SPECIAL CHAPTER

2.3K 50 14
                                    

AN:dahil mahal na mahal ko tambalang cassie at kiel magbibigay ako nang special chapter.two chapter siya,isang part 1 isang part 2..ano na kayang nangyari sa love story nilang dalawa,tara at silipin natin..

>_______________<

SPECIAL CHAPTER:PART ONE

"huggggggssssss.."malakas na sigaw nang asawa niyang sumpungin ngayon

"eto nga.sandali lang.."sigaw niya mula sa may pintuan nang kusina nila

"bilisan mo..."

"oo na po.."ganting sigaw niya 

nagmamadaling binitbit niya yung tray na pinaglalagyan nang pinaluto nitong hotcake daw.hay!nitong mga nakalipas na araw sobrang takaw nito at kung ano-ano ang mga pinabibili na minsan nabubulok na dahil hindi naman din kinakain

"bat ang tagal mo?"reklamo nito nang ilapag ko na sa lamesita sa salas ung tray na may lamang pagkain

"eh,ikaw naman ang may kasalan ang sabi mo ipagluto kita nang pancit canton nung naluto ko pinabago mo naman.kaya natagalan ako."humihingal na umupo siya sa tabi nito

"hmp!ewan ko saiyo."pag-susungit nito sabay kuha sa tinidor at nilantakan na yung hotcake na niluto ko para dito

"masarap ba?"tanong ko dito nang pandalas ang subo nito

hindi ito umimik sa sinabi ko basta kain lang ito nang kain.ni hindi manlang inalok ang gwapo niyang asawa.hay!nakuh naman.mukha namang napansin nito yung pagtitig na ginagawa ko kaya isang singhal na naman ang ginawa nito sakin

"what?!"

"wala,sabi ko ang ganda mo kaso ang sungit mo."

"ikaw kasi eh."reklamo nito

"ako na naman?"palagi nalang ako nitong sinisisi sa mga bagay na wala naman akong ginagawa

pag may ayaw ito sakin,sisigawan ako bigla,pag naamoy minsan yung pabango ko bigla nalang magagalit dahil ambaho ko daw.minsan tuloy naiisip ko hindi na niya ako mahal eh,nakakapagtampo tuloy.

"ikaw naman talaga eh.nakakainis ka."

"sobra kana hugs.umaapaw naba ang pagmamahal mo sakin kaya nilalabas mo nalang sa pagkainis sakin."dinadaan ko nalang sa pagbibiro ang lahat.kasi naman alam kong mapipikon ito eh

"tumigil ka!ang kapal nang mukha mo."sabi ko sa inyo pikon agad

"bakit ba galit na galit ka sakin?ano bang nagawa kong masama saiyo.buntis kaba at pinaglilihian mo ako?"bigla naman itong natigilan sa tinanong ko at tinuptop yung bibig na parang masusuka

nangunot naman ang noo niya nang bigla itong magtatakbo papuntang kusina at nung sundan ko eh panay ang suka nito.isang taon mahigit na kaming nag-sasama at hindi parin kami nagkaka anak.

hindi naman sa baog kaming dalawa kundi nag control kami nitong mga nakalipas na isang taon.kailangan kasi sa trabaho ko dahil nag aadjust pa ako sa company na hinahawakan ko ngayon.

ganun din naman si cass.hinawakan din kasi nito yung negosyo nang pamilya nito kaya medyo nahirapan kaming dalawa.minsan nga hindi na kami nagkikitang dalawa.madalas nga naming pagtalunan yun noon kaya pinasya kong kausapin ito na huwag nang mag trabaho at mamalagi nalang sa bahay

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon