Chapter 7: Inuman session

1.7M 43K 10.1K
                                    

HUMINTO KAMI SA isang convenience store. Bumaba kaming apat at si Troy excited ata dahil nauna na siyang pumasok sa loob.

"Mag-hard tayo!" sigaw niya. "Ito maganda!" Kumuha siya ng hard na alak sa refrigerator.

Lumapit agad kami sa kaniya. Binatukan siya ni bayaw Charles. "Sira! Hindi tayo magpapakalasing sa alak. Light lang para chill lang." Kinuha niya 'yong hawak ni Troy tapos pinalitan niya ng labindawalang light beer.

Kumuha si Marky ng makakain namin tapos dumiretso kami sa counter para magbayad. Tapos, bumalik kami sa kotse at wala pang kalahating oras nakadating na kami sa tambayan namin sa tabing dagat.

"Woooo!! Ang lamig dito!" sigaw ni Troy tapos tumakbo siya papunta sa dagat. Baliw pa rin siya hanggang ngayon. "Mga ugok, bilisan n'yo diyan!"

"Ang tao tumatanda, pero minsan hindi nagtatanda." Natawa kami ni Charles sa sinabi ni Marky. "Isip-bata pa rin talaga siya minsan." Pare-pareho kaming napakamot ng ulo. Sinundan na lang din namin si Troy.

Kumuha kami ng mga sanga ng kahoy at inipon namin 'yon para gawing bonfire. Umupo kaming apat do'n at isa-isa na rin naming binuksan 'yong mga alak namin.

"Ano pumasok sa isip n'yo at pumunta tayo dito?" tanong ko. "Miss n'yo ko, 'no?" Lahat sila binato ako ng maliliit na sanga. "Ano ba?! Baka matamaan 'yong mukha ko."

"Ano? Wala namang mawawala sa 'yo," sabat ni Troy tapos tawa siya nang tawa. "Ang vain mo masyado."

"Ganoon talaga kapag guwapo," sagot ko sabay tawa. Lahat sila natigilan. "O, bakit?"

"Abnormal!" sigaw nilang tatlo.

Madami na akong nakilala at naging kaibigan pero wala kahit isa 'yong pumantay sa kanilang tatlo. Kahit na nagkaroon kami ng tampuhan at awayan, sa huli buo pa rin kami. Kahit na ang tagal naming hindi nagkita, walang nagbago.

"On a serious note, madami kang kuwento sa 'min kaya nag-aya kaming uminom dito. At pakiramdam namin may importante kang sasabihin," sabi ni Troy. "Ano ba 'yon, Jeydon?"

Napalunok ako. Nakatingin lang silang tatlo sa 'kin at mukhang hinihintay talaga nila 'yong sagot ko. Natigilan ako at napaisip.

Sasabihin ko na ba?

Malalaman din naman nila 'yon at parang kapatid na rin naman 'yong turing ko sa kanila kaya wala sigurong masama kung sabihin ko na sa kanila ngayon.

"Nag-propose na ako kay Candice," sabi ko.

"Pumayag siya?" pang-aasar ni Troy.

"Oo pumayag siya at engaged na kami," seryosong sagot ko.

"Wow! Ang dalawa kong best friend magpapakasal na. Ang saya no'n! Congrats, 'tol!" tuwang-tuwang sabi ni Troy.

"Congrats, Jaydee," singit ni Marky. "Alam ko naman na diyan na rin kayo pupunta ni Candice eh."

"Salamat mga, 'tol." Agad akong napatingin kay Charles. Wala siyang emosyon. Kinabahan ako bigla.

"Engaged na pala kayo." Seryoso 'yong tono ng boses ni Charles. "Congrats." Nagulat kaming tatlo no'ng bigla siyang tumayo at naglakad papunta sa dulo. Tiningnan ako ng dalawa at sinenyasan na sundan ko si Charles.

Sinundan ko nga siya. Nagsindi siya ng yosi habang nakatingin siya sa dagat.

"Charles, may problema ba?" Bumilis 'yong tibok ng puso ko dahil sa kaba. Tutol ba siya? "Hindi ka ba payag na ikasal kami ng kapatid mo?" diretso kong tanong.

"Gago," matipid niyang sagot. "Sino ba ako para tumutol? Isa pa, kaibigan kita." Seryoso pa rin siya.

"Ayon naman pala eh, bakit nag-iinarte ka diyan?" biro ko.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon