Chapter 7

78 1 0
                                    

Chapter 7

"Thank you."

I thanked him sa paghatid sa'kin papunta kay Tiny. Pinilit kasi siya ng tito niya na ihatid ako dahil sa bigat ng galon ng tubig na binili ko.

Matapos ilagay ang galon sa loob ng sasakyan, nag-thumbs lang siya sa'kin at akmang tatalikod na para umalis.

"Wait." Pagpigil ko sa kaniya.

"Bakit?"

"Seryoso ako. Gusto kong magpasama sa'yo sa pagbili ng inahing manok."

"Bakit ba kasi ako? Bakit sa'kin ka magpapasama? Hindi mo naman ako kilala, hindi rin kilala. Bakit ako?"

"Bakit nga ba?" Kunot noo niya akong tinignan. I, myself, don't even know the answer to his question. Siguro ay dahil siya ang unang nakilala ko rito sa Scorton na ka-edaran ko. “Gusto ko lang ikaw makasama ko."

Umiling siya dahil sa sinabi ko. "Bahala ka sa buhay mo."

Naglakad na siya palayo sa'kin. "Ano nga oo o hindi?" Sigaw ko sa kaniya pero hindi naman niya ako pinansin.

Pero seryoso naman kasi talaga ako sa sinabi ko.

Sumunod din ako sa kaniya sa pagpasok ulit sa loob ng pamilihan.

Tinuloy ko ang pamimili. I bought some fruits for my new fruit basket.

I did everything to kill time. Naglakad-lakad pa ako sa loob ng pamilihan. Sa paglakad sa kabilang parte ng pamilihan, rinig ko ang isang babaeng kumakanta mula sa lokasyon ko.

Sinundan ko ang kumakanta. Dinala ako ng paa ko sa gawing likuran ng pamilihan, there's a lady with her guitar busking in the streets.

Tumayo ako hindi kalayuan sa kaniya at nakinig sa pagkanta niya at pagtugtog gamit ang kaniyang gitara.

Ilang kanta ang natapos niya bago ko napagpasyahang umalis. Before going, naglagay ako sa busker's hat niya. She mouthed me thank you, ngumiti ako sa kaniya bago umalis.

There is still a path sa pwesto ng busker bandang likuran ng pamilihan. Natagpuan ko nalang ang sarili ko na naglalakad na ako roon.

And what are the odds? Sa pinakadulong bahagi ng pamilihan, I found an old bookstore. It's fascinating na makakita ng bookstore rito, it looks very vintage pero sobrang aliwalas niyang tignan. Sa labas palang kasi, theres a wooden chair katabi ng mga potted flowers. Part of the front part of the bookstore is glass, kaya't kitang kita mula sa labas collection ng mga libro sa loob ng lugar.

I was looking inside the bookstore from outside nang isang matandang babae ang lumabas. "Pasok ka, iha."

Ngumiti ako sa kaniya bago kami magkasunod na pumasok sa loob. The place is small, pero it didn't feel cramped. Tulad ng sabi ko, maaliwalas kung titignan ang lugar. The shelves full of books are well maintained, sa taas pa ng shelves at mga naka-display sa pader ay mga wooden ornaments and vintage display.

Nilibot ko ang bookstore, masuring tinitignan ang mga shelves sa librong kukuha ng interest ko. I've seen many interesting novels, pero wala sa mga ito ang may hatak sa'kin para basahin ko 'yon.

Naabutan kong naga-ayos sa isang shelve ang lola na may ari ng bookstore. “May napili ka na ba na libro, iha?”

“May gusto po ba kayong irekomenda saakin na libro?”

To Live Life AgainWhere stories live. Discover now