Chapter 5: Long time no see

1.7M 46.9K 15.3K
                                    

KASABAY NG PAGPUTOK ng baril ang pag-aakala kong kamatayan ko na. Pero tama nga siguro ako no'ng sinabi kong may siyam na buhay ang pusa. Hindi ako namatay. Hindi ako nabaril. Buhay ako at makakabalik pa ako kay Candice.

Hindi talaga ako pwedeng mamatay dahil matagal mamatay ang masamang damo at ubod sa kaguwapuhan na tulad ko. Minulat ko 'yong mga mata ko. Nakita ko na lang si Stella na nakahiga na sa sahig. Anong nangyari sa kaniya? Nakita ko 'yong likod na niya na duguan at may tama ng baril. Sino naman ang bumaril sa kaniya?

Napatingin ako sa malayo. Naaninag ko 'yong lalaking may hawak ng baril, 'yong bumaril kay Stella. Nakangiti siya habang nakatingin siya sa 'kin tapos unti-unti siyang lumapit habang hawak niya pa 'yong baril na ginamit niya kay Stella. Pumunta siya sa harap ko. Ngumiti na naman siya. Anong problema niya?

"Ayos ka lang ba?" concerned na tanong niya.

"Ayos lang ako," sagot ko. "Hindi naman masyadong masakit 'yong saksak sa braso ko. Malayo 'to sa bituka kaya okay lang."

Ngumiti siya bigla. "Long time no see." Lumapit siya sa 'kin tapos inalalayan niya akong tumayo. "Wala ka pa ring pinagbago."

"Alam ko," sagot ko. "Guwapo pa rin ako."

Tumawa siya. "Mas gwapo pa rin ako sa 'yo."

"Lul! Umasa ka pa! Ano ba kasing ginagawa mo dito?"

"Wow, salamat. Salamat niligtas kita," sarcastic niyang sabi. Tss. Sinabi ko ba kasing iligtas niya ako? Sinamaan niya ako ng tingin.

Hinawakan ko 'yong braso niya, sign ng pagpapasalamat ko sa kaniya.

"Salamat sa pag ligtas mo sa 'kin," sabi ko. "Utang ko 'yong buhay ko sa 'yo, Shawn."

"Wala 'yon," aniya. "Ganoon naman ang magkaibigan, 'di ba? Palaging nagtutulungan."

Aaminin ko, wala na 'yong sama ng loob ko sa kaniya. Kaya kahit na hindi pa kami pormal na nagkakaaayos, parang okay na rin kami.

Maya-maya lang dumating na 'yong mga pulis at pati 'yong rescue team para dalhin si Stella sa ambulance. Mukhang buhay pa siya pero wala na siyang malay. Buti na lang talaga nabaril ni Shawn si Stella, kung hindi baka patay na ako ngayon.

Inalalayan kami ng nurse sa isa pang ambulance para gamutin 'yong braso kong may saksak.

Bumalik 'yong tingin ko kay Shawn. "Paano mo pala nalaman na nandito ako?" tanong ko sa kaniya.

"Nabanggit ko kasi kay Jayshin na nandito ako sa Korea kaya kanina nag-text siya sa 'kin na kung malapit daw ako sa N Seoul Tower, puntahan daw kita kasi nasa panganib ka," sagot niya.

"Ano ba ang dahilan at nandito ka sa Korea?"

"Nandito ako para agawin ulit sa 'yo si Candice." Sinamaan ko kaagad siya ng tingin. Baka gusto niyang siya 'yong mabaril? Tumawa naman siya bigla tapos hinawakan niya 'yong balikat ko. "Biro lang," aniya. "Nandito kami para sana pumunta sa graduation mo, pero late na kami."

"Subukan mong agawin sa 'kin si Candice, sisiguraduhin kong hindi ka na makakangiti." Tumawa na naman siya. Baliw na ata 'tong si Shawn. "At sinong kami? Sinong kasama mo?"

Bigla namang may sumingit na boses. "Long time no see." Pamilyar 'yong boses na 'yon. Pagtingin ko sa likod ni Shawn, nakita ko si Kim na nakangiti at papalapit sa 'min. "Ngayon na nga lang tayo magkikita, sa ganitong sitwasyon pa. Ayos ka lang?"

"Oo naman, bakit nandito ka rin Kim? Magkasama ba kayo ni Shawn, ha?" tanong ko. Nagkatinginan silang dalawa ni Shawn at sabay lang silang napangiti. Mukhang hindi ko na kailangang magtanong; halata naman na nagkakamabutihan ulit silang dalawa. Good for them. "No need to answer my question. Actions speak louder than words."

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon