CHAPTER:20: FIRST DATE

2.6K 58 4
                                    

CHAPTER:20: first date

 KIEL’S POV

Pangatlong araw na niyang absent,Nung makitako siya nun,hindi ko alam kung pano ang gagawin ko

yung babae masasagasaan”narinig kong sigaw nung vendor na katabi ko.Pag-lingon ko,nagulat ako nang Makita ko kung sino yung babae na masasagasaan na Agad akong tumakbo,para pigilan siya sa pag tawid pa sana niya

cass,nababaliw kana ba?”kinakabahan kong  tanong

 “pabayaan mo nga ako”galit na sabi nito.Tapos nag-umpisa na naman itong tumawid sa kalsada

“TANG INA!! Magpapakamatay kaba hah?! kung gusto mong magpakamatay sa iba ka magpakasagasa wag sakin”bulyaw nung driver kay cass

“oo mag-papakamatay ako!!! Kaya ano pang hinihintay mo sagasaan muna ako,wag kang mag-alala hindi ka makukulong”sigaw naman nito

“BALIW!! Isa kang baliw,magpa mental kana yun ang kailangan mo”sigaw pa ulit nung driver.Nilapitan ko siya at hinila palayo sa kalsada

cass,ano ba!! sasayangin mong buhay mo nang dahil lang dun”Alam kong si Gian ang dahilan kaya ito nag-kakaganito

“nang dahil lang dun?! Bakit hah!!? Alam mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon hah?!!alam mo ba kung ganong kasakit dito “tapos tinuro niya yung puso niya “ang sakit-sakit dito!!!”humahagulgol nitong sabi

“alam kong masakit,pero wag mong sayangin ang buhay mo,”Pero hindi niya ako pinansin at mabilis na lumakad ulit.Nainis na ako at hindi ko na napigilan pa ang mag-salita

“sige!! Magpakamatay ka!!! kung sa bagay ano nga bang paki alam ko sa’yo,sige lang isipin mo lang yung sarili mo,isipin mong walang mga taong nag-mamahal sa’yo,na wala kang taong ma-iiwan na iiyak sa’yo,isipin mong wala kang mga magulang na nagpapakahirap ngayon sa pag-tatrabaho para lang mabigyan ka nang magandang kinabukasan,pero ano?asan ka nga ngayon heto at magpapakamatay nang dahil lang sa bagay na pwede ka pa namang makapag ove on,masuwerte ka nga at iyan lang nag-papahirap sa’yo pero yung iba na may mga sakit,humihiling na sana maduktungan pa ang kanilang buhay,pero ikaw ano heto at sasayangin mo lang ang buhay na binigay sa’yo,hindi ko akalain na ganyan ka pala kahina”

Lahat nang tao nakatingin lang samin.Nag-hihintay kung ano bang magiging desisyon niya,Unti-unti nakita ko siyang bigla nalang napaupo sa kalsada

“bakit? (huk)  kiel,bakit!!!? (huk) bakit niya ako ginago?”Niyakap ko lang siya nang mahigpit “ang sakit-sakit kiel,sobrang sakit”

“I know!!wag kang mag-alala,pangako wala nang mag-papaiyak pa sa’yo”Hinayaan ko lang siyang umiyak nang umiyak hanggang sa kumalma siya.Simula nang araw na iyon,palagi ko siyang pinupuntahan sa bahay nila Ang kaso,palagi nalang siyang nag-mumukmok sa kwarto at dahil dun nag kasakit siya

CASS’S POV

Tatlong araw na akong absent sa school Nang dahil sa nangyari hindi ko nakayanan at nagkasakit ako.Akala ko kasi kaya ko,pero nung marinig ko mula sa bibig niya na ginamit niya lang ako Sobrang sakit ang naramdaman ko

Sob..Pinahid ko ang luhang dumaloy sa pisngi ko.Magaling na ako at wala nang lagnat,Pero bakit ganun?Bakit hindi ko pa din mapigilan ang pag daloy nang luha ko.Bakit Gian?Bakit mo ako pinahihirapan nang ganito?

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon