Chapter 23: The Wedding

1.4M 42.7K 17K
                                    

Jeydon' Point of View

KADA MINUTONG LUMILIPAS lalong akong kinakabahan. Papayag ba siya?

Dahil sa nangyari kagabi natakot ako na baka mawala pa sa akin si Candice. Ayokong mangyari 'yon dahil hindi ko na makita ang buhay ko na wala siya. OA man pakinggan pero sobra-sobrang pagmamahal na ang nararamdaman ko para sa kaniya. Sa dami ba naman ng mga pinagdaanan namin hindi imposible na maramdaman ko ito.

Minsan natatakot ako sa pagmamahal ko na 'to kay Candice. Alam ko na kayang kaya akong sirain nito sa kahit na anong oras at panahon. Pero gano'n pa man, wala akong pakialam.

Mahal ko si Candice, mahal na mahal ko siya at iyon ang mahalaga.

"Huwag kang mag-alala. Wala ka namang binigay na choice sa kaniya kung hindi ang pumayag," sambit ni Shawn. Natawa rin ako sa ginawa ko at siguro gano'n din si Candice. "I know she'll open the door," dagdag pa niya.

Halos isang linggo ko nang ihinanda ang kasal na ito. Nang maaksidente ako, naisip ko na wala akong dapat sinasayang na oras. Alam ko naman na handa na kami ni Candice na maging mag-asawa kaya pagkatapos kong lumabas sa ospital, tinawagan ko sina Shawn para tulungan ako sa kasal namin ni Candice. Isa rin 'yon sa mga dahilan kaya hindi ko kaagad ipinaalam kay Candide ang kalagayan ko. Wala na akong pakialam kung hindi man ako nakakalakad dahil alam ko na hindi naman 'yon magiging hadlang sa amin ni Candice. Walang-wala ang pagkabaldado ko sa mga pagsubok na pinagdaanan naming dalawa.

"Kinakabahan ako," bulong ko sa best man kong si Marky. "Sana talaga buksan niya."

Simple lang ang kasal namin. Mga importanteng tao lang sa aming dalawa ang nandito. Kasama do'n ang pamilya ni Candice pero wala si Charles dahil hanggang ngayon, wala pa ring nakakaalam kung nasaan siya. Pero nagpapadala siya ng sulat sa bahay nila na maayos lang siya at kailangan niya lang muna na mapag-isa. Ewan ko ba sa gurang na 'yon, minsan lang mag-inarte pero kapag nag-inarte siya sobra-sobra.

Sa pamilya ko naman, kahit na ayaw pa rin nina Mom at Ate kay Candice ay nandito pa rin sila kasama si Jayshin. Si Dad? Hindi na ako umaasang dadating pa siya.

Unti-unting bumukas ang pintuan. Mas lalong bumibilis ang tibok ng puso ko.

Napangiti agad ako no'ng makita ko si Candice. Simple lang siya pero napakaganda niya.

"She's beautiful, son," sambit ni Mom.

Agad siyang nilapitan ni Tita Candy para samahan siyang maglakad papunta sa altar. Habang naglalakad sila. Nagsimula ng kumanta si Blake at Menchie.

"What if I never knew?
What if I never found you
I'd never had this feeling in my heart.."

Hindi ko ma-explain ang nararamdam kong saya ngayon. Parang kailan lang nang nagkakilala kami ni Candice. Ang mga asaran, mga kulitan, at saka mga tawanan parang kailan lang. Ang sarap balikan lahat ng mga 'yon dahil kapag naiisip ko si Candice at lahat ng mga alaala ko sa kaniya wala akong ibang maisip kung hindi maging masaya.

She gave me life. She gave me everything I needed to be complete that's why I know she's my better half. Walang Jeydon kung walang Candice.

"How did this come to be?
I don't know how you found me
But from the moment I saw you
Deep inside my heart I knew.."

Hindi na napigilan ni Candice na maiyak. Alam ko na masaya siya kaya siya umiiyak ngayon. Alam ko kasing pangarap niya lumakad papunta sa altar at ikasal sa Prince Charming niya. Hanggang ngayon, naniniwala pa rin siya sa mga fairy tales at sa destiny. Ako man ang Prince Charming niya o hindi, sisiguraduhin kong magiging mabuti akong asawa para sa kaniya.

The Bad Boy's Love (Published under IndiePop)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon