Chapter 22: Day to Forever

1.4M 43.4K 8.2K
                                    

Candice' Point of View


"READY NA BA ang lahat?" tanong ni Lucas sa amin. "Aalis na tayo."

Tumango lang ako sa kanilang dalawa ni Kim sa harap.

Nagulat na lang ako no'ng dumating silang dalawa sa bahay. Sasabayan daw nila kaming dalawa ni Jeydon papunta sa Tagaytay.

Tiningnan ko si Jeydon sa tabi ko at tahimik lang siyang nakatingin sa may bintana. Pakiramdam ko may malalim siyang iniisip. Hinawakan ko ang kamay niya.

"May problema ba, Jeydon?" tanong ko.

Tiningnan niya ako at ngumiti siya. "Iniiisip ko lang sina Ate. Hindi ko lang maintindihan kung bakit gano'n ang inasal nila kagabi. Hindi nila dapat sinabi ang mga 'yon sa 'yo. Sa pagkakakilala ko sa kanila, hindi naman sila gano'n."

"Naiintindihan ko sila. Ilang beses ka na bang napahamak ng dahil lang sa 'kin? Kung ako ang nasa posisyon nila, baka magalit din ako." Hinigpitan niya ang pagkakahawak sa kamay ko. "Intindihin mo na lang sila, ikaw lang naman ang iniisip no'n."

"Kung alam lang sana nila kung gaano ka kabait, mahihiya siguro sila na awayin ka." Lumapit siya sa akin at ipinatong niya ang ulo niya sa balikat ko. "Thank you for understanding, Candice," sambit niya.

"Matulog ka na muna. Gigisingin na lang kita kapag nasa Tagaytay na tayo," sambit ko.

Niyakap ko siya habang siya naman ay nakasandal sa akin. Hinayaan ko lang siyang matulog sa tabi ko dahil alam ko na hindi siya nakatulog kagabi. Sa tuwing imumulat ko 'yong mata ko, nakikita ko siyang gising. Siguro nga iniisip niya ang pamilya niya.

Sa lahat ng nangyari wala naman akong karapatan na magalit sa ipinapakita sa 'kin nina Ate Jaycee. Maybe I deserve all the hate because of all the trouble I'm giving Jeydon.

"Ang sarap n'yo pagmasdan, Candice," sambit ni Kim. Masaya siyang nakatingin sa amin ni Jeydon. "Sa dinamidami ng pagsubok na pinagdaanan n'yo, ang sarap makita na matatag pa rin kayo hanggang ngayon."

"Salamat, Kim," sambit ko. "Alam ko malayo na rin ang narating n'yo ni Lucas."

"Madami na kaming napagdaanan at alam ko madami pa ang dadating pero kagaya n'yo ni Jeydon, kakayanin namin lahat 'yon," singit ni Lucas.

Bigla na lang may pumasok sa isip ko. Matagal ko nang naririnig ang tungkol sa kanilang tatlo ni Jeydon pero hindi ko pa rin alam hanggang ngayon ang buong storya tungkol sa nangyari sa kanila dati.

"Hindi ko pa alam ang buong kuwento ninyong tatlo. Magkwento naman kayo. Past na naman 'yon eh kaya puwede nang pag-usapan." Naubo si Kim at Lucas sa sinabi ko. Si Jeydon naman ay nakapikit na ang mata kaya baka tulog na siya at hindi niya narinig ang sinabi ko. "Sige naman."

Nagkatinginan si Lucas at Kim pero sa huli si Kim ang nagkuwento. "Ang totoo, si Shawn talaga ang gusto ko at hindi si Jeydon. Masungit si Shawn at hindi siya basta-basta nakikipag-usap, samantalang si Jeydon naman sweet, caring, at masarap kasama. Pero iba talaga ang dating sa 'kin ni Shawn. Mag-best friend silang dalawa at sabay nilang binuo ang Phoenix kasama ako dahil malapit na ako noon pa kay Jeydon. Nang na heartbroken ako kay Shawn dahil nagkaroon siya ng girlfriend, tinulungan ako ni Jeydon na makalimot at eventually nahulog ako sa kaniya."

"Paano ka nagtaksil kay Jeydon kung nahulog ka na pala sa kaniya?" tanong ko.

"Nalaman ko kasi na una pa lang gusto na rin ako ni Shawn. Itinago lang niya sa 'min ang lahat dahil ayaw niyang malaman 'yon ni Jeydon. Alam ni Shawn na gusto ako ni Jeydon at ayaw niyang masira ang pagkakaibigan nila kaya nagparaya na lang siya. Nang malaman ko 'yon, parang bumalik ang pagkagusto ko kay Shawn kaya kinausap ko siya at doon kami naging malapit."

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon