Chapter Sixty-nine: Saved

10K 410 9
                                    

Tinahak namin ang highway patungo sa isang madilim na lugar. Natatakot ako. Naiiyak na nga ako sa takot. Saan ba kasi nila kami dadalhin? Napatingin ako kay Bloom. Parang wala lang sa kanya. Deretso pa kasi ang upo niya at nakatitig lang sa labas. Hindi nagtagal ay tumigil ang mga kotse.

"Baba!" ang utos ng isa. Bumaba naman kami ni Bloom. Napatingin ako sa paligid. Nasa likod kami ng isang gusali. Rinig ko ang mga ingay mula sa loob. Hula ko ay isang club.

"Wag kayong gagawa ng eksena" ang bilin ng isa sa amin bago tinanggal ang mga busal sa amin kapalit naman ang paglalagay nila ng maskara sa mga mukha namin. Kasunod nito ang pag-akbay ng isa sa akin. I felt uncomfortable. Gusto ko si Luke lang ang gumagawa nun sa akin. Tahimik kaming pumasok sa entrance ng Super Club.

Parang masisira ang eardrums ko sa lakas ng tugtugin sa loob. Kasabay nito ang mga nagsasayawan sa loob. Napatingin ako sa mga mukha nila. Maayos naman at walang isang mukhang goons. Magaganda ang mga babae. Gwapo din at mapoporma ang mga lalake. Lahat sila ay natigilan sa pagpasok namin at kaagad nagbigay daan para sa amin. Napatingin ako sa taas. Natigilan ako ng may makita. Si Kuya PeeJay!!! Gusto komg sumigaw at tawagin siya para saklolohan kami.

"Lakad!" ang bilin sa akin nang naka-akbay sa akin. Sumunod na lang ako. Dumeretso kami sa isang pulang pinto sa gilid. Isang malaking kuwarto na red at black ang color scheme. May mga display na japanese dolls, weapons at kung ano-ano. Pinaupo kami sa isang sofa ni Bloom.

"Ano bang balak niyo sa amin?" ang tanong ni Bloom.

"Relax ka lang Miss" ang sabi ng isa. "Pakisabi kay Boss, hawak na natin yung girlfriend ng Koreano"

Nakita naman namin ang isa na gumamit ng phone at may kina-usap. Nihonggo ang gamit niyang lenggwahe. Hinubad ko naman ang sinuot nilang maskara kanina lang.

"Ang ganda mo,ha" ang sabi ng isa sa akin.

"Thanks" ang tugon ko.

"Sana may mamagitan sa ating dalawa" ang komento niya. Masasapak ko to. Kanina pa eh.

"Alam mo ako rin" ang sabi ko.

"Malandi" ang bulong ni Bloom. Nagflip ako ng hair.

"Talaga? Tulad ng???" ang natutuwang tanong ni Kuya.

"Isang pader" ang suplada kong tugon. Napatawa naman silang lahat. Natigilan naman ang lahat nang biglang nagbukas ng malakas ang pinto. Napatingin kaming lahat.

SI LUKE KO!!!!!!!!!!!! Ang hot ng serious face niya. Pumasok naman siya sa kuwarto.

"Nasaan ang girlfriend ko?" ang seryoso niyang tanong sabay gala ng tingin sa paligid. Natigilan siya nang makita ako. Papalapit na siya nang harangin siya.

"Ang brave talaga ng boyfriend ko" ang sabi ko.

"Siya! Siya si Bloom!" ang sabi ng isa. Kinuha nila ako.

"Bitawan niyo ang pillow ko!!" ang utos ni Luke. Tinali naman nila ako sa isang upuan. Naiiyak na ako. At ayun, naiyak na nga ako. Biglang sinuntok ni Luke ang isa sa mukha.

"Ang lakas ng loob mo! Eh, mag-isa mo lang!" ang sigaw ng isa.

"Sino bang nagsabi na mag-isa ko lang?" ang retorikal niyang tanong sa kanila sabay pasok pa ng maraming tao sa kuwarto. Nagsimula silang sumugod at magbugbugan sa loob. Lumakad lang si Luke patungo sa kinalalagyan ko.

"Hi" ang bati niya na lalong mas nagpaluha sa akin.

"Sssh, wag ka nang umiyak" ang pagpapatahan niya sa akin. "Wag ka nang matakot, andito na ako. Ayoko pa man ding umiiyak ka"

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon