Chapter 16: Bridal Shower

1.4M 38.3K 16.3K
                                    

Candice' Point of View


AFTER TWO WEEKS . . .

"Akin na!" suway ko kay Stacey. "I want more!" suway ko ulit. Naiinis na talaga ako. Nagugutom na ako at ayaw nila akong pakainin. What is wrong with them?

"Umamin ka nga," sambit ni Stacey, pareho nila akong tiningnan ni Tiffany na para bang may nagawa akong malaking kasalanan. Bigla na lang akong kinabahan. Ano kayang nagawa ko? "Magsabi ka ng totoo."

"Tungkol saan?" Agad kong kinuha ang breadstick sa kamay ni Stacey. Agad akong kumagat doon. "May problema ba?" sambit ko habang puno ang bibig ko ng pagkain.

"Buntis ka ba?"

Sa sobrang gulat ko naibuga ko mismo sa mukha ni Stacey ang pagkain na nasa bibig ko. Kahit si Tiffany ay natapunan din. Isa iyong nakakahiyang eksena. "Candice!"

Kumuha ako ng tissue at pinunasan ko ang agad ang mukha ni Stacey. "Sorry, Bee. Nagulat ako eh," pagpapaumanhin ko. Ngayon pa lang natatakot na ako sa mukha ni Stacey kasi parang anytime sasabog siya sa inis.

"Ano bang nangyayari sa 'yo, Candice?" tanong ni Tiffany. "Expected ko na ang reaksyon mo pero hindi ko inakalang ibubuga mo talaga 'yong pagkain mo sa mukha ko," iritable niyang sabi. "Ngayon, sagutin mo na ako. Buntis ka ba?"

Natagilan ako sandali at natawa. Ano ba ang iniisip nila at saan nila nakuha ang ideyang buntis ako? Seriously? "Utang na loob. Hindi ako buntis!" depensa ko.

"Bakit ang takaw-takaw mo tapos minsan nahihilo ka pa?" pag-uusisa pa ni Stacey.

Huminga ako nang malalim at inayos ang sarili ko. Candice's Beauty Tip 101:
Don't panic. Keep calm. Maintain your poise.

"Ang daming ginagawa sa office kaya madali akong magutom at kaya ako nahihilo dahil kulang ako sa tulog dahil sandamakmak ang pinapagawa sa 'kin ng boss ko." Uminom ako ng kape para mas lalong makalma. Kapag naiisip ko si Tyler, parang napapagod ako. Kapag naiisip ko kasi siya puro trabaho ang naiisip ko, 'yong nakakapagod na trabaho.

"Sigurado kang hindi ka buntis, Candice?" tanong ni Tiffany.

"Paano tutubo ang isang halaman kung wala ka namang tinanim na buto? Parang sa tao, hindi ba? Paano ako mabubuntis kung wala pang nangyayari sa 'min?" sarkastiko kong tanong sa kanila. Ang kulit kasi eh.

"You mean for almost six years that you are together, nothing happened?" hindi makapaniwalang tanong ni Stacey. "As in wala talagang nangyari sa inyo?"

Tumango ako. "Sa tagal naming, hindi ko naman ikakaila na may mga pagkakataon na muntik nang may mangyari sa amin, pero hindi natuloy dahil ayaw namin pareho ni Jeydon. Una sa lahat, hindi pa naman kami kasal at, pangalawa, dahil hindi ko pa nakakalimutan ang sinabi ni Mama na 'wag isuko ang Bataan. Malaki rin ang respeto sa 'kin ni Jeydon kaya ayaw niyang gawin 'yon hanggat hindi kami kasal."

Biglang sumingit si Tiffany. "May iba pa bang Jeydon Lopez sa mundo? Kasi kung mayro'n, hahanapin ko siya at papakasalan ko."

"Nag-iisa lang ang Jeydon ko at sa akin lang siya," natatawa kong sabi.

"Iyong-iyo na talaga 'yang Jeydon mo. As if naman na may gusto pa siyang ibang babae bukod sa 'yo," natatawang sabi ni Stacey. "Pero bilib ako sa 'yo, Candice, dahil anim na taon mong napangalagaan ang Bataan. You're a great defender. Maybe I was just born liberated unlike both of you." Hindi na ako nag-komento sa sinabi niya. Wala naman akong problema sa papaging liberated ni Stacey dahil alam naman niya paano i-handle ang sarili niya. "I could tell that you're modern Maria Claras. Come on, let's talk about your bridal shower!"

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon