CHAPTER:39:MMS

2.3K 47 6
                                    

CHAPTER:39:MMS

oi cass!! Ano ba, kumibo ka naman diyan,baka mamaya niyan bigla kang mapipi nang tuluyan “-Eurie

oo nga naman cass,kung si kiel ang iniisp mo ipanatag mo ang loob mo, kasi mahal na mahal ka nun!! “-Alexa

“ hindi naman yun ang iniisip ko,iniisip ko lang kung bakit hindi siya pumasok at hanggang ngayon hindi pa rin siya nagrereply sa mga txt ko sagot ko na ikinasimangot nang dalawa

alam mo friendship!! hindi sa lahat nang oras masasagot niya ang tawag at txt mo,malay mo may importante siyang ginagawa o kaya mamaya lang bigla nalang siyang sumulpot sa harapan mo,alam mo namang mahilig yun sa surprise “-Eurie

tumpak!! Kaya Huwag kanang masyadong mag-isip ok!! ienjoy nalang natin itong paggagala natin,sale pa naman ngayon mukhang madami tayong mabibili “-Alexa

kung sabagay may point kayo tumango lang yung dalawa at nag-umpisa nang mamili

ako ? tumingin-tingin lang muna, saka nalang ako bibili pag may nagustuhan na ako,ayoko kasing tumulad sa dalawang ito na pag nagandahan bibilhin na agad,hindi naman sa nagtitipid ako ,ayoko lang mag-aksaya nang pera,kaya dapat yung talagang alam kong gustong-gusto ko lang ang bibilhin ko

sa pag-ikot-ikot ko sa loob nang department store nasanggi ako nang babaeng nasa likod ko,mukha kasi silang naghaharutan nang mga kasama nito kaya hindi siguro ako napansin

ay,nakuh! Miss.. sorry hah?! isang pamilyar na mukha ang nasilayan ko

inisip kong maigi kung sino siya pero hindi ko maisip,hanggang sa sumingit sa usapan yung dalawang kasama nito na lalong kina-isip ko,napaka pamilyar nang mukha nila sakin pero hindi ko talaga maalala kung saan ko sila nakita

ah,jhem may problema ba?! tanong nung kasama nito

jhem?! jhem?! Parang narinig ko na din yung name niya,pero saan ko nga ba narinig iyon,kakilala ko ba sila?

“ wala naman,nabangga ko kasi siya!! patuturo sakin nung jhem

ah,pagpasensyahan mo na sana siya miss,“ nakangiting sabi nung kasama nito

ok lang!! umalis na’ko sa harapan nila na lutang pa din ang isip

hoy!! San kaba nagpupunta?!  kanina kapa naming hinahanap ni eurie hinampas ako ni alexa sa braso na siyang ikinatigil ko,parang nag flashback sakin ang lahat,yung tatlong babae,sila yung nasa panaginip ko

yung tatlong babae!!

hah?! ayan kana naman sa tatlong babae, sino na naman ba iyang tinutukoy mo?! - kakamot-kamot sa ulong tanong ni eurie

yung tatlong babae sa panaginip ko,buhay sila!! Nakita ko sila kanina

hay!! Ano ba yan cass,ano bang nangyayari sa’yo,nilalagnat kaba?! inilapat ni alexa yung kamay niya sa noo ko,para tignan kung may lagnat ako

ano kaba!! Wala akong sakit,totoo nakita ko sila,silang tatlo at pati yung name nila kapareho nung sa panaginip ko

hay nakuh!! Gutom lang yan,tara at kumain muna tayo “-Alexa

pero nagsasabi ako nang totoo,ayun! Ayun sila pagtuturo ko sa tatlong babae na nagbabayad sa counter

MR.YAKAP BOY..(COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon