Chapter 4

2.1K 44 0
                                    

Dwight's P.O.V.

Nainis ako sa biglang pagbuga ng babae sa mukha ko. Kaya bago ko pa ito masingalan o mapagsabihan ng hindi maganda nagpaalam mona ako dito para pumunta sa restroom at pakalmahin ang sarili. Binuksan ko ang gripo at naghilamos. Tiningnan ko ang mukha ko sa malaking salamin na nadoon. Tumutulo pa ang buhok kung naabot ng tubig kaya kinuha ko ang panyo sa bulsa at pinunasan ang mukha. Huminga ako ng malalim ng dalawang beses at lumabas na ng cr.

Hindi ko na pinatagal ang pag-uusap namin ng babae dahil ayoko talaga ng may nakakausap na babae kaya nagpaalam na ako agad dito. Nagbayad mona ako sa counter bago tuluyang umalis.

Hanna's P.O.V.

Bago ako umuwi dumaan muna ako sa pinagtatrabahoan ko para mag-resign. Ayaw pa sana pumayag ng boss ko dahil isa daw ako sa masipag at mapagkakatiwalaang trabahante nito pero wala rin itong magagawa sa pagpipigil sa akin dahil buo na ang desisyon ko. Dinaanan ko na rin ang kaibigan at katrabaho kong si Estifany para ipaalam na rin dito ng personal ang pag-alis ko.

"Seryoso ka ba Faith? Kanina lang sabi mo aabsent ka lang tapos ngayon aalis kana..huhuhu paano na ang day off ko ngayong linggo." binatukan ko ito.

"Saan ka ba talaga nalulungkot? Sa day off mo na sinayang ko ngayong araw o sa pag-alis ko." ginamit ko kasi ang day off nito ngayon dahil sabi ko palit nalang kami pero ang nangyari aalis na ako.

"Mas nalulungkot ako  sa sarili ko dahil wala akong pahinga ngayong linggo dahil sayo." nag-eemote pa ito na kala mo umiiyak kaya binatokan ko ulit.

"Nakakadalawa kana ha..ako na nga ang kinunan mo ng day off ako pa ang sinasaktan mo ngayon." pag eemote parin nito.

"Sorry na po... Ililibre nalang kita pag nagkasahod ako sa bago kung trabaho." pang-aalo ko dito. Bigla namang umaliwalas ang pagmumukha nito.

"Yan ang hinihintay kong sabihin mo.Saan ka nga pala magtatrabaho?" tanong nito.

"Magiging isang stay in nurse ako ng isang may sakit na matandang babae. Sa wakas magagamit ko na rin ang pinag-aralan ko." naeexcite kong sabi.

"Eh..magkano naman ang sahod?" Estifany.

Kinaway ko ito para mas lalo pa itong lumapit sa akin na agad naman nitong nakuha.

"35 thousand!" bulong ko dito. Nakita ko ang pagbilog ng bibig at mata nito.

"Thirt----" bigla nitong nilakasan ang boses kaya mabilis kong tinakpan ng kamay ko ang bibig nito.

"Pag nag-ingay ka pa wala kang mahihita sa akin kahit tig peso na juice." bulong ko ulit dito pero kinuha ko na ang kamay sa bibig nito.

"Nakakagulat naman kasi ang sweldo mo.. Mas malaki pa yata sahod mo kisa sa mga ospital." bulong din nito sa akin

"Oo nga.. Minsan gusto ko magtaka dahil baka front lang to ng mga sindikato pero nang mameet ko ang nag offer ng trabaho sa akin naniwala na ako." kinikilig kong sabi.

"Teka muna. Bakit parang iba yang kinang nang mga mata mo? Gwapo ang apo no?"may panunuksong sabi ni Estifany

"Hmm, Gwapo nga bhest. Bali ang lola niya ang aalagaan ko.. Hayy mas gusto ko na siya nalang ang alagaan ko." kinikilig kong kwento sa kaibigan.

"Base sa inaasal mo ngayon.. Naniniwala na ako na gwapo nga iyon dahil ngayon lang yata kita nakitang nagkacrush sa isang lalaki." kombinsidong sabi nito.

"Hayyy Tif... Kung alam mo lang.. Parang gustong malaglag ng panty este ng panga ko ng una kong masilayan ang mukhang iyon."-dagdag ko pa.

"Bigla tuloy akong nacurious sa pagmumukha ng lalaking yan." sabi nito na napapailing nalang.

"Teka senave ko ang larawan niya kagabi." hinanap ko ang larawan nito sa cp ko at ipinakita ko dito.

Napansin ko ang pamimilog ulit nang mga mata nito na parang kilala nito ang nasa larawan.

"What?? Si Dwight Zane ang magiging employer mo?" malakas na sigaw nito kaya napatingin ang ilang customer sa amin.

"Hinaan mo nga yang boses mo.. Makareact ka jan kala mo close kayo." sita ko dito kahit medyo nagulat dahil nakilala iyon ng kaibigan.

"Eh gag* ka pala eh.. Sino pa ang hindi nakakilala kay Dwight eh famous yan no." sabi nito.

"Talaga?? So Dwight Zane pala ang pangalan niya." -ako

"Oo.. Kung di mo pa alam lima silang magkakaibigan. Pero ang pinakasikat talaga sa kanila si Dylan na isang vlogger. Nakilala namin silang lima sa panonood ng mga vlogg ni Dylan iyon din ang dahilan kung bakit meron itong 10million subscriber dahil narin sa mga kaibigan nito." paliwanag nito.

"Wow..talaga.. Di ko alam na meron palang kilalang grupo na pinagkakaguluhan ng kababaihan dito sa Pilipinas akala ko sa Korea lang nag-eexist ang ganon." patango-tango ko pang sabi.

"Makinig ka.. Si Dylan ang pinag-uusapan na matinik sa babae kaya jan ka mag ingat pag nameet mo sila. Si Zyrus naman ang genius type dahil sa suot nitong  eye glasses. Si Liam naman ang badboy rinig ko nanakit din ng babae yon, si Clark naman yong medyo seryoso dahil sa kabiguan sa pag-ibig at ang panghuli si Dwight ang pinakaseryoso at pinakasuplado pag dating sa babae.. Wala kasi siyang hilig sa babae noon pa kaya never pang nag ka gf." mahabang paliwanag nito.

Pinalakpakan ko ito dahil parang kilalang-kilala nito ang mga iyon.

"Wow ang galing mo Tif.. Hindi halata na nereseach mo talaga ang backgroud nila." sabi ko.

"Syempre lahat kaya sila puro gwapo kaya lahat din sila kinilala ko no." pairap na sabi nito.

"Pero kanina ng magkita kami ni Dwight na yon hindi naman niya ako sinupladuhan..oo tahimik siya at seryoso pero di naman niya ako tinarayan kahit na---" napatigil ako nang maalala ang pagbuga ko ng kape sa mukha nito.

"Kahit na ano???" tanong ni Tif

"Ah..eh.. Binugahan ko kasi siya ng kape sa mukha." nahihiya kong sabi

"Whattt?????" napalakas na naman ang boses nito kaya nakatawag na naman kami ng pansin.

"Ang bibig mo talaga laging pahamak." sita ko ulit

"Nakakagulat naman kasi yang pinagsasabi mo..mabuti nalang hindi ka din tinapunan ng kape sa mukha." Estifany

"Hindi naman.. Bigla lang siya nagpaalam sa akin na aalis." sabi ko

"Kitamz.. Umalis agad yon dahil ayaw nito ipakita sayo ang tunay na ugali nito.. Siguro ayaw nito na umatras ka sa usapan ninyo.. Sa pagkakaalam ko kasi naninigaw at naninita yang si Dwight. Kaya ingat ka nalang girl dahil feeling ko hindi hahaba ang buhay mo doon." seryosong sabi ni Estifany.

"Tama hindi din magiging mahaba ang buhay mo kung mawawalan ka ng trabaho sa kakatsinismis mo jan." nagulat kami sa biglang pagsulpot ng supervisor sa gilid namin. Kaya si Estifany  ay nag mamadali nang bumalik sa pwesto nito habang ako ay naiwan.

"Sige ma'am alis na ako." paalam ko..kinawayan ko naman si Estif na aalis na ginantihan nito ng kindat.

Umuwi na rin ako kaagad dahil pasado alas 12:00 na ng tanghali. Naiisip kong sa bahay na kumain kaysa gumastos pa ako doon sa mall.

Agent Dwight Is My Knight (Book 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon