Chapter 7

1.8K 50 0
                                    

Hanna's P.O.V.

Katatapos ko lang ayosin at ilagay sa closet na nandoon ang mga  nang biglang tumunog ang bell na nasa loob ng kwarto. Iyon ang sign na kailangan na ako nang matanda tulad nang bilin kanina ni Dwight kaya mabilis akong lumabas at pumasok sa kabilang kwarto. Nabungaran ko doon ang isang matandang babae na nakaupo sa kama nito. Kahit kulubot na ang balat nito hindi maitatago na napakaganda nito noong kabataan.

Ngumiti agad ito ng makita ako. Agad akong lumapit dito at ginantihan ito ng ngiti.

"Ikaw na ba ang kapalit ni Felicity iha?" nakangiting tanong nito sa akin. Naisip ko na si Felicity siguro ang dating nurse nito.

"Opo lola.. Tulog po kayo nang dumating ako kanina " nakangiti ko ring tugon dito. Tumango-tango naman ito.

Mukhang wala naman itong sakit. Ang ini-expect ko kasi na aalagaan kong may sakit eh yong bedridden na at may malala nang karamdaman pero ang nakikita ko ngayong lola ay nakakagalaw pa ng maayos at malakas pa.

Nasa ganon akong pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas ng pinto. Nakita kong pumasok si Dwight at agad na lumapit sa lola nito. Ni hindi man lang ito sumulyap sa gawi ko.

"Apo.. Hindi mo naman sinabing maganda pala ang kapalit ni Felicity." nag init ang pesngi ko sa sinabing iyon ni lola.  Habang si Dwight naman ay nananatiling seryoso ang mukha.

"Siya si Hanna Faith ang bago mong tagapag-alaga grandma. Siya naman ang lola Dianne ko." pagpapakilala nito sa amin.

Nagulat pa ako nang bigla nalang ako nitong hinila at nakipagbeso sa akin.

"Ikinagagalak kitang makilala Faith." sabi nito pagkatapos akong bitawan.

Naisip ko na paranga ng layo nang ugali nang matanda sa apo nito. Napakabait at palangiti kasi ito kaya nakagaanan ko agad ito ng loob.

"Masaya din po akong kayo ang babantayan ko.. Napakaganda at napakabait niyo po." sabi ko naman.

"Can I talk to you?" baling nito sa akin sa seryoso paring mukha.

"Ah..sige po Sir.. Lola excuse mona ha mag-uusap lang kami." paalam ko.

Lumabas kami ng kwarto at doon lang nag-usap sa harap nang nakapinid na pintuan.

"Nakita mona ang kalagayan ni grandma.. She can walk, she can talk ng maayos or even dance she can still do that. All you have to do is to monitor her health. Lagi mo siyang babantayan baka bigla nalang tataas ang blood preasure niya or baka bigla nalang siya aatakihin sa puso.. In other word wag mong ialis ang tingin mo sa kanya." mahigpit na bilin nito.

Para sa akin madali lang amg trabahong iyon. Ibang-iba sa ini-expect ko na mahihirapan akong pakisamahan ang aalagaan.

"Iyon lang po ang gagawin ko?" tanong ko dahil magaan iyon para sa 35 thousand na sweldo.

"And one thing.. Tuwing umaga wag mong kakalimutang ipainom sa kanya ang maintenance niyang gamot. Wag mo ring kalimutang samahan siyang magpaaraw tuwing umaga." pahabol pa nito ngunit wala man lang kangiti-ngiti

" copy po.. Hmmm sir pwedi magtanong?" ako

"What it is?" siya

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Where stories live. Discover now