CHAPTER:45:MYB

2.1K 48 11
                                    

CHAPTER:45:MYB

Ginawa kong lahat para mapanatili ang aming relasyon. kahit pa nga medyo mahirap kasi hindi ko talaga maiwasan ang hindi masaktan pag sa tuwing nakikita ko siyang ngumingiti kay kate,alam na din nila Eurie ang nangyayari samin ni Kiel

Nagalit nga sila kay kate at kiel nung una pero ngayon mukhang nakakasundo na din nila si kate,madalas na din namin nakakasama si kate sa galaan,masaya naman siyang kasama, yun nga lang hindi mo maitatagong naiinggit ako sa kanya

Alam ko din namang hindi niya kasalan na mahalin siya ni Kiel,ni hindi niya nga alam na may pagtingin sa kanya si kiel. kasi, hanggang ngayon hindi pa din napapagtapat ni kiel yung kanyang tunay na nararamdaman

“ ahhhhhhh!! “ asar na napatakip kami nang tenga nang makarinig nang tunog na nanggagaling sa speaker na nakadikit sa gilid nang room namin

ano ba yan!! Ang sakit sa tenga! asar na sigaw nang mga classmate ko,mukhang may gustong sabihin ang guidance namin dahil ginagamit lang ang audio speaker nang school namin pag may mahalagang okasyon

hello everyone! Pasensya na kung nagambala namin kayo pero naatasan kami dito para ipaalam sa inyong magkakaroon ang school natin nang radio love station biglang natahimik ang mga classmate ko at nakinig lang sa announcement

yes!! Guyz! Tama ang narinig niyo sa sinabi ni Kim,magkakaroon tayo nang radio love station na kung saan tatalakayin natin ang inyong buhay pag-ibig lahat nang classmate ko biglang na excite,kami naman nila Eurie at Alexa nagkatinginan lang

hi!! I’m jhem ,tulad nga nang sinabi nang dalawa kong kasama na sila Devin at Kim magkakaroon tayo nang radio love station kung saan pwede niyong ikuwento ang nangyari sa buhay pag-ibig niyo,ito man ay malungkot at masaya pwede niyo yung sabihin namin,malapit na ang valentine’s day kaya naisipan namin itong gawin,every lunch break meron kaming makakasama na isang estudyante na willing ikwento ang kanyang buhay pag-ibig. basta ang kailangan niyo lang ay pumunta sa guidance office para magpa register nang inyong pangalan,hanggang valentine’s lang namin ito gagawin kaya sa mga intresado,punta lang kayong guidance ok?!! end of announcement

Halos magsigawan ang mga classmate ko sa tuwa,ngayon lang nangyari na magkakaroon nang radio station ang school namin,malapit na nga pala ang valentine’s day ano nga kayang balak ni kiel?

Halos araw-araw iba-ibang topic ang maririnig mo sa MYB,MYB ang pangalan nang radio station nang school namin,hindi ko alam kung anong ibig sabihin nun at san nila nakuha ang salitang MYB,hindi naman pangalan nang nag organize yun kasi nagsisimula sa KDJ ang pangalan nung nag organize

huwaaaa!! Ang sakit-sakit pagkatapos nang lahat iniwan na niya ako!! yan!! yan ang maririnig mo ngayon sa MYB radio station nang school namin,grabeng makaiyak yung estudyanteng nagkukwento sa masalimuot niyang lovelife habang panay naman ang payo nang tatlong DJ nang MYB

hayaan mo at makaka-tagpo ka rin nang tamang lalaki para sayo “-DJ JHEM

pero mahal ko talaga siya at hindi ko kayang mawala siya sakin!waaaaaahh ouch!tagos sakin yung sinabi nung estudyante parang nung isang araw ganyan din yung sinabi ko kay kiel

huwag mong sabihing hindi mo kaya!dahil nabuhay ka nga nang wala siya sa’yo nung mga panahon na hindi mo siya nakikilala. kaya, mabubuhay kapa din nang wala sa’yo,tanggapin mo nalang na hindi talaga siya nakalaan sa’yo para hindi kana mas lalong masaktan pa!! “-DJ DEVIN

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon