Chapter 2

197 5 0
                                    

Chapter 2

After what happened that night, I didn't felt the same. 'Yung ako na carefree at hindi iniisip ang kahit anong consequences sa mga ginagawa ko ay hindi na ako. I feel so heavy. Ni hindi ko magawang bumangon sa kama ko.

My world shifted that night, dalawang linggo na ang lumipas. Habang nagt-tuloy ang mga kaibigan at mga parents ko sa kanilang buhay, ni hindi ko magawang makabawi simula noong gabi na 'yon.

I fell into depression. Hindi ako bumabangon sa higaan ko, hindi ako lumalabas ng kwarto, palagi akong natutulog para makatakas sa mga bagay na paulit-ulit na tumatakbo sa isip ko. Napakaraming tanong, ang daming mga bagay sa isip ko ang hindi ko magawang itigil na isipin ang dumadagdag sa bigat na nararamdaman ko.

Kung dati, ang dating mga sleepless nights na inuubos ko sa pagp-party, ginagamit ko na ngayon sa pago-overthink at pag-iyak.

I feel like shit. That night, I fell in a dark hole na hindi ko alam kung paano ko tatakasan.

Mga katok mula sa pinto ng kwarto ko ang nagbalik sa'kin sa kasalukuyan.

Manang enter my room with a tray food in hand. Inilapag niya 'yon sa table ko.

"Ma'am, dinner na po kayo. Hindi na po kayo nakakain ng breakfast at lunch kasi tulog kayo kanina n'ong pumasok ako."

Ni hindi ko na alam ang oras because of how messed up my sleeping schedule is. Hindi rin ako humahawak ng cellphone, hindi ako nagb-bukas ng messages, hindi ako sumasagot ng tawag. Pero who am I kidding? My world revolves around my friends who always ring up my phone kapag naga-aya sila ng lakad, only to find out that they just do that because of my credit card... or in their words, my parent's money.

"Manang, hinahanap po ba ako nila..." Hindi ko na itinuloy ang tanong ko na alam ko na ang sagot. Umiliing nalang ako kay manang at pilit na ngumiti. "Kung pakiramdam mo manang na gumuho na ang mundo na matagal mong binuo, anong gagawin mo...?"

Hindi ko na napigilan ang mag-open kay manang. Napatagal kong dinamdam ang mga tanong na gusto ko ng kasagutan. I needed to release my bottled up feelings dahil kung hindi, pakiramdam ko ay sasabog ako.

Sa dalawang linggo na nakakulong ako sa kwarto, ang gusto ko lang naman ay isa na maari kong paglabasan ng sakit na nararamdaman ko. Pero paano naman? My friends and my parents are the reason sa bigat na nararamdaman ko.

Iniiyak ko kay manang ang lahat ng naipon na bigat sa aking puso. Halos hindi ako makahinga sa pagk-kwento ng lahat ng gusto kong sabihin dahil sa pag-iyak. 'Yong nangyari noong gabi na 'yon, at kung ano ang dapat kong ginawa n'ong mismong oras na 'yon na hindi ko nagawa dahil wala akong lakas ng loob.

Habang nagk-kwento kay manang, I realized na it's been so long that I felt so jaded. Matagal ko nang ramdam ang emptiness, na I've been living in a loophole at everything just felt the same. I just kept myself busy shopping and partying all night kaya't walang naging puwang ang mga pakiramdam na 'yon para mag-sink in sa akin.

Na that night is just my final straw para sa wakas ay ma-realize ko na hindi ako masaya sa cycle ng buhay ko na ako mismo ang gumawa.

I let out not only two weeks of bottled up feelings to manang, taon na palang nai-ipon ang bigat na nararamdaman ko.

At right now, I'm eager for a turning point. And manang's last word really stamped on my mind.

"Kung pakiramdam mo ay gumuho na ang mundo na matagal mong binuo, maari ka namang bumuo ulit ng panibago."

To Live Life AgainWhere stories live. Discover now