CHAPTER:32:GOODNIGHT

2.5K 59 4
                                    

CHAPTER:32:GOODNIGHT

ang takaw mo naman sita ko kay Kiel,nasa bahay kasi namin siya nakikikain nang dinner

ano kaba!! Marami ang namamatay sa gutom ngayon,kaya dapat lang na kumain nang kumain hanggat may nakahain na pagkain napasimangot ako sa sinabi niya

Oo nga naman marami ang namamatay sa gutom ngayon at pati ako mapapasama na din sa kanila,ang takaw niya hindi manlang ako tirhan nang hipon

Favorite ko pa naman yun!! TT^TT

oo nga naman Cass,hayaan muna si pogi na kumain nang kumain hinanda ko nga iyan para sa inyong dalawa mas lalo lang akong napasimagot sa sinabi ni yaya

Hinanda daw para samin dalawa? Baka naman hinanda niya lang para kay kiel

 oo na walang latoy na sabi ko at inumpisahan nang kainin yung  dalawang pirasong hipon na natira sakin

Pagkatapos naming kumain,nag-paalam sakin si yaya na uuwi muna sa magulang niya,pinayagan ko kasi sabado naman ngayon at wala akong pasok,sa Monday na daw ang balik niya

wala kabang balak umuwi? past 9:00pm na kasi,halos maghapon na ito sa bahay namin

dito ako matutulog sabay higa sa kama ko

ano ka sinusuwerte,umuwi kana kaya niyugyog yugyog ko siya mula sa pagkakahiga niya

ayoko!! basta dito ako matutulog,babantayan kita wala kang kasama ngayon sa bahay eh ang kulit talaga nang lalaking ito

hindi muna ako kailangan bantayan,umuwi kana!! yung totoo kasi naiilang ako na makatabi siya to think na kaming dalawa nalang yung tao dito sa bahay

ayaw mo’ba akong makatabi? napa baling yung mukha ko sa pinto nang kwarto sa sinabi niya,hindi naman sa ayaw ko siyang makatabi,medyo kinakabahan kasi ako

hindi naman sa ganun Kiel,kaya lang ano.. hindi ko masabi yung nasa isip ko,ang awkward kasi diba?

kaya lang ano Cass? seryoso siyang nakatingin sakin ngayon

ano kasi… nak nang tokwa naman oh

natatakot kaba sakin Cass hindi ako natatakot sa kanya yung sa magagawa niya ako natatakot,hehe

hindi!! Hindi ka naman monster diba? tumawa ako para hindi mawala yung kaba ko,bumibilis na naman kasi yung tibok nang puso ko

hahaha,hindi naman ako monster,vampire ako binato ko siya nang unan sa sinabi niya,baliw na talaga ito

sira,umalis ka nga diyan sa kama ko dun ka sa lapag kung gusto mong matulog dito

patutulugin mo’ko sa lapag? Kaya nang konsensya mo yun nag puppy eyes ito yung tipong nagmamakaawa

itigil mo nga yan,para kang tuta nag cross arm ako

cute na tuta,hahah

talagang natuwa kapa,na maging tuta?

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon