Chapter 11

64 1 0
                                    

Chapter 11

I'm having so much fun pa naman sa pakiki-fiesta pero ngayon, naglalakad na kami palayo sa kabilang bayan para umuwi.

"Oh? Bakit naka-simangot ka?" I guess Drem noticed the disappointment in my face too.

"Dapat kasi nakikisaya pako roon sa fiesta, e. Nakakainis lang kasi kelangan kong umuwi kaagad dahil sa dalawang lalaki kanina."

"May gagawin ka pa ba ngayong araw?"

"Bakit?" tanong ko. "Wala naman."

"Gusto mo bang sumama sa'kin? Dadalhin kita sa paborito kong lugar dito sa Scorton."

Muling nagliwanag ang mukha ko. Tumango ako sa kaniya habang malaki ang ngiti sa labi.

Nagsimula kaming maglakad muli ni Drem.

Upang marating sa lugar na sinasabi niya, naglalakad na kami ngayon sa gitna ng palayan.

"Drem," tumingin siya sa'kin ng tawagin ko siya. Itinuro ko sa kaniya ang putik sa palayan. He immediately got that I was referring to the day we first met, 'yung dumire-diretso siya sa putikan. Tumawa kami pareho.

We walked under the scorching hot sun pero habang magkasama kami, hindi naman 'yon nabibigyan ng pansin.

Malawak ang palayan na binabagtas namin kaya naman sa makikitid na pilapil kami naglalakad na dalawa.

"Ang laki ng mga ibon, oh!" bulalas ko ng makita ko ang mga sa itaas ng kalabaw sa gitna ng palayan. "Ano nga tawag sa ibon na 'yon?"

"Heron." aniya. Tumango-tango ako sa sagot niya.

Nang minsang may dumapong heron malapit sa pilapil na nilalakaran namin, sinubukan kong habulin 'yon pero sa halip, nalaglag lang ang paa ko sa pilapil papunta sa putik ng palayan.

Tatawa tawang lumapit sa'kin si Drem. "Bakit kasi hinahabol mo pa 'yung heron?"

"Huhulihin ko. Tapos iuuwi ko para may kasama mga inahing manok ko." natawa siya ng malakas dahil sa sinabi ko.

Tinulungan niya akong makaalis sa makapal na putik kung saan lumubog ang isang paa ko. Ngayon alam ko na kung bakit hirap na hirap siya noong umalis sa putik sa palayan.

"Tara na. Hanap tayo kung saan pwede ka maghugas ng paa, medyo malayo pa pupuntahan natin."

Hindi kalayuan, may nakita kaming isang puno sa gitna ng palayan. I'm lucky dahil bukod sa pwede kami roong sumilong, ilang hakbang sa puno ay may water pump na nagbubuga ng tubig papunta sa palayan.

Nand'on din ang may ari ng water pump sa gitna ng palayan, lumapit si Drem dito para magpaalam.

“Kaya ko na, Drem.” Pinigil ko siya sa pag-tulong sa'kin sa paghu-hugas ng paa 'ko pero hindi siya nakinig sa'kin.

Matapos makapaghugas ng paa, saglit kaming nagpahinga sa ilalim ng puno. Magkatabi kami na sumilong sa ilalim nito. Nasa harap ang tingin ko, pinano-nood ang ginagawang pagsasaka sa palayan.

"Claira, tignan mo." sinundan ko ng tingin ang itinuturo niya. Sa mismong taas ng puno kung saan kami nakasilong ay nakaturo siya sa ibon d'on. "Ang ganda ng kulay ng ibon 'no? Philippine fairy-bluebird."

To Live Life AgainOnde as histórias ganham vida. Descobre agora