Chapter 9

87 1 0
                                    

Chapter 9

I'm wearing my jacket sitting in my porch as I wait for Drem. Kung tama ako ay maga-alas otso na ng gabi. Pero dahil sa maliwanag na sinag ng buwan sa langit ay hindi gan'on kadilim ang paligid.

Drem was right. The moon is full tonight.

Hindi nagtagal ang paghihintay ko sa kaniya nang makita ko na siyang naglalakad patungo sa bahay.

"Claira!" kumaway siya sa'kin sa kaniyang paglalakad palapit.

Tumayo na ako, naglakad na rin palabas para salubungin siya.

"Tara na?" aniya nang magkalapit kami.

Magkasabay kaming naglakad ni Drem hanggang sa marating namin ang sementadong kalsada. Naglakad kami sa gilid n'on ng ilan pang sandali bago kami huminto sa harap ng isang tulay na gawa sa kahoy. Sa ilalim n'on ay sapa.

Naglakad si Drem sa tulay. Hindi naman ako kaagad nakasunod. Ilang hakbang lang naman ang pagdaan d'on pero hindi ko pa rin maiwasan na kabahan sa pagtawid.

"Humawak ka sa kamay ko."

Sa oras na inilahad ni Drem ang kamay niya sa'kin, nawala na ang pangamba ko sa pagtawid sa kahoy na tulay.

Sa tulong niya ay nagawa kong makatawid d'on.

"May kalayuan lang ang lugar pero sinisigurado ko, magiging worth it ang pagod mo sa paglalakad." he assured me. Isang ngiti ang ibinigay ko sa kaniya as a sign of trust.

We continue walking, ngayon, naglalakad na kami sa gitna ng mga puno. Pero kahit pa nahaharangan ng mga sanga ang langit, maliwanag pa rin ang nilalakaran naming dalawa dahil sa ilaw mula sa buwan.

Sa aming paglalakad, may pagkakataon na nagkakatama ang mga kamay namin. We didn't do anything about it, pero alam kong alam namin pareho na nangyayari 'yon.

Nang makalagpas sa nilalakaran naming puno, ramdam kong paakyat na ang nilalakaran namin. Muli ko nang nakita ang liwanag ng langit.

Matapos pa ang ilan pang minutong paglalakad, "Nandito na tayo."

My mouth is left open as I look around the place. We are now standing in a higher land, a hill. At mula dito, kitang kita ko ang buong kalangitan katulad ng sinabi sa'kin ni Drem.

"Nagustuhan mo ba?"

"Sobra." nakangiti kong sagot. "Napakaganda rito."

Walang pagsadlan ang tuwa ko habang paikot-ikot sa lugar, nakatingala sa langit dahil sa sobrang ganda ng buwan.

Naupo si Drem sa damuhan ng burol, pagkatapos ay humiga siya.

"Claira," pagtawag niya sa'kin. Nang makalapit sa kaniya, he patted the space besides him.

Humiga rin ako sa tabi niya, and it's even better, mas kitang kita ko ang kabuuan ng langit sa habang nakahiga.

"Masaya ako na nagustuhan mo ang lugar."

"Salamat, Drem. Sa pagsama sa'kin rito."

Hindi ko man nakikita ang mukha niya, alam kong nakangiti siya ngayon. Because, I am. From ear to ear.

In-admire namin sa aming pwesto ang kabilugan ng buwan. Right there in that moment, I feel like the moon is almost at my fingertips.

Mula sa perhiperal vision ko, kita ko ang kamay ni Drem na nakataas sa hangin. "Sa tuwing nandito ako, pakiramdam ko ay abot kamay ko lang ang langit at ang buwan." he said the thoughts in my head.

Kagaya niya, itinaas ko rin ang kamay ko, ipinikit ang isang mata habang inaabot ang buwan gamit ang kamay ko.

Habang nakataas ang kamay ko, sa halip na buwan ay isang alitaptap ang dumapo sa hintuturo ko.

"Drem tignan mo," ipinakita ko sa kaniya ang alitaptap sa hintuturo ko.

Tumayo ako sa pagkakahiga, hindi inaalis ang tingin sa alitaptap. Dahan-dahan, hinuli ko ito sa pamamagitan ng pagdaop ko na pareho kong palad dito.

"Nahuli ko!" tuwang tuwa kong turan.

Mula sa nakadaop kong palad, sinilip ko ang nahuli kong alitaptap. Malaki ang ngiti ko habang pinapanood ang pag-ilaw nito. In that moment, a vivid memory of me holding a firefly when I was a kid flashed through my mind. Payak lang akong ngumiti sa memorya na 'yon.

Bumaling ako kay Drem. "Gusto mo bang tignan?"

Inilapit ko ang mga kamay ko sa kaniya, nilapit niya din ang mata niya. Nang buksan ko ang palad ko para tignan niya, nagulat nalang ako ng bigla nalang lumipad palayo ang alitaptap. "Hala. Wala na."

Sa pagsunod ko ng tingin sa lumilipad palayo na alitaptap, nabigla nalang ako sa paghatak sa akin ni Drem. "Tara dali."

Napagtangay nalang ako sa paghila niya sa'kin. Hinatak niya ako patakbo sa kabilang bahagi ng burol.

Sa muling pagkakataon, the scene in front of me left my mouth wide open.

Hindi lang buwan ang nabibigay liwanag sa paligid. "Napakaraming alitaptap!" bulalas ko.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko na tumakbo pababa sa kabilang bahagi ng burol upang habulin ang napakaraming alitaptap na nagiging dahilan ng nakasisilaw na liwanag sa paligid. It looks so surreal.

My heart is full, walang pagsidlan ang tuwa sa puso ko.

Sa sobrang tuwa na nararamdaman, natagpuan ko nalang ang sarili ko na tumatakbo pabalik kay Drem para bigyan siya ng isang mahigpit na yakap.

"Thank you talaga, Drem." wika ko sa pagitan ng yakap. "Sobrang saya ko ngayong gabi dahil sayo."

Bumitaw na ako sa yakap bago ako muling tumalikod at bumalik sa pakikipaghabulan sa mga alitaptap.

"Drem, tara na manghuli tayo tapos iuwi natin para ilagay sa bote!" pagtawag ko sa kaniya. "Drem?"

Nang ibalik ko ang tingin sa kaniya, nasa pwesto pa rin siya nito kanina at nakatulala. "Drem! Ano bang ginagawa mo diyan! Tulungan mo 'kong humuli dito!"

Sa muli kong pagtawag sa kaniya, nakuha ko na ang atensyon niya kaya tumakbo na siya papunta sa'kin.

The memories that happened in that hill, I will forever treasure it.

Lumalalim na ang gabi kaya napagpasyahan na naming umuwi na dalawa.

Habang naglalakad sa ilalim ng mga puno na binagtas namin kanina, isang tanong ang na-bring up sakin ni Drem habang naglalakad kami pauwi.

He asked me about the reason why I left Manila and moved to Scorton. "Kasi ang katulad kong laking probinsiya, pinapangarap na makarating ng Manila. Ikaw, may dahilan ba kung bakit pinili mo na umalis sa lungsod para dito manirahan sa Scorton?"

Hindi ko nagawang sumagot.

"Pero naiintindihan ko kung hindi mo ibahagi sa'kin ang dahilan. Hindi mo kailangang sagutin, sorry, baka masyado na'kong nanghihimasok."

Ngumiti ako sa kaniya. "Basta ang alam ko, masaya ako na iniwan ko ang Manila. Dahil kung hindi, hindi ko mararanasan ang ganda ng lugar sa probinsiya katulad ng ipinakita mo sa'kin kanina. Thank you ulit, Drem."

Sinuklian niya ng isang matamis na ngiti ang sinabi ko. "Napakaraming magagandang lugar sa Scorton na tiyak akong magugustutuhan mo. Kung gusto mong puntahan ang mga 'yon, sabihin mo lang sa'kin at palagi akong handang samahan ka."

I can feel the butterflies in my stomach dahil sa sinabi niya. I was moved.

"Promise?"

"Promise."

Buong gabi na tumakbo sa isip ko ang naging huli naming pagu-usap ni Drem. Habang nakahiga, nakatulala lamang ako sa bubungan ng kwarto. Iniligay ko ang mga palad ko sa aking dibdib at pinakanggan ang malakas ang kabog ng puso ko dahil sa mga tumatakbo sa isipan ko.

I thought I would have to find healing in Scorton alone. That is until I cross path with Drem.

To Live Life AgainWhere stories live. Discover now