Chapter 10

71 1 0
                                    

Chapter 10

Pagkagising sa umaga, flowering my sprouts and feeding my chicken became part of my everyday routine.

Pagkatapos inumin ang tinimpla kong kape, dumiretso na ako sa gripo sa labas ng bahay kung nasaan ang sprinkler. Pinuno ko 'yon ng tubig pagkatapos ay dumiretso na sa aking mga tanim.

Inuna ko 'yung mga bulaklak ko na tinanim sa tabi ng bakod. “Here's your morning water, guys.” as I noticed, my flower sprouts are flourishing.

Matapos sa mga bulaklak, nakangiti akong dumiretso sa mga sprouts ng mga gulay. “You're all growing fast.” Diniligan ko na rin ang mga ito.

Matapos sa harapan, ibinaba ko ang sprinkler sa pinagkuhanan ko rito bago ako naglakad patungo sa backyard.

“Tik, Tila, Ok, time to eat!”

Kinuha ko ang feeds at naglakad sa gate ng chicken coop para pumasok. They started clucking at me. Tila, ang manok na pasaway, tries to reach the container of feeds I'm holding kaya inambahan ko siya ng pukpok. “Tampalin kita, kulit mo.”

Nang marating ang lalagyan nila ng feeds ay pinuno ko 'yon. Nagsimula na silang tumuka mula ron. Kinuha ko rin ang water feeder nila, lumabas para punuin yon ng tubig at muling bumalik para ibalik yon sa dati nitong pwesto.

Nang matapos ang routine ko sa aking mga halaman at manok, sakto namang narinig ko ang tugtog ng mga drum and lyres na nagmumula sa labas. Bawat segundong lumilipas ay tila lumalapit ng lumapit ang tugtog. “Parada?”

Because of curiosity, lumabas ako sa sementadong daan.

At there really is a parade happening. Napapasayaw pa ako ng dumaan 'yon sa harap ko.

Nang makalagpas ang banda sa'kin, I saw a girl na kaedaran ko na nakasunod sa parada na dumaan mismo sa harapan ko. I can't help but to ask her.

“Bakit may parada?”

“Fiesta sa kabilang bayan. Hindi mo alam?” ang tono ng boses niya ay nagtataka.

“Bago lang kasi ako sa lugar, e.” ngumiti ako sa kaniya.

“Gan'on ba? Pwede kang makisaya sa kabilang bayan, tara, masaya r'on.”

I decided to go. Nagbihis ako ng mabilis bago muling lumabas para makisaya. Nagtatakbo ako para humabol sa parada, and the next I know, nakikisayaw na ako sa likod ng parada papunta sa fiesta sa kabilang bayan.

Hindi gan'on kalayo ang pinarada namin. Sumalubong sa'kin ang mga makulay na banderitas sa mga poste at puno. Matapos humiwalay sa mga tao sa parada ay dumiretso agad ako sa tumpok ng mga tao sa daan. There are street performances happening. I cheered together with the people that is watching with me.

Matapos ng street performances, nagkaroon naman ng mga palaro. Wala akong tigil sa pagtawa habang nanood ng palo sebo. Maging sa sack race ay halos sumakit ang tiyak ko sa kakatawa.

“Next naman, hampas palayok! May gusto bang maglaro mula sa mga manonood?”

Hindi ako nagdalawang isip na magtaas ng kamay nang sinabi 'yon ng tumatayong host ng mga palaro.

“Ako po! Ako!” sumisigaw pa ako at tumatalon-talon sa likuran ng mga tao para ako ang mapili.

Napapalakpak ako nang ako ang tawagin. Gumawa ng daan ang mga tao para makadaan ako papunta sa gitna.

To Live Life AgainUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum