Chapter 12

1.6K 39 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Nahiga ako sa kama matapos basahin ang isang libro nang bigla kong maalala ang naganap kanina. Iyon siguro unang totoong ngiti na pinakawalan ko sa makalipas na tatlong taon na maging ako sa sarili ko ay hindi rin makapaniwala.

H

indi ko rin alam kung anong meron ang babaeng iyon bakit niya nagagawang bagohin ang mga bagay na nakasanayan ko nang gawin.

Hanna's P.O.V.

Linggo nang araw na iyon kaya day off ko. Hindi mona ako umuwi nang bahay kahit miss na miss ko na ang mga magulang ko para makatipid at isa pa wala pa akong perang maibibigay kapag umuwi ako dahil wala pa naman akong sweldo.

Nasa salas ako nang dumating ang sundo ni lola papunta sa isa pang anak nito. Pinuntahan ko agad si lola para ipaalam na naroroon na ang sundo nito.

"Ikaw iha. Wala ka bang planong bumisita sa inyo?" malumanay na tanong nito nang nasa loob na ito ng van.

"Wala po... Siguro sa susunod nalang po." magalang kong sagot.

Hindi na ito nagtanong ulit kaya nagpaalam na ako dito.

Nang makaalis ang mga ito naisip kung maglaba ng mga damit ko. Hindi na man pweding iasa ko din sa mga katulong pati ang marurumi kong damit e parehas lang naman kaming sinusweldohan sa bahay na iyon.


Dwight's P.O.V.

Hustong kakababa ko lang ng hagdanan nang dumaan si Hanna bitbit ang mga damit nito. Pakanta-kanta pa ito habang naglalakad at di man lang ako napansi kaya hindi ko na rin sana ito papansinin nang biglang may nahulog mula sa mga damit na dala nito.


"Heyyyy." Tinawag ko ito ngunit parang hindi ako narinig dahil busy ito sa pagkanta kahit napakapangit naman ng boses.

Nilapitan ko ang kakarampot damit na nahulog nito at iniangat sa iri. Isa iyong bra na kulay black kaya bigla kong natapon ulit iyon. Nagpalinga-linga pa ako sa paligid para siguraduhing walang nakakita sa akin. Nakahinga ako nang maluwag nang masiguradong walang tao.

Iiwan ko nalang sana iyon doon ngunit bigla akong napahinto nang paalala si Jason. Inis na pinulot ko ulit ang damit pinuntahan ito sa laundrey area.

Hanna's P.O.V.

"Hindi ko kayang iwan kaaaa... Hindi ko kayang iwan kaa.. Pagkat dito sa pus-- ." napatigil ako sa pagkanta nang marinig ko ang boses ni Dwight mula sa likuran ko.

"May nahulog ka yata." bigla akong napalingon sa kinaroroonan nito. Alam kong biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ang bra ko na ibinitiin pa nito sa harapan ko. Mabilis akong tumayo at hinablot ang bagay na iyon mula sa kamay nito ngunit mabilis nitong inilayo iyon.

"Hindi ka ba muna magpapasalamat na napulot ko ito." seryoso parin ang mukha nito.

"Salamat! So pwedi ko na bang kunin yan?" walang gana kong sabi.

"Hindi ko yata naramdman." sabi pa nito. Napabuntong hininga ako.

"Salamat po sa pagpulot ng aking gamit. So maari ko na po bang makuha?" malumanay kong sabi. Ibinigay nga nito agad iyon kaya mabilis kong kinuha at tinalikuran ito.

Isinalang ko na sa washing machine ang mga marurumi kong damit ngunit naramdaman ko parin ang presensya ni Dwight mula sa likuran ko kaya napatingin ulit ako sa may pintuan.

"Bakit nandito ka pa?" sita ko nang makita ko pa itong nakasandal sa may hamba ng pinto habang nakatingin sa akin.

"May gusto lang akong alamin." sabi pa nito

"At ano naman iyon?" paasik kong tanong.

"Gusto ko lang alamin kung totoo 36 ang size mo sa nakikita ko kasi mukhang flat naman." seryoso ito habang bumaba pa ang tingin sa may dibdib ko.

"Bastos ka ha." sigaw ko habang pinag-cross ang braso sa dibdib ko.

"Bastos ba ang pagiging curious ko sa bagay na iyon?" seryoso parin ito habang unti-unting lumalapit sa akin.

Napaatras naman ako hanggang lumapat ang likod ko sa malamig na dingding. Ngunit patuloy parin ang paglapit nito hanggang sa macorner n ako. Itinukod nito ang isang kamay sa dengdeng sa may bandang ulo ko at ang isang kamay nito ay nakapamulsa.

Unti-unting inilalapit nito ang mukha sa mukha ko kaya napapikit ako. Ayy hindi pala sa tenga ko pala ito lumapit at may ibinulong.

"Sa susunod na makita pa kitang pumasok sa kwarto ko. Alam mo na ang mangyayari sayo." sabi nito sabay alis sa harapan ko.

Nakahinga lang ako ng maayos nang tuluyang makalabas ito sa laundry area. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko kanina. Ang akala ko talaga hahalikan ako nito.

Pagkatapos kong maglaba at magsampay naisipan kong manood ng tv. Ngunit nandoon si Dwight nakaupo at nagbabasa nang libro. Iiwas sana ako dito ngunit ayokong isipin nito na natatakot ako dito kaya imbes na umalis inopen ko ang tv at nilakasan ang volume (parang may ari lang) nakita ko sa gilid ng mga mata ko na tumingin sa akin si Dwight. Actually malakas ang loob ko na gawin iyon dahil binigyan na ako ng permiso ni lola.

Tumayo ito at humarang sa tv na nasa harapan ko.

"Pwedi bang umalis ka sa harapan ko?" mataray kong sabi.

Bigla itong yumuko sa harapan ko. Kaya bigla na namang bumilis ang tibok ng puso ko sa paglapit ng mukha nito.

"Diba mas masarap akong panoorin kaysa jan sa pinapanood mo?"

" oh my.. Ngumiti ulit ito.. Parang gusto kong atakihin sa puso sa ngiting iyon at sabihin na oo mas maganda kang panoorin" kinikilig ako habang nag-iisip nang ganon.

"Hmmft... Mas gwapo ang mga artestang pinapanood ko kaysa sayo no." sabi ko dito sabay iwas ng tingin.

"Alright... Ikaw din naman hindi din kagandahan." sabi pa nito at iniwan na naman ako doon.

"Ang yabang naman..maganda kaya ako sabi ng nanay ko no."

Dahil umalis na ang taong iniinis ko kaya pumasok na din ako sa loob ng kwarto.

Kinagabihan ako lang mag-isa ang kumain dahil nag-bar si Jason at si Dwight ay may biglaang lakad kaya mga katulong sa bahay lang ang mga kasama ko roon.

Sa isang linggong pananatili ko sa bahay na iyon napansin kong wala namang masasabing trabaho si Dwight dahil lagi lang naman ito sa loob ng kwarto nito. Kaya nagtataka ako kung paano ito kumikita.

"Hindi kaya drug dealer ito kaya ang daming pera nito?Baka naman leader nang malaking sindikato?" bigla kong naitakip ang palad sa bigbig sa naisip kong iyon.

Mula kasi nang araw na pinagdiskitahan ko ang kwarto nito lagi nang naka-lock iyon. Kaya hindi dapat ako maging kampanti dahil baka isang araw bigla nalang kami ma-raid ng mga pulis at madamay pa ako.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now