Chapter 24: Secret House

1.6M 44.7K 30.2K
                                    

"CONGRATULATIONS ULIT, JEYDON. Best wishes sa inyo ni Candice," bati ni Shawn sa 'kin. "After how many years, nauwi rin sa kasalan."

"Salamat, bro," sambit ko. Nakita ko agad sa likod niya sina Troy na papalapit na sa amin. Lahat sila nakangisi sa akin. "Ayoko ng mga ngiti nila," bulong ko.

"O, Jeydon, tapos na ang kasal pati ang party. Ready ka na ba sa honeymoon n'yo?" bungad agad ni Blake. "Uy! Kabado!" sigaw pa niya at sunod-sunod na rin nila akong inasar.

"Ako? Kabado?" maangas kong tanong. "Hindi ako kinakabahan. Kayang-kaya ko 'yon," natatawa kong sabi. Natatawa kasi ako sa sarili ko kasi lahat nang sinabi ko kasinungalingan. Dahil ang totoo talaga kinakabahan ako.

"Wala kang maloloko dito! Huwag kami, iba na lang!" singit ni Troy kaya nagtawanan na naman lahat sila. Kahit kailan talaga loko-loko 'tong si Troy. Kung nakakalakad lang ako ngayon, binatukan ko na siya. "Jeydon, alam mo puwede ka namang humingi ng advise sa 'min lalo na sa akin kasi master na ako sa ganiyan." Tawa siya nang tawa kaya sinamaan ko agad siya ng tingin. Napahinto naman siya sa tingin ko.

"May sarili akong diskarte. Huwag na kayong makialam. Sige na, baka nando'n na si Candice," sambit ko pero nagtawanan lang lahat sila.

Naiinis na talaga ako.

"Basta mag-enjoy lang kayong dalawa do'n ni Candice," nakangiting sabi ni Marky. May maasahan pa rin pala ako sa kanila. Si Marky lang ata ang pinakamatino sa kanila. "Make the best out of it."

"Salamat, Kie," sabi ko. "Buti ka pa maayos na kausap."

"Tama na, mga bro. Ihahatid ko na si Jeydon doon," sambit ni Shawn. Isasama ko na rin siya sa matinong kausap.

Lumapit sa 'kin si Troy at tiningnan niya ako nang napakaseryoso. "You and her body will be doing the work and all you got to do is enjoy the moment," seryosong sabi ni Troy. Mabuti naman at umayos na siya. "Your love for each other will do the magic tonight."

"Sabi mo nga sa wedding vow mo, just hold her hand and don't lose your spark," singit naman ni Blake.

Puwede nama pala silang kausapin nang matino.

"Enjoy!" dagdag nina Ginno, Six, at Travis sa likod. "Magkuwento ka ha!" Mga loko-loko.

"Thank you guys, I'll take your words into consideration," sabi ko at saka hinila ni Shawn palayo ang wheelchair ko sa kanila at nagsimula na kaming pumunta sa secret house. "Tayong dalawa na lang naman, Shawn. Ang totoo kasi, kinakabahan talaga ako," sambit ko.

Hindi ko alam kung makukuha niya ang gusto kong sabihin pero ang dahilan ng pagkakaba ko ay dahil sa bagay na ngayon ko pa lang gagawin.

"The honeymoon is not just about sex," sagot niya pero natawa ako bigla sa sinabi niya. "Iyon ang iniisip mo, hindi ba?" tanong niya.

"You can always read my mind, even. Maybe that's why after all the shit we've been through, you're still my best friend," sambit ko. "And I thank you for that."

"Shet. Nosebleed. Ganiyan ka nga pala kapag kinakabahan ka, napapa-English bigla," sambit niya sabay tawa. "Hindi ako nagsisisi na nagpaubaya ako para sa 'yo. Alam kong mas worth it ka para kay Candice. You're my damn crazy best friend."

Inihinto niya ang wheelchair ko dahil nasa tapat na kami ng hanging bridge papunta sa secret house. Tumalikod siya sa akin at bumaba siya. "Sumakay ka sa likod ko," utos niya. Hindi ko maramdaman ang mga paa ko kaya inalalayan pa rin niya akong makaangkas sa likod niya.

Mula sa secret house, pumunta sa lugar namin si Kim para dalhin naman ang wheelchair ko.

"What a sweet view," nakangiti niyang sabi sa amin ni Shawn. Ewan ko ba kay Kim parang may pang-aasar pa sa boses niya. "Come on. Candice is waiting for you."

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon