Chapter 41: Being a daddy

1.6M 41.2K 28.6K
                                    

UNTI-UNTI KONG MINULAT ang mata ko dahil sa pag-iyak ulit ni Dwayne. Pangatlong pag-iyak na niya 'to. Nakita ko si Candice na akmang babangon kaya agad akong umupo sa pagkakahiga ko at pinigilan ko siya.

"Ako nang bahala. Matulog ka na," sambit ko.

"Sigurado ka ba? Wala ka pang tulog, Jeydon. Ako nang bahala kay Dwayne," nag-aalala niyang sabi.

"May pasok ka pa bukas, kaya kailangan mo ng tulog at ng pahinga. Ako nang bahala sa anak natin," nakangiti kong sabi.

Tumayo agad ako sa kama namin at tiningnan ko si Dwayne sa crib niya na nasa tabi lang din ng kama namin ni Candice. "Tahan na, Dwayne, nandito na si tatay." Binuhat ko siya nang dahan-dahan at saka ko siyang hinele. No'ng tumigil siya sandali sa pag-iyak, saka ako nagtimpla ng gatas niya.

Naglagay ako ng mainit na tubig sa feeding bottle ni Dwayne at saka ako naglagay ng dalawang scoop ng gatas. Nagbi-breastfeed pa rin naman si Candice pero minsan na lang dahil sa trabaho niya. Sampung buwan na simula no'ng manganak siya at nagtrabaho na ulit siya last week. Ayaw niya kasi akong magtrabaho dahil sa bilin ni Dr. Song na kailangan ko munang tumigil sa pagtuturo hanggang sa maging maayos na lahat.

Oo, alam na niya ang nangyari sa 'kin, kaya nag-alala agad siya sa 'kin. Gustuhin ko man na ako na lang ang magtrabahoat siya na lang ang mag-alaga sa anak namin ay wala akong magawa dahil hindi pa ako puwedeng magtrabaho ulit. Ayoko rin naman na magpasaway dahil ayoko na rin lumala ang sakit ko. Alukin man kami nila Dad at Ate ng pera, hindi namin 'yong tinatanggap na mag-asawa dahil pareho kami ng prinsipyo ni Candide na 'wag dumepende sa magulang namin kaya lahat ng gastos ay sa amin.

Okay lang naman kay Candice magtrabaho, para naman daw sa amin 'yon. At pareho kaming nag-agree na 'wag kumuha ng yaya para kay Dwayne. Gusto ko kasing sa amin talaga siya ni Candice lumaki.

Hinalo ko ang gatas ni Dwayne. Binuhat ko ulit siya at pinainom ko siya ng gatas habang hawak hawak ko ang feeding bottle niya at hele-hele ko siya.

Aaminin ko, nakakapagod at nakakantok ang ginagawa ko. Halos wala pa akong tulog dahil panay ang iyak ni Dwayne. Kung hindi siya gutom ay puno naman ang diapers niya. Pero kahit gaano kahirap pa lahat ng 'to, masaya pa rin akong gawin ito para sa anak ko at para kay Candice.

Kinantahan ko si Dwaybe ng lullaby at no'ng matapos niyang uminom ng gatas ay agad din naman siyang nakatulog. Pinagmasdan ko lang siya sandali bago ako dumiretso sa kama at matulog.

Hindi ko alam kung ilang oras na akong nakatulog pero nagising ako sa tawa ni Dwayne. Pagmulat ko, nakita ko sila ni Candice sa harap ko.

"Good morning, Tatay Jeydon!" bati sa 'kin ni Candice. "Dwayne say hi to Tatay!" Nilapit niya sa akin si Dwayne at binuhat ko siya. Ang lakas ng tawa niya kaya hindi mo na rin mapigilan na tumawa.

"Good morning sa dalawa kong baby," sambit ko. Hinalikan ko si Dwayne sa pisngi pagkatapos lumapit ako kay Candice at hinalikan ko din siya. "Good morning kiss, asawa ko."

"Pilyo ka talaga. Bumangon ka na. Nagluto ako ng breakfast mo."

Binuhat ko si Dwayne papunta sa baba. Pagtanaw ko pa lang sa mesa, natakam na agad ako sa mga niluto ni Candice. Ang daming pagkain at sa tingin pa lang masarap na. Buti na lang nag-aral na siyang magluto. Napangiti tuloy ako no'ng maalala ko 'yong dating sunog na itlog na niluto niya para sa 'kin.

"Ang dami naman ata nating pagkain?" nagtataka kong tanong. "May okasyon ba?"

Kinuha niya sa akin si Dwayne. "Walang okasyon. Gusto ko lang ipagluto ang napakasipag kong asawa at napakamapagmahal na tatay ni Dwayne," nakangiti niyang sabi. "Tama naman ako, 'di ba, baby? Ang sipag at ang sweet ng tatay mo?"

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon