CHAPTER:54:HOLD MY HAND

2.6K 51 22
                                    

CHAPTER:54:HOLD MY HAND

Grabe hindi na talaga mapipigilan ang graduation namin,akalain mong ga-graduate na ako ngayon.masaya naming niyakap ang isat-isa nang ipahayag nang prinicipal na simula ngayon kami ay ganap nang graduate

Nag-iyakan kami nila Eurie at nagyakapan,ma mimiss ko ang dalawang to lalo na ang mga pinagsamahan namin,napatingin naman ako kay kiel at ngumiti lang ito sakin, ngumiti din naman ako hanggang ngayon kasi mahal ko parin siya

Nag picture taking kami hanggang sa mag-pasya na ang iba na umuwi na,makakasama kasi nila Eurie ang kani-kanilang magulang na umuwi pa nang pilipinas para lang suportahan sila sa pag akyat sa stage,may mga nakuhang award kasi ang mga ito dahil sa pag-sapi sa mga ibat-ibang activity sa school namin

Nakilala ko naman ang mga magulang ni Gian,pinakilala ako nito bilang isang kaibigan hindi bilang isang girlfriend na ikinagulat ko talaga.ngumiti lang naman ito sakin,pagkatapos naming makipag-usap sa mga magulang nito,niyaya ako nito sa Gym nang school namin

Sumunod akong walang imik,kahit papano din kasi nasaktan ako sa ginawa niyang pagpapakilala sakin bilang isang kaibigan lang.to think na girlfriend niya ako,pag dating namin doon tumambad sakin ang napakalaking banner kung saan nakalagay na ‘ MAHAL NA MAHAL KITA CASS’

Naguguluhan na tinignan ko siya,ngumiti ito sakin at nilahad ang kamay sakin,sa paglahad nang kamay niya biglang namatay yung ilaw kaya napairit ako,tatawa-tawa naman nitong hinawakan ang bewang ko,sa paghawak niya sa bewang ko bigla ulit lumiwang,pero ang liwanang na yun ay nang galing lang sa spot light na tumutok samin

Gian ano bang nangyayari?! bumulong lang ito sakin

gusto kong ienjoy ang huling araw na ito na makakasama ka

anong ibig mong sabihin?! malungkot itong ngumiti at bigla nalang akong kinabig para mas lalong mayakap

mahal na mahal kita cass at ayoko nang nakikita kapang nasasaktan pa!

Gian…

hayaan mong sulitin ko ang araw na ito,hayaan mong ipadama ko sa’yo kung gaano kita kamahal dahil bukas..bukas..ibabalik na kita sa taong tunay mong minamahal! naramdaman ko ang pagpatak nang luha nito sa balikat ko

Gian..ano bang pinagsasabi mo?bakit mo to ginagawa?!

alam kong si kiel parin ang mahal mo,alam kong hindi ko na maibabalik pa ang nakaraan nating dalawa,hindi ko na maibabalik pa ang pag-mamahal  mo sakin noon!

mahal kita Gian..

pero mas mahal mo siya!tama nang nabigyan ako nang pagkakataong makasama ka ulit,sapat na sakin na makasama ka kahit sa saglit na panahon lang!

kung magsalita ka parang iiwan mo na ako talaga,ano bang ibig mong sabihin?!

bukas na ang alis ko papuntang London,dun na ako magpapatuloy nang pag-aaral.. nawalan ako nang imik at napatitig lang sa maamo niyang mukha

iiwan muna ako?!! umiling ito at sinandal ang noo sa noo ko

" ito ang dapat,ito ang dapat kong gawin..mahal kita pero hindi pwedeng ako lang ang nagmamahal at ikaw patuloy na nasasaktan dahil sa kasakiman ko "

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon