CHAPTER:43:THE PAIN OF LOVING YOU
“ mabuti naman at gising kana pinsan,bakit kasi bigla kana lang tumatawid sa kalsada.hindi biro yung ginawa mo muntik kana dun ah..“ tumingin lang ako sa pinanggalingan nang boses at marahang umupo sa kamang pinaghihigaan ko
“ matagal ba akong nakatulog?! “ tumawa ito at tinap ang ulo ko
“ oo..akala ko nga hindi kana magigising pero huwag kang mag-alala pina check na kita kanina sa family doctor namin,ok ka lang naman daw kaya wag na kaming mag-alala pa“
“ salamat “ tipid kong sagot
“ ano bang problema mo at bigla kana lang tumawid sa kalsada?! “
“ kung sasabihin ko hindi mo rin ako maiintindihan,bata kapa!! “ tumawa ito nang malakas na parang tuwang-tuwa sa sinabi ko
“ anong akala mo sakin grade 1?! kung makapag salita ka naman parang ang tanda-tanda mo sakin,inzan naman!! isang taon lang ang tinanda mo sakin bakit hindi ko maiintindihan kung sasabihin mo!! “ nanatili lang akong tahimik at niyakap ang dalawang tuhod ko
“ masakit pala talagang magmahal “ nilangkapan ko nang konting pagtawa yung sinabi ko
“ duh!! Yun pala ang problema mo,sabi ko naman sa’yo wag kanang magmahal tignan mo’ko ngayon pa date-date lang..haha “ ang sakit..hanggang ngayon nararamdaman ko pa din yung sakit
“ bakit ganun?! May mali ba sakin? bakit palagi nalang akong nasasaktan..” nangilid ang luha ko kaya siniksik ko ang mukha ko sa dalawang tuhod ko,naramdaman ko namang niyakap ako nito
“ sino ba yung nanakit sa’yo? Sabihin mo sakin nang mabugbog,haha “
“ hindi ka pa din nagbabago basagulero ka pa din,parang si Ace lang.. “ dalawa lang ang pinsan ko sa side ni mommy parehas pang lalaki at ang nakakatuwa pa parehas kaming lahat na puro nag-iisang anak,yun nga lang mas mayayaman ang mga ito kaysa samin
“ hoy! Wag mo’kong icompare kay Ace..wala nang pag-asang magbago yun.. ang balita ko nga na ospital yun dahil sa pakikipag-away “ napatunghay ako dito at gulat na nagtanong
“ na ospital si Ace?! Kailan pa?! bakit hindi mo sinabi sakin..nasa ospital paba siya?! “
“ easy inzan!! Kailan ko lang din nalaman pero huwag kang mag-alala dun.. alam mo namang may sa demonyo yun,haha “ tumango nalang ulit ako,wala akong masabi sa dalawa kong pinsan na lalaki lumaki kasi sa yaman kaya wala nang ginawa kundi magbulakbol at makipag-away
“ pagtuunan mo nang pansin ang pag-aaral mo kung ayaw mong matulad kay Ace “ tumawa lang ito sa sinabi ko tapos biglang sumeryoso
“ huwag mo’kong alalahanin inzan kayang-kaya ko ang sarili ko,ikaw..ikaw ang palaging mag-ingat,sabihin mo lang kung gusto mong bugbugin ko ang nanakit sa’yo hindi ako maawa sa kanyang saktan siya para sa’yo “ kung makapag salita ito parang sanay na sanay talaga sa bugbugan
“ tumigil ka nga..puro away nalang ang nasaisip mo tsaka ayoko siyang masaktan.. “
“ haha,gago ka pala inzan eh..ayaw mo siyang masaktan pero ikaw!! Ano? nasasaktan ka nang dahil sa kanya “ ok lang sakin na masaktan ako basta huwag lang siya
BINABASA MO ANG
MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)
Teen FictionYOUR HUGS AND KISSES ARE LIKE THE STARS THAT LIGHT UP MY LIFE WHEN THINGS GET DARK!!!!!!