Chapter 9: The party

1.5M 41.3K 5.7K
                                    

Candice's Point of View

DALAWANG ORAS NA akong naghihintay sa labas ng emergency room. Puno ng takot at kaba 'yong nararamdaman ko ngayon. Hindi ko ata kakayanin kapag may masamang nangyari kay Jeydon.

"Candice!" Inangat ko 'yong ulo ko at nakita ko si Marky na may kasamang babae. "Anong nangyari kay Jeydon?"

Napabuntong-hininga na lamang ako. "Sumakit na naman 'yong ulo niya." Napatingin na lang ako sa kasama niyang babae. Kilala ko siya. "Brina?" tanong ko at lumapit siya sa 'kin at hinawakan niya 'yong kamay ko.

"Ako nga, Candice. Nandito rin ako para kay Jeydon. Sana ayos lang sa 'yo," aniya.

"Oo naman. Magkakilala ba kayo ni Marky?" Napatingin silang dalawa sa isa't isa at doon pa lang alam ko nang may bagay na namamagitan sa kanila.

"Oo matagal na rin," sagot niya. "Oo nga pala, ilang oras na si Jeydon sa emergency room?"

"Dalawang oras na at hindi pa lumalabas si Mr. Song kaya kinakabahan na ako." Lumapit sa 'kin si Marky pagkatapos niyakap niya ako. "Wala namang mangyayaring masama sa kaniya, hindi ba Marky?" Pakiramdam ko maiiyak ako.

"Nandito lang kami ni Sabrina para sa 'yo. Kaya mo 'yan. Kaya 'yan ni Jeydon. May siyam siyang buhay, 'di ba?" Gumaan kahit papaano 'yong pakiramdam ko sa sinabi ni Marky. Naalala ko kasi 'yong palaging sinasabi ni Jeydon noon—"Pusa ako at may siyam akong buhay kaya matagal akong mamamatay."

Jeydon, sana nga ayos ka lang.

Naghintay pa kami ng isa pang oras sa labas. Sa wakas, lumabas na rin si Mr. Song. Lumapit agad ako sa kaniya.

"Inatake siya ng matinding sakit ng ulo. This has something to do with the tumors in his brain. Maayos na ang lagay niya sa ngayon, pero hindi tayo puwedeng magpabaya. Inumin lang niya 'yong gamot na binigay ko at babalik pa siya sa 'kin para sa mga tests."

"Salamat po, Mr. Song."

"Walang anuman, Candice." Tumingin din siya sa direksyon nila Marky at bigla na lang siyang natigilan no'ng nakita niya si Brina. "Sabrina?"

"Ako nga ito, Dad." Nanlaki 'yong mata ko sa narinig ko. Ibig sabihin, mag-ama silang dalawa? "Nandito ako para kay Jeydon. Kaibigan ko siya."

"Maliit nga ang mundo," banggit ni Mr. Song pero parang wala man lang siyang emosyon kahit nakita niya si Brina. "Pumasok na kayo, gising na siya. Aalis na ako."

Pumasok agad ako sa loob ng kwarto ni Jeydon. Pagkita ko pa lang sa kaniya, naiyak na agad ako pero pinahid ko agad 'yon dahil ayoking makita niya akong umiiyak.

"Jeydon, ayos ka na ba?" nag-aalala kong tanong. "May masakit pa ba sa 'yo?" Hinawakan lang niya 'yong pisngi ko at pagkatapos ngumiti siya sa 'kin.

"Kaya ayokong sabihin sa 'yo 'yong kalagayan ko kasi alam kong mag-aalala ka nang ganiyan pero magiging mag-asawa na tayo kaya ayoko nang maglihim sa 'yo." Napangiti ako sa sinabi niya. "I'm fine, baby, so don't worry now."

"Puwede bang hindi ako mag-alala sa 'yo? Mahal kita kaya palagi akong mag-aalala para sa 'yo."

Biglang sumingit si Marky. "Baka langgamin kayo ha." Natawa sila ni Brina.

"Teka, Brina? Bakit nandito ka?" tanong ni Jeydon.

"Nalaman ko kasi kay Marky 'yong nangyari kaya sumama ako dito para tingnan kung kumusta ka."

"Magkakilala kayong dalawa?" Sa ekspresyon ng mukha ni Jeydon, mukhang pareho kaming nagulat. "Huwag mong sabihin na siya 'yong sinasabi mong—"

"Oo!" sigaw ni Marky. Halatang pinutol niya 'yong sasabihin ni Jeydon. "Magkakilala kami at, oo, siya 'yong sinasabi ko sa 'yo." Nagtinginan sila na para bang nag-uusap sila sa isip lang.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon