Chapter 6

92 2 1
                                    

Chapter 6

I think I already fixed my messed up sleeping schedule sa mga araw ko na nakalipas rito sa Scorton. In the city, madaling araw na ay nasa labas pero ako, pero nang dumating ako rito, wala pang alas diyes ng gabi ay nakakatulog na ako ng mahimbing.

At sa umaga, nakangiti akong gumigising sa huni ng mga ibon at sa sinag ng araw na dumadampi sa balat ko mula sa bintana ng kwarto.

Habang nasa kusina, naghanap ako ng maluluto to found at na wala na akong stock ng pagkain. Iisang canned ham nalang ang natitira na siya kong niluto.

I decided to go grocery shopping today.

Matapos magluto ay kumain na ako. I took a morning bath at nagbihis. Pero bago umalis, diniligan ko ang mga seedlings ko sa aking bakuran.

Napasigaw pa ako sa excitement ng makita ko na ang mga nagi-sprout na maliliit na halaman.

Sa paglabas ko ng sementadong kalsada sakay kay Tiny, gan'on pa rin ang sayang nararamdaman ko sa pagd-drive sa hindi crowded na kalsada. Nae-enjoy pa rin ang paligid katulad ng sayang nararamdaman ko n'ong unang beses ko itong nasilayan.

Gamit ang map sa phone ko ay nagmaneho ako patungo sa pinakamalapit na palengke sa Scorton.

On my drive there, binagalan ko ang takbo ng mapansin sa hindi kalayuan ang isang ale. Habang papalapit ako sa kinatatayuan niya sa gilid ng kalsada, napansin kong hindi pala siya nagi-isa dahil sa gilid niya ay hawak niya ang kamay ng isang batang lalaki.

Sa tuluyan kong paglapit rito, napansin ko ang pangamba sa mukha niya. Mukhang naghihintay sila ng masasakyan.

Huminto ako sa harap nila.

"Saan po ba ang destinasyon ninyo? Isabay ko na po kayo."

Nagd-dalawang isip man, nagpasalamat sa'kin ang ale. "Maraming salamat, iha."

Sumakay siya sa passengers seat at kinandong ang kaniyang anak. “Maraming salamat talaga, iha. May katagalan na rin kaming naghihintay ng masasakyan sa gilid ng daan. Kailangan ko kasi ipa-gamot ang anak ko at inaapoy siya ng lagnat.”

I gazed at his son at napansin ko base sa itsura nito na may sakit nga siya.

“Wala pong problema. Saan po ba ang lokasyon ng gamutan dito?”

Sa tulong ng ale, itinuro niya kung paano tahakin ang gamutan. Base sa map na sinusundan ko ay sa daan rin ng palengke ang pagamutan, hindi kalayuan ang mga ito sa isa't isa.

Sa aming biyahe ay nagusap pa kami ng ale. Sinabi ko sa kaniya na sa palengke ang tuloy ko, sabi niya pa nga ay d'on nagt-trabaho ang panganay niyang anak.

Hindi naging matagal ang biyahe namin. Nang marating ang pagamutan, muling nagpasalamat sa'kin ang ale.

Nang magtama naman ang tingin namin ng bata ay ngumiti ako rito. “Salamat po, ate.”

“Walang anuman. Paggaling ka, ha?”

Matapos makababa ay dumiretso sila papasok sa pagamutan ako. Ako naman, dumiretso nang nag-drive tungo sa pamilihan sa lugar.

Ilang minuto lang narating ko rin ang palengke dahil malapit lang ito tulad ng sabi ko.

May karamihan din ang mga tao. Nang makahanap ng paparadahan kay Tiny, lumabas na ako sa sasakyan at dumiretso sa loob ng palengke.

I will be lying kung hindi ko sasabihin na hindi ako nao-overwhelm sa bawat pagtawag ng mga nagtitinda sa'kin sa oras na pumasok ako sa loob. Hindi rin maiwasan na maggitgitan kapag dumaan ako sa makikitid na pasilyo.

In one corner sa loob ng pamilihan, a wooden craft displayed on the floor caught my attention. Isang matandang lalaki ang nagbabantay doon.

Nang lumapit ako sa matanda, isa-isa niya sa'king ibinida sa'kin ang kaniyang mga paninda which are all handcrafted by him.

Gustuhin ko man na bilhin ang lahat, sa huli, a fruit basket made of rattan and a wooden side table lamp is what I bought because of how pretty it is.

I went back to Tiny para ilagay muna sa loob ang napamali ko bago ako muling bumalik sa loob ng palengke.

Sa paglalakad ko, isang grocery-type store ang nadaanan ko. Pumasok ako roon para d'on na bumili ng stocks ko ng pagkain.

I pick up a basket sa entrance nito bago tuluyang pumasok sa loob.

Sa paglilibot sa tindahan, I picked up some chips and some chocolate chip cookies. Dumiretso rin ako sa shelves ng condiments para kumuha ng panluto.

Matapos makuha lahat ng kailangan, pumunta na rin ako sa counter para magbayad. Yung dami ng groceries na kinuha ko ay sapat lang for a couple of days. I can easily go here naman kung may kailangan ko.

Nang marating ang counter, the guy in his mid-30s smiled at me. Sinimulan niyang i-scan ang groceries ko.

“Bago ka ba sa Scorton? Sa tagal nang nakatayo ng grocery ko, ngayon lang ata kita nakitang bumili rito.”

“Kakalipat lang po.” Sagot ko. He nodded at me, payak na nakangiti. “Nga po pala, may bottled water po ba kayo na tinda?”

“Oo meron.” Mula sa counter, tumingin siya sa direksyon sa loob ng groceries. “Drem, pasuyo nga ng naka-galon na tubig rito sa harap. Salamat!”

Malaki akong ngumiti sa ginawa sa kaniya.

Habang ini-scan niya ang mga binili ko, dumating naman ang galon ng tubig na pinasuyo niya.

And to my surprise, isang pamilyar na mukha ang nagdala sa counter ng tubig.

“Ikaw?” The guy who swim with his bicycle is here.

“Magkakilala kayo?” Nagtatakang sa'min tanong lalaki sa counter.

“Opo.”

“Hindi ho.”

Kumunot ang noo samin ng lalaki bago ito natawa.

“Buti nakita kita ngayon. Anong oras ba ang tapos ng trabaho mo rito?” Tanong ko.

“Bakit ko naman sasabihin sa'yo?”

Napasimangot ako sa muli niyang hindi pag-sagot. Pero 'yung lalaki naman sa counter ang sumagot sa'kin. “Maghapon siya rito, pero ngayong araw kasi may aasikasuhin ako sa hapon kaya't kalahating araw lang bukas ang tindahan. Mga bago mag pananghalian, pwede na siya. Pwede na kayo lumabas na dalawa para mag-date.”

“Tito naman!” giit niya. “Hindi ko naman kilala 'yan, eh.”

Natawa ako ng bahagya. I guess the last sentence his uncle said flew over his head.

“Huwag kang mag-alala. Hindi naman kita isusumbong kay Rosita na may kasintahan ka na. Promise, hindi 'ko sasabihin sa nanay mo.”

“Tito!” Muli nitong pagmamaktol. Bumaling ulit sa'kin 'yung lalaki. “Bakit iha, saan ba kayo pupunta na dalawa?”

Nahihiya naman akong tumawa. “Magpapasama po kasi sana ako sa kaniya para bumili ng inahing manok.”

Matapos 'kong sabihin 'yon natulala nalang sa'kin ang tito niya. Umiling naman siya habang hindi makapaniwala na nakatingin sa'kin. “Baliw.”

To Live Life AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon