Chapter 5

103 6 1
                                    

Chapter 5

"Hoy! Kinakausap kita!"

Nabalik ako sa kasalukuyan nang muli siyang sumigaw.

"Anong pa ba kasing ginagawa mo diyan? Umakyat ka na kasi dito."

Hindi ko naman alam ang gagawin dahil parang galit na galit na siya sakin.

Mukhang mas lalo pa nga siya nagalit dahil sa sinabi ko. "Edi sana kung hindi mo ako muntikan binangga, wala ako rito ngayon! Argh!"

Pilit siyang lumalakad paalis sa makapal na putik pero hirap siya. "Arrrghh!" Napalunok nalang ako dahil rinig na rinig ko ang frustration sa pagsigaw niya.

Pero sa kabila ng kaba dahil galit siya, hindi ko talaga mapigilan na hindi matawa sa isip ko. Lalo ngayon na pilit niyang tinatanggal ang putik sa mukha at katawan niya kahit pa nakalubog pa rin siya sa putik.

"Sa halip na maggalit ka diyan, tara na kasi rito huy. Huwag kang mag-enjoy diyan sa putikan."

Dahan dahan akong tumayo sa pinakagilid ng kalsada at pilit inilahad sa kaniya ang kamay ko para tulungan siya. Pero nagitla pa ako ng tampalin niya 'yon. "Kaya ko ang sarili ko!"


"Napa-sassy mo naman, ikaw na nga tutulungan diyan eh." Napasimangot pa ako.


"Tutulungan, tutulungan," Pagu-ulit niya sa sinabi ko na puno ng sarcasm. "Kung inayos mo sana pagm-maneho mo edi wala sana ako rito!" he whispers under his breath pero narinig ko rin naman.

As I heard him talk more, I noticed something cute ulit sa kaniya. 'Yong pagsasalita niya kasi may punto.

Dahil ayaw naman niya na magpatulong sa'kin. Pinanood ko lang siya habang pilit niyang binubuhat ang bisikleta niya paalis sa putikan. Hirap na hirap siya sa kapal ng putik pero matapos ang ilang sandali, nagawa niyang makaakyat ulit sa sementadong kalsada kasama ng bisikleta niya.

Matalim pa rin ang tingin niya sa'kin.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko. Kahit nat-tawa ako sa sobrang cute ng itsura niya ngayon, nag-guilty pa rin ako dahil sa muntik ko na siyang nabangga kanina kaya nag-dive siya sa putikan para makaiwas.

"Okay lang." Kahit pa-galit, sumagot pa rin siya sa tanong ko.

Habang nagpapagpag pa rin siya ng putik sa katawan, I realized na hindi kami magka-edad. I'm taller than him kahit pa nakasalampak siya ngayon sa kalsada at naglilinis ng katawan, kaya I come to realization na mas matanda rin ako sa kaniya.

"Bata, okay ka lang ba talaga?" Muli kong tanong. Pero bumalik nanaman ang matalim niyang tingin sakin.

"Bata?" Tila na-offend niyang wika. Pigil ko ang tawa sa tono niya. "Okay lang ako, tanda."

Doon na ako malakas na napatawa. Napailing nalang ako habang masama pa rin ang tingin niya sakin.

Tumayo siya at binitbit ang bisikleta niya. Pinanood ko lang siya na maglakad sa kabilang bahagi ng kalsada.

Noon ko lang napagtanto na may sapa pala roon. At malinis ang tubig doon.

Hindi ko alam ang gagawin, kasi ni hindi ko naman magawang umalis na. Kaya't nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya.

To Live Life AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon