CHAPTER:36:TAGAYTAY TRIP(part 1)

2.4K 48 15
                                    

CHAPTER:36:TAGAYTAY TRIP(part 1)

ok naba ang lahat?! sigaw ni Kiel samin

papunta kami ngayon nang tagaytay kasama ang mga kaibigan ni Kiel,nagkayayaan kasi silang magkakaibigan, pati ako si Eurie at Alexa kasama

yup!! sigaw ko

ok,tara na!! sigaw nang papalapit na si jayson, isa ito sa mga ka tropa ni Kiel

Tumango lang kami at pumasok na sa van na sasakyan namin,magkakatabi kami ni Eurie at Alexa sa upuan, sa bandang likod kami pumuwesto

 si Kiel naman nasa harapan namin katabi ang katropa niyang si rollan at jayson,tapos yung isa naman nitong kaibigan na si mark katabi nung driver,nakakatuwa nga silang pagmasdan ang kukulit kasi,kaya naman pala makulit si Kiel kasi nagmana sa mga kaibigan niya

sa buong biyahe nakasimangot lang si Alexa,anyare kaya?! Ano naman kayang pinag-sisintir nito,binulungan ko si Eurie para tanungin

ui,anyare kay Alexa? tumingin naman sakin si Alexa at pabulong din na sumagot

nabadtrip

nabadtrip?! Kanino? At bakit?

dun.. nginuso nito si jayson yung isa sa kaibigan ni Kiel

bakit naman?!

hindi ko alam ang buong story kasi, ang naabutan ko nalang yung pagtatalo nila

ganun!! tinignan ko si Alexa at mukhang badtrip pa din ito,naku naman ang hirap pa naman nang ganitong mag-sasama sama kami sa iisang bahay tapos may kaaway yung isa

woooh,yeah… napatingin kami sa sumigaw na si jayson

ang yabang talaga pabulong na sabi ni Eurie,nagkatinginan nalang tuloy kami ni Eurie,mukhang may magaganap na gera samin ah

kiel,pare!! bumalik na pala si kate,anong plano mo?! nabaling yung tingin ko sa grupo ni kiel nung makarinig ako nang pangalan nang babae

sino kaya si kate ? pabulong na tanong sakin ni Eurie,nagkibit-balikat lang ako at naghintay sa maririnig kong isasagot ni kiel

ah,ganun ba! walang latoy na sabi ni kiel

wow! Ganda nang sagot mo pare,parang may bitterness pa din,haha nakaramdam ako nang kaba dun sa narinig ko,kaya bigla kong natawag si kiel

kiel lumingon naman ito sakin

hug’s bakit? para itong kinakabahan nung nagtatanong sakin at yung mga kaibigan naman nito biglang napatahimik

ah,may tubig kaba diyan? hindi dapat yun ang sasabihin ko pero yun lang yung lumabas sa bibig ko

ah..tubig ba?! meron..sandali yumuko ito at naghalungkat sa bag na dala nito here inabot nito sakin ang isang mineral water

thank’s saka ko kinuha sa kanya at mabilis na binuksan para mainom

Biglang tumahimik yung paligid pati si Eurie at Alexa nakikiramdam lang sakin,hindi na kasi maipinta yung mukha ko,kung kanina si Alexa yung badtrip ngayon naman ako na din

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon