Chapter 14: If only

1.5M 40.8K 18.8K
                                    

Tiffany's Point of View


AFTER ONE MONTH . . .

"Anong plano mo?" pagtataray niya sa 'kin. "Diyan ka na lang, gano'n?" Tumayo agad ako dahil sa itsura ng kilay ni Ate ngayong alam kong naasar na siya sa akin. Galitin mo na ang lahat, 'wag lang ang kapatid kong nagiging dragon. "Bilisan mo!" sigaw niya sa 'kin.

"Oo na!" Naghanap agad ako ng damit na isusuot ko. May tatlong meeting ako ngayong araw.

Una, meeting with Candice para sa wedding dress niya. Pangalawa, meeting with the Mendozas para sa damit ng mga modelo nila. Pangatlo, coffee meeting with Travis.

Patapos na akong mag-ayos kaso bigla na lang bumukas ang pinto ng kwarto ko. Ang lakas nang pagkakabukas na akala mo masisira na 'yon. "Ano na?!"

"Baka nga naliligo pa lang si Candice. Easy ka nga lang, Ate," pagpapakalma ko sa kaniya pero, as usual, tinarayan niya lang ako. "Mas excited ka pa sa ikakasal eh," natatawa kong sabi.

"Bitter?" Natigilan ako sa sinabi niya. Alam ko naman inaasar niya lang ako pero naalala ko na naman kasi siya. "I'm just joking, sis!"

"Oo, bitter ako kasi ang tanga ko eh." Tumalikod ako sa kaniya dahil malapit nang tumulo ang luha sa mata ko na ayokong makita niya. "Ang tanga ko para pakawalan ang taong mahal ko at mahal ako dahil lang sa maliit na bagay." Pumasok ako sa dressing room at doon nagbihis. Hinayaan ko lang ang sarili ko na umiyak doon.

It's been two years but I still love him.

"Tiffany, sorry. Please don't be mad at me," pakiusap ni Ate sa labas.

Lumabas ako. "Hindi ako galit sa 'yo, Ate. Galit ako sa sarili ko." Pinilit kong ngumiti sa kaniya. "Let's go?"

Hanggang makarating kami sa coffee shop, tahimik lang kaming pareho ni Ate. Wala lang siguro ako sa mood. Sanay na rin naman siya sa akin na bigla-bigla akong tumatahimik. She knows me more than anyone else.

"Bee! Ang takaw mo, ha! Pangatlong Oreo cheesecake mo na 'yan. Gusto mo bang maging mataba sa kasal mo?" suway ni Ate kay Candice. "Para kang naglilihi eh. Akin na nga 'yan!" Kinuha niya 'yong cake na hawak ni Candice. Inagaw din naman agad ni Candice 'yong cake niya. Ang takaw niya ata ngayon, gutom ba siya?

"Stacey! Mind your own business," pagsusungit ni Candice.

"Candice, hindi ka ba kumain kanina?" tanong ko.

"Kumain pero pakiramdam ko gutom pa rin ako eh at nag-crave ako ng cake," sagot niya habang ngumunguya siya.

"Pareho kayo ng soon-to-be husband mo, halimaw ang tiyan. Ewan ko ba sa inyo! Pareho kayong abnormal," asar na sabi ni Ate Stacey.

"Hayaan mo na nga siya, Ate, kung diyan masaya si Candice. Magkakasya pa rin naman sa kaniya 'yong gown eh." Nilabas ko ang sketch pad ko at ipinakita kay Candice ang draft ng wedding gown niya. Napahinto siya sa pang-apat na donut na kinakain niya. Sa wakas. "Ano sa tingin mo, best friend?" tanong ko.

"Wow! Tiffany, the best ka talaga." Parang may kung anong kumikislap sa dalawang mata niya. "Sabihin mo kapag tapos mo na siyang gawin tapos isusukat ko na siya." Ang laki ng ngiti niya at kita sa kaniya na masaya siya at masaya rin ako dahil do'n.

"Stacey, kayo ni Ginno, kailan ang kasal n'yo?" Naibuga ni Ate 'yong kinakain niyang cake dahil sa gulat. "Oh, bakit? Wala pa kayong plano?"

"Bee, maaga pa! Hello? Eight months pa lang kami at madami pa kaming pagdadaanan." Tumawa si Candice. "O, bakit?"

"Wala naman 'yan sa tagal eh. Mayroon nga ang tagal na pero hindi naman nagkatuluyan."

"Parang Troy at Tiffany, gano'n?" Pare-pareho kaming natigilan. Tiningnan agad ako ni Ate gamit ang 'sorry face' niya.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon