Chapter 12

61 1 0
                                    

Chapter 12

Drem and I stayed in the place that he showed me. I managed na i-waksi 'yung nangyari kanina.

Right now, nakakabad ang mga paa ko sa mababaw na mountain river at naka-upo isang malaking bato sa gilid nito. While Drem is sitting in under one of the narra tree na pinakamalapit sa'kin.

Hinahayaan ko lang na i-ugoy ng daloy ng tubig ang mga paa ko. Nang minsang makita ang isang malaking isda sa ilog, nakaisip ako ng isang idea. I need to catch the fish to bring home to my chickens. I failed to catch the heron earlier, dapat mahuli ko na ang isda.

Hindi ko inaalis ang tingin sa isda na hindi umaalis sa pwesto nito. Dahan-dahan akong tumayo sa bato, maingat na naglakad patungo sa isda. Ingat na ingat ako na huwag ako mag-splash ang tubig sa tuwing hahakbang ako.


Napangiti ako nang makalapit ako rito sapat upang dakmahin ito, hindi nakakaramdam ang isda. Dahan-dahan pa akong yumuko, inihanda ang mga kamay para dumakma.

Napasigaw ako ng mahawakan ko ang isda pero dumulas lang ito sa mga kamay ko.

Nakarinig ako ng pagtawa sa direksyon ni Drem kaya tinignan ko siya. "Bakit lahat ng makita mong hayop sinusubukan mong hulihin?"

Dinilaan ko lang siya at muling naghanap ng malapit na isda na pwede hulihin.

Hindi ko nalang namalayan ang tagal ng pagsubok ko sa paghuli sa mga ito. I'm so close every time, but I didn't catch nothing.

Naglakad na ako para umahon. Naabutan ko si Drem na nakatayo sa puno ng narra kung saan siya nakasilong kanina, he's doing something in the tree trunk.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko ng makalapit sa kaniya.

Napansin ko ang matulis na bato sa kamay niya. He's carving letters in the narra's trunk.

After a minute, nakita ko kung ano ang inukit niya roon. It's his name.

Ngumiti siya sa'kin bago muling mag-ukit sa puno ng narra. He's curving it besides his name, just an inch apart.

It's my name.

Matapos niyang i-ukit ang mga pangalan namin, malaki ang ngiti siyang tumingin sa'kin. "'Yan ang magiging tanda ng pagka-kaibigan natin."

Malaki din akong napangiti, tumango sa sinabi niya bilang pagsang-ayon.

Dahil napagod kakahuli kakatampisaw at kakahuli ng isda sa mountain river, Drem and I lay down under the narra tree. Nai-kwento sa'kin ni Drem na palagi raw silang nagp-punta rito sa lugar kasama ang nanay at ang bunso niyang kapatid.

Hanggang sa napuno ng katahimikan ang pagitan namin. We found ourselves in a comfortable silence. Walang nagsasalita, rinig na rinig sa paligid ang bawat ihip ng hangin at ang lagaslas ng tubig ilog.

Habang magkatabing nakahiga sa damuhan sa ilalim ng puno, pakiramdam ko ay inuugoy ako ng lagaslas ng ilog na ilang hakbang lang ang layo kung saan kami magkatabing nagkahiga. It's so peaceful here.

Tanging ang ihip ng hangin at laglas ng ilog ang naririnig ko hanggang sa marinig ko ang mahihinang hilik ni Drem. Tinignan ko siya. He fell asleep.

Humilig ako ng higa, itinukod ang braso ko sa lupa at pumangalumbaba sa kaniya. I found myself looking at his face. The feature that caught my eyes is his eyelashes. It's pretty. That's how close we are right now, dahil maging ang eyelash niya ay napansin ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 17 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

To Live Life AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon