CHAPTER:49:WAITING FOR YOU

2.2K 43 12
                                    

CHAPTER:49:WAITING FOR YOU

Kinakabahan ako eto na ang araw kung saan babalik na si kiel at mamimili samin ni kate.maaga palang gumayak na ako papuntang park.kasama ko si Gian na mataman lang na nakamasid sakin habang walang tigil sa panginginig ang mga tuhod ko dahil sa kaba

bibili muna akong maiinom natin! tumango lang ako dito

1:30pm na at wala pa si kiel kung sabagay 2pm naman kami magkikita.maghihintay pa din ako kahit gaano katagal.dumating na si Gian at ibinigay sakin ang C2.summer na din pala ngayon kaya ang tindi nang init nang araw.binuksan ko agad yung C2 na binigay nito sabay inom.

1:45pm na sa relong nakasabit sa isang poste sa park.ayokong isipin na si kate ang pinili niya.ayokong isipin pero habang panay ang takbo nang oras mas lalo kong naiisip na si kate talaga ang pinili nito at hindi ako

ok ka lang?! naramdaman siguro nito na hindi ako mapakali

ok lang ako Gian.. ngumiti ito at marahang pinisil ang mga kamay kong nanlalamig na

2:00pm..sumapit na ang takdang oras.napatayo na ako sa kinauupuan ko at nagpaikot-ikot.pag lumampas siya nang limamang minuto at wala pa rin siya susukuan ko na siya.mangiyak-ngiyak na pilit akong pinauupo ni Gian

cass..umupo ka muna.baka na traffic lang kaya wala pa.. sana nga ganun lang.sana nga..

2:50pm napaiyak na’ko nang malakas.niyakap naman ako ni Gian at inalo.limang minuto lang ang palugit ko sa kanya pero ginawa ko pa din maghintay nang napakatagal para sa kanya.ayoko man pero kailangan ko nang tanggapin na wala na..talo na ako..talo na ako sa laban dahil malinaw na si kate ang pinili nito

cass..pupunta ako ngayon sa resort nang tiyahin ko.gusto mo bang sumama?! tumango lang ako.gusto ko munang lumayo,gusto kong makalimot sa sakit

Habang nasa biyahe kami biglang bumuhos ang malakas na ulan mukhang nakikidalamhati sakin.tahimik akong umiiyak sa isang sulok habang panay lang ang tingin sakin ni Gian

Nakarating kami sa resort nang tiyahin nito.kung nasa mood siguro ako ngayon baka magtatalon ako sa tuwa dahil sa ganda ng tanawin .pero wala eh..pagod na pagod ang pakiramdam ko ngayon.umupo ako sa dalampasigan at pinanood lang ang dagat

Pilit akong pinapapasok ni Gian sa loob dahil lumalakas na ang ulan at delikado ang mag stay doon.pero hindi ko ito sinunod.wala itong nagawa kundi bantayan nalang ako habang panay ang pag luha ko

KIEL’S POV

Pangatlong araw na nang pag-istay ko dito hindi ko pa din nahahanap ang kasagutan sa mga tanong ko.kung  sino ba ang siyang talagang mahal ko.masaya naman ang pag-istay dito kahit papano nakakalimot  din. yun nga lang pagdadating nang gabi halos hindi rin ako makatulog sa pag-iisip

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon