Chapter 8

80 3 1
                                    

Chapter 8

Today is the day para gawaan ko ng bahay ang mga bago kong alaga. Habang nakatayo sa backyard ng tiny house, sinusuri ko kung paano ang mangyayari sa gagawin kong chicken coop.

There is a small shelter in the back actually na saktong sakto para sa mga inahing manok ko. Dumiretso ako roon at nakita na tambakan 'yon ng mga gamit ng dating may ari. I saw some woods d'on, at good for me, dahil may nakita rin akong mesh wire for fencing doon. I already got a plan on mind matapos suriin ang likuran ng bahay.

Kahapon, I bought three laying chicken kasama si Drem. Nasa likod pa din sila ng truck, natatakot kasi akong pakawalan sila kahapon baka tumakbo paalis.

Before building a fence para sa mga manok ko, inuna ko munang aayusin ang mismong backyard ko.

Sa loob ng kahoy na shelter, nilinis ko 'yon at nilabas ang mga kahoy na nakatambak roon. I can use it in building a fence sa coop.

Masyado na ring mataas ang damo. Sa halip na bunutin ang mga damo, the former owner of the house left their garden hedge shear in the shelter kaya't kinuha ko 'rin para gupitin ang mga matataas na damo.

This is my first time using a hedge shear kaya't hirap ako sa paggupit ng mga damo dahil hindi ko 'yon gamay na gamitin. But I still finish the job. Matapos magtabas ng damo, inipon ko naman ang mga natabas ko sa isang sulok. Do chickens eat grass?

To know the answer, umalis ako sa backyard para kuhanin sa nakaparadang si Tiny sa front yard ang mga manok.

The chickens started clucking nang bitbitin ang cage kung nasaan silang tatlo. Last night, I actually thought about the names na ibibigay ko para sa kanila. At habang naglalakad ako pabalik sa backyard, sinusuri ko na ang pagkakaiba ng mga inahin ko bago ko ibigay sa kanila ang kanilang mga pangalan.

My plans is magtayo ng fence para sa mga manok para hindi ito makatakas, pero I'm too excited na pakawalan sila sa kanilang new home kaya't sa susunod nalang 'yung fence. Besides, simula kahapon ay nasa maliit na silang cage kung saan sila nilagay nung may ari ng poultry, the three of them are too cramped there.

"Welcome sainyong new home, guys." Binuksan ko ang cage at siya namang paglabas nila sa rito.

Tumawang-tuwa ako habang pinapanood silang tatlo na maglakad-lakad sa backyard ko. Napuno ng clucks nila ang paligid, kaniya kaniya silang tuka sa lupa. And yes, they do eat grass.

Malaki ang ngiti ko sa panonood sa kanila but to my surprise, the chicken with darker wing feathers that I named Tila, ay bigla bigla nalang tumakbo patungo sa front yard.

"Tila! Sandali!"

Ako naman para hindi ito makalabas sa gate ng bakuran ay kaagad na tumakbo kasunod nito. Nang minsang huminto ito, dahan dahan ko itong nilapitan para hulihin peto mabilis itong nakaramdam kaya't mabilis ulit itong tatakbo.

Napapasigaw nalang ako sa paghabol sa kaniya. Namumura ko na nga ang manok dahil ayaw nito huminto.

Ang buong akala ko ay hihinto na ito nang marating ang nakasaradong gate, pero muli akong napatili nang bigla itong lumipad para makalabas sa gate.

"Tila!" tili ko.

Wala akong nagawa kundi ang lumabas na rin sa gate. Nakalabas na din kami sa sementadong daan pero hindi pa rin ito humihinto.

Sa minsang pagdakma ko rito ng huminto ito, napasalampak nalang ako sa daan nang muli itong makatakas sakin.

Sumuko nalang ako kakahabol at hihinga-hingang nakasalampak sa daan.

Pero matapos ang ilang sandali, narinig ko nag papalapit na cluck ng manok. "Tila! Bumalik ka!"

Sa pagtaas ko ng tingin, tumambad sa'kin si Drem dala ang manok na halatang pigil ang pagtawa sakin.

"Pangatlong beses na 'tong nagkita tayo
na may ginagawa akong nakakahiya." nahihiya kong turan.

Tumayo na ako sa pagkakasalampak sa daan.

"Bakit kasi nakatakas 'yung manok? 'Di ba may kulungan 'yan?" hanggang ngayon ay natatawa pa rin siya. Sinimangutan ko nalang siya.

"Ginagawan ko sila ng bahay sa likod ng bahay. Akala ko hindi sila tatakas kaya pinakawalan ko sila kahit wala pa kong bakod na nagagawa. Pasaway pala ang isa na 'to." Kinuha ko na sa kaniya ang pasaway na manok. "Tawa ka ng tawa diyan."

"Ikaw lang mag-isa gumagawa?"

"Oo."

Hindi siya sumagot. Parang nag-isip. "Gusto mo ba tulungan kita sa paggawa ng kulungan ng manok?"

"Tutulungan mo 'ko?" My face light up.

Abot tainga ang ngiti ko habang naglalakad kami pabalik sa aking tiny house. Gaya ng sabi niya, tinulungan niya akong itayo ang mesh wire fence sa likuran ng bahay.

"Ga'no ka na ulit katagal sa Scorton?" sa tanong niyang 'yon nagsimula ang kwentuhan namin habang gumagawa. The details I told him are filtered, may mga bagay akong piniling hindi i-kwento sa kaniya.

"Pwede bang patulong ako rito, Claira?"

Gamit ang tools din na nakita namin sa shelter, dalawa kaming nagtatayo ng bakod para sa mga manok ko. Nagpatulong siya sakin na hawakan ang wire mesh habang ipinapako niya ito.

"Alam mo ba kung ano ang pangalan ng mga manok ko?" pagbibida ko sa kaniya.

"Bakit hindi na 'ko nabigla na pinangalanan mo nga 'yang manok?" natatawa niyang wika.

Masama ko naman siyang tinignan dahil sa sinabi niya pero itinuloy ko ang kwento ko tungkol sa mga manok ko. "Yung tumakas kanina, 'yung pasaway na manok, ang pangalan niya ay Tila. Tapos 'yung isa na 'yon," tinuro ko 'yung manok na tumutuka ng damo. "Ang pangalan niya ay Tik," huli kong tinuro 'yung manok na nasa sanga ng puno sa likod-bahay. "'Yung isa naman na 'yon, si Ok."

"Tik... Tila... Ok...?" Tinignan niya ako habang nakakunot ang noo. It takes him some moment to digest my chicken's name. When he did, he bust off laughing.

"Ayos ba?"

"Iba ka talaga." Napailing nalang siya kakatawa.

For helping me build the fence of my chicken coop, I invited him for lunch.

For someone who doesn't know how to cook, ang lakas ng loob kong mag-aya. Canned goods nga lang ang madalas kong lutuin. Ngayon, mag-isip palang ng lulutuin sa ingredients na available sa kusina, hindi ko na alam ang gagawin.

"Uhm." Bumalik ako sa kaniya na naka-upo sa sala. Nahihiya akong ngumiti dahil pinapanood niya ako mula sa kinauupuan habang nai-struggle sa pagi-isip ng lulutuin.

"Gusto mo ba na ako na ang magluto?"

Nahihiya akong ngumiti sa kaniya, tumango sa kaniyang offer.

Ako na ngayon ang nakaupo sa sala habang siya ay nagluluto sa kusina na ilang hakbang lang naman ang layo.

As I watch him, I can feel my heart flutter. A guy who knows how to cook will forever be a red flag for me.

After he cooked our lunch, magkatulong kaming naghain n'on sa dining table. Tahimik kaming dalawa habang kumakain, nagp-pakiramdaman.

Siya ang bumasag ng katahimikan. “Mahilig ka rin ba sa buwan?”

“Buwan?”

Tumango siya. “Araw ng full moon ngayon, e. Gusto mo bang panoorin ang kabilugan ng buwan mamayang gabi? May alam akong lugar para malinaw mong makita ang ganda n'on.”

Malaki akong napangiti pero itinago ko 'yon sa kaniya. “Oo naman. Gusto ko.”

Matapos naming kumain ay nagpaalam na siya, baka raw hinahanap na siya sa kanila.

Hinatid ko siya sa labas sa pag-alis niya

“Kita tayo mamayang gabi, Claira.” Kumaway siya sa'kin bago tuluyang maglakad palayo.

Sa tuluyan niyang pag-alis, naiwan akong abot-tainga ang ngiti sa labi.

To Live Life AgainWhere stories live. Discover now