintay kong bumukas ang pintuan ng simbahan kung saan lalabas si Yesha. It's like magic. Kahit kailan hindi ko inisip na maikakasal ako. Noon pa man wala sa bukabularyo ko ang salitang kasal until I met this woman.

Napatingin ako sa may pinto nang biglang bumukas iyon at niluwa ang napakagandang Bride ko. Nakasuot iyo ng tube dress na white na may gwantes sa mga kamay nito. Para itong princess bride sa ganda nito. Kaagapay nito sa paglalakad ang mommy nito. Kung pwedi lang sanang kumanta sa simbahan ginawa ko na dahil gusto ko itong kantahan habang nagmamartsa papunta sa altar. Napaluha na ako habang papalapit ito sa akin. Nakita ko din na may kumislap ng luha sa mga mata nito sa likod ng suot nitong belo. Naramdaman ko ang pagpisil ni Dwight sa balikat ko habang hindi iniaalis ang tingin kay Yesha.

Yesha's P.O.V.

Pagbukas palang nang malaking pintuan ng simbahan nakatutok na agad ang tingin ko sa gwapong lalaking naghihintay sa akin sa altar. Nakahawak ako sa braso ni mommy habang naglalakad palapit sa taong mahal ko.

Nakita kong naluluha ito at maging ako ay napansin ko ring may pumatak na luha sa mga mata ko. Sobrang saya ko ng araw na iyon.

Nang makalapit na ako kay Dylan agad kong tinanggap ang kamay nitong nakalahad sa akin. Niyakap ko si mommy bago ako bumitiw dito.

Magkahawak kamay kaming naglakad ni Dylan papunta sa harap ng pari.

Walang hanggan ang saya ko mula ng umpisa hanggang sa sabihin ng pari na mag-asawa na kami ni Dylan. Kaya hindi paman sinabi ng pari na "you may now kiss the bride" ay hinalikan na ako nito. Narinig ko namang nagpalakpakan ang mga taong nandoon. Pagkatapos ng halik na iyon itinaas ni Dylan ang mga kamay namin na may singsing. Parang sinasabi nito sa lahat na mag-asawa na kami at walang sino mang makapaghihiwalay sa amin.

Nagpicture taking muna kami sa simbahan bago dumiritso sa receiption. Sa isang mamahaling hotel iyon. Sa kasal ko na din unang nameet ang father nito dahil sobrang busy daw nito kaya nang kasal nalang namin nakauwi. Mabait naman ito, sa totoo lang magaan agad ang loob ko dito. Pero umalis din agad ito pagkatapos ng kasal.

Matapos ang kainan sa huli nasulo ko na din si Dylan. Nasa isang mamahaling hotel kami kung saan din naganap ang receiption. Kumuha kasi ito ng mamahaling kwarto don kung saan kami magsstay nang gabing iyon para hindi na kami umuwi.

"Finally nasolo din kita." may pilyong ngiti ang mukha nito habang nakayakap sa likuran ko at hinahalikan ang liig ko.

Nakaramdam ako nang kiliti sa ginawa nito kaya kumalas ako pero nakahawak parin sa mga kamay nito.

"Magshoshower muna ako." nahihiya kong sabi.

Nakita ko ding bigla itong namula. I can't believe na ang isang playboy na katulad nito ay namula sa ganoong bagay kahit sanay na ito sa ganong sitwasyon.

"Can I join you?" seryosong sabi nito na ikinainit din ng mukha ko.

Nagkatitigan kami. Maya-maya ay lumapit ito sa akin at bigla nalang ako nitong sinunggaban ng halik sa labi. Parang sinisilaban ako sa tindi nang init na aking nararamdaman.

Ilang saglit pa ay naramdaman ko ang unti-unting paghubad nito sa mga damit ko. Sinunod naman nitong hubarin agad nag damit nito. Nahihiya man ay sinubukan ko paring tungnan ito mula ulo hanggang paa wala akong maipipintas sa ganda ng katawan nito. Bigla akong binuhat ni Dylan papunta sa loob ng banyo at doo.n ako nito mainit na inangkin.


Kinabukasan nanakita ang buong katawan ko lalo na ang ibabang bahagi. Hindi ako tinigilan ni Dylan hanggang mag-umaga. Napangiti ako nang maalala ang naganap kagabi. Tiningna ko ito habang payapang natutulog sa tabi ko. Hinawi ko ang buhok nitong nakatabing sa mukha nito.

Umungol ito at unti-unting nagmulat ng mata. Napakagwapo parin nito kahit bagong gising. Ngumiti agad ito ng makita akong gising na sa tabi nito.

"Good morning." Inaantok na bati nito

"Good morning.. Parang antok kapa yata." tudyo ko dito.

"Pinagod mo kasi ako kagabi." nakangiti nitong sabi na ikinainit naman ng mukha ko.

"Gutom kana ba?" tanong nito at umayos na nang upo.

"Medyo."

"Maligo kana tapos baba na tayo para kumain.. Pero kung gusto mong sumabay ulit ako sayo... Pwedi naman." kinurot ko ito.

"Tumigil ka nga jan." sabi ko.

"I love you.. Sige na maligo kana." sabi nito at hinalikan ako sa noo.

Paika-ika akong naglakad papunta sa banyo nang bigla ako nitong buhatin at ibinaba sa may pintuan ng banyo.

"Hihintayin kita dito.. Take your time." nakangiting sabi nito. Ako naman ay naiilang na tumingin dito dahil wala itong saplot sa katawan. Pumasok na ako sa loob at hinubad ang kumot na nakabalabal sa katawan ko.

Pagkatapos kong maligo ito naman ang sumunod. Pagkatapos ay kumain na kami sa baba bago umuwi ng bahay. Doon muna kami titira sa bahay nito kasama si ate Laurin habang hindi pa tapos ang pinapagawa nitong bahay.

Gusto ko nga na doon nalang kami dahil alam kong malulungkot ang kapatid nito kapag umalis na ito pero ganon daw talaga. Kapag nag-asawa na daw ito maiintindihan din nito iyon.

Liam's P.O.V.

Masakit para sa akin na maikasal si Yesha sa iba lalo na sa kaibigan ko pero masaya parin ako dahil alam ko kung gaano nila ka mahal ang isa't isa.

"Sana all may happy ending... Sana all may forever." sabi ni Clark na nasa tabi ko. Nagkayayaan kasi kaming tatlo ni Dwight, Clark at ako na mag-inuman muna bago umuwi.

"Ikaw Dwight mahal ka naman ng babaeng iyon bakit hindi mo kaya balikan?" sabi ko sa tahimik na umiinom na si Dwight.

"I have my reason kung bakit hindi pwedi." sagot nito sabay inom nga alak.

"Alam mo kung ako sayo babalikan ko na yon bago pa magiging huli ang lahat.. Maswerte ka parin dahil mahal ka ng taong mahal mo eh ako? "Sabi ko

"Liam hindi ka nag-iisa..baka nakalimutan mo iniwan din ako ng taong mahal ko." Clark

"Hoy clark mag move on kana kaya.. 4 years na ang nakakalipas pero umaasa ka parin." sabi ko

"Kaya nga gusto kung sabihin kay Dwight na dapat bago niya iniwan si Hanna nagpaalam ka muna. Tingnan mo ako? Kung ayaw mo akong matulad kay Hanna na hanggang ngayon hindi pa nakakamove on dapat nagpaalam ka ng maayos." madamdaming sabi nito. Mukhang lasing narin ito.

Basi kasi sa kwento nito. Biglang-bigla nalang daw nawala at hindi man lang nagpaalam sa kanya ang gf nito. Kaya ayan hanggang ngayon nagtatanong parin kung bakit siya iniwan ng taong mahal niya.

Hayyy...pag-ibig talaga.. Parang ayaw ko na tuloy magmahal ulit. Mas mabuti pang sayangin ko nalang ang oras ko sa pakikipagbasag ulo sasaya pa ako.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Место, где живут истории. Откройте их для себя