CHAPTER:16:SINUNGALING

2.6K 52 3
                                    

CHAPTER: 16: SINUNGALING

“Gian,may gagawin kaba ngayon?”kausap ko si Gian sa phone,sabado kasi ngayon walang pasok gusto ko sana siyang Makita

“meron akong pupuntahan ngayon,bakit YAM may problema ba?”Ayieeee..nikikilig ako

Bakit?

Kasi poh tinatawag niya akong Yam,may tawagan na kami ngayon eh.YAM na ang ibig sabihin you are mine Ang saya ko,siya kasi nakaisip nung tawagan namin sa isat-isa,nung last kasi na nag date kami napag-usapan namin na dapat may tawagan kami sa isat- isa

Ako yung pinag-iisip niya kaso wala naman akong maisip kaya nagulat nalang ako nang sabihin niyang.Yam nalang daw yung itatawag niya sakin,I asked him bakit Yam yung gusto niyang tawagan namin tapos sinagot niya ako nang

Because you are mine’Pakiramdam ko mamatay ako sa kilig nun.Tamang tama lang yung naisip niya kasi para sakin lang din siya

“Yam”tawag nito sakinAh.hehe kausap ko nga pala siya sa phone,muntik ko nang makalimutan

“wala naman akong problema gusto lang kitang Makita hehe miss na kasi kita agad”oh diba hindi na ako nahiyang sabihing miss ko na siya

“ganun ba,miss na din kita Yam pero kasi may importante akong lakad ngayon,yaan mo,try ko bukas na magkita tayo

“ok lang yun Yam,importane naman yang lakad mo kaya ok lang sakin,sige basta tawagan mo ako bukas kung magkikita tayo, I love you Yam”nakangiti ako habang sinasabi ko yan ^___^

“I love you too Yam,sige hintayin mo nalang yung tawag ko,bye

“sige”tapos binaba na namin yung phone

Haizt!!!ang boring naman walang magawa,Nagpagulong-gulong nalang ako sa kama.Si Eurie at alexa kasi busy daw sila kaya hindi sila makakasamang gumala sakin.Nga pala si Alexa friend ko na din siya bali tatlo na kami ngayon

Si alexa yung girl na inaway ni Shirley,pagkatapos kasi nung pangyayaring yun palagi na namin siyang nakakasama ni Eurie classmate din naman kasi namin si Alexa,hindi ko nga lang siya nun napapansin kasi masyado siyang tahimik sa klase pero pag nakasama mo pasaway ding katulad ni Eurie

sigh….

hay nakuh!! mababaliw lang talaga ako dito sa bahay mabuti pang mag mall na lang ako.bibili ako nang mga blouse tutal tagal ko na din hindi nakakapag shopping,dali-dali na akong nagbihis paalis,uubusin kong allowance ko.hohoh,hihingi nalang ulit ako kala mommy at daddy.haha ^.^

pagkadating na pagkadating ko nang mall agad akong pumasok sa ladies wear,sukat doon,sukat dito ang dami kong nabili!!yehesobra din ako eh talagang inubos ko na allowance ko.nakakapagod sobra,nagugutom na din ako,kakain muna ako sa Mcdonal.hoho,favorite kong kainan to eh,sarap kasi nang hamburger nila

hmmm.yum,yum!!

grabeh ang dami kong gutom nakakapagod din kasing mag shopping,habang kumakain ako biglang nabaling yung tingin ko sa dalawang magkapareha na palabas nang mcdonald.parang familiar sakin yung guy

si Gian ba yun?tanong ko sa sarili ko.

pero syempre hindi ko nga lang sure kung si Gian nga iyon kasi nga nakatalikod naman yung guy sakin.hmp!!Kinagatan ko nalang ulit yung hamburger ko.Kaso hindi naman ako mapakali habang kumakain Pakiramdam ko kasi si Gian yung guy

Pero kung si Gian nga iyon sino yung kasama niyang girl?

Dahil sa naisip ko,bigla nalang akong napatayo sa kinauupuan ko.Hindi kona inubos yung kinakain ko,tuloy-tuloy akong lumabas nang mcdonald,Kailangan malaman ko kung si Gian nga iyon,ang pagkakatanda ko naka black na shirt yung guy tapos yung girl naman naka dress siya na pink

habang naglalakad ako nililibot ko yung tingin ko sa mall,alam ko maabutan ko pa sila.palinga linga lang ako,shit!!ang bilis naman nila,nasan na kaya yung dalawang yun?tapos bigla nalang akong napatigil nung makarinig ako nang boses

“Gian bilhan mo naman ako nun”Si Shirley ba yun?Hindi ako pwedeng magkamali si Shirley nga at yung kasama niyang lalake si Gian.Nandito sila sa harap nang bear cuddler at kasalukuyang nagpapabili si Shirley kay Gian nang teady bear

“ano bang gusto mo diyan,yung malaki o yung maliit na teady bear?”narinig kong tanong ni Gian

“yung malaki yung gusto ko”nakangiting sabi ni Shirley tapos niyakap niya pa si Gian

Pakiramdam ko,binagsakan ako nang langit at lupa ngayon,Hindi ko din maipaliwang yung sakit na nararamdaman ko.Bakit sila mag-kasama ni Shirley?Siya ba?siya ba!! yung sabi niyang lalakarin niyang importante.Ganun kaimportante si Shirley sa kanya,para baliwalain niya ako

Ang sakit!!!!

Bago pa man nila ako makitang dalawa tumakbo ako at nagtago.Gusto ko siyang tawagan,gustong isipin na hindi siya yung nakita ko.Kaya naman nilabas ko yung cellphone ko at tinawagan siya

‘Kriiiiiiiiinnnnngggggg’

“hello”narinig kong sabi nung nasakabilang linya.Tumingin ako dun sa guy na naka black,Walang duda si Gian nga yung guy na kasama ni Shirley,may hawak kasi itong cellphone

“hello cass”Cass nalang yung tawag niya sakin,kasi kasama niya ngayon yung babaeng importane sa kanya

“hello nasan ka ngayon?”I asked

“ah,nandito ako sa bahay nang tita ko”sinungaling ka.nasa mall ka kaya!

“siya ba yung importanteng lakad mo?”I asked again

oo,si tita nga,ano kasi may pinadala kasi si mommy kaya,ano eto”medyo nauutal ito habang nag-sasalita

Sinungaling!!!!Sinungaling ka Gian,naiiyak kong sabi sa sarili ko

“ganun ba?”

“oo,ah Cass sige tawagan nalang kita pag uwi ko”tapos binababaan na niya ako

Hindi ko na napigilan pa yung pag patak nang luha ko.Habang tinitignan ko silang dalawa ngayon,Ang saya-saya nilang dalawa,samantalang ako heto at umiiyak.Nagtatakbo na ako palabas nang mall Hindi ko na kasi kaya yung sakit na nararamdaman ko

Habang pauwi ako,iyak lang ako nang iyak,Yung driver naman namin,naaawang patingin tingin lang sakin.Agad-agad akong nagkulong sa kwarto  pagka dating na pagkadating ko nang bahay namin.Sinubsob ko yung mukha ko sa unan

Paulit ulit na bumabalik sa isip ko yung nakangiting mukha ni Gian habang kasama niya si Shirley.Pati na rin ang ginawa niyang pag-sisinungaling sakin,Ang sakit!!! Sobra yung sakit na nararamdaman ko

 bakit niya ako niloko?

Ang sama niya,ang sama-sama niy Y__Y Wala na akong ginawa kundi umiyak hanggang sa makatulog ako

>________________<

AN:

UD ulit..hoho..sipag ko ngayon.tingin sa kanan picture ni Gian nandun..ayiieee..ang gwapo ni Gian noh?mas type ko siya kaysa kay kiel e.hahah. aun lang pengeng vote and comment and be my fun too.. :-*

 love 

kim_rhoj

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon