Chapter Fifty-five: Captured

14.1K 328 30
                                    

Kinabukasan...

NOTE: Hindi ako nagsusulat ng diary kaya naman yung kinuha kong notebook ay NGANGA... walang pinaggamitan.

*vibrate*

*vibrate*

Mr. Kimchi: Oi

Oi???

Hindi man lang hi o hello. Magandang simula ng conversation. Type type sa qwerty kong keypad phone.

Pillow: oh?

*vibrate*

*vibrate*

Mr. Kimchi: Good morning!

Pillow: Good morning din.

Mr. Kimchi: Miss you ♥

May heart!!!!! Ehmergawd! MAAAY HEAAAAAART!!!!! Teka, kelan pa ako na-excite sa heart emoticon? Psssk. Pag dating talaga sa kanya... para akong babae kung kiligin.

Type... type...

Pillow: I miss you too ♥♥

Options..

"Ui" ang reaksyon ko nang biglaang mag-off ang phone kong ancient na. "Sandali lang!!!! Di pa nasend!!"

Pilit kong pinipindot ang power button pero mukhang sira na talaga ang luma pa sa luma kong phone. Haaaays :( Bigla akong napadabog sa mesa at napa-Ninoy Aquino pose.

"Oh, nag-away ba kayo?" ang tanong ni Zeke nang makita ako. Napatingin ako sa kanya. "Ang aga-aga LQ agad. Di yan maganda"

"Mukhang dun na nga papunta yun" ang nakasimangot ko pa ring tugon.

"Oh, bakit naman?" ang nagtataka niyang tanong.

"Nasira ang phone ko" ang tugon ko.

"Baka kailangan mo na talagang palitan" ang komento ni Zeke. Napa-isip ako ng malalim. Pinilit kong timbangin ang mga pangangailangan ko sa luho. Sa mga panahon ngayon, ang communication ay isa nang pangangailangan.

PARA KAY MAMA AT SA MGA IMPORTANTENG TAO..

HINDI KASAMA SI LUKE..

HINDI KASAMA SI...

HINDI KASAMA SI

OKAY.... KASAMA NA NGA SI LUKE.

"Dapat na nga siguro" ang tugon ko bago kinuha ang bag ko at hinugot ang wallet ko. May ilang libo pa naman akong natira mula sa ipon ko at sa naibigay sa akin ni Mama. At dahil scholar ako ng Daddy ng ka-MU ko ay libre naman ako sa gastusin. Binudget ko na muna ang pera ko. 4k.. ito ang natira. Makakabili naman siguro ako ng maayos-ayos na phone kapalit ng luma. Bigla akong na-excite.

Nagsimula na akong mag-ayos para magtungo sa mall. Balak kong magtingin-tingin muna sa mga kiosk at shop bago ako magdesisyon kung anong bibilhin ko. Hindi ako pamilyar sa mga gadget kaya naman hindi ko alam kung paano ako pipili. Makakatulong naman siguro ang mga sales representatives.

"Zeke, aalis na muna ako" ang paalam ko.

"Bye!" ang tugon niya.

Nasa entrada na ako ng boarding house nang matigilan ako sa biglang nakasalubong ko.

"Hoy" ang una niyang sinabi sabay lalong harang sa daraanan ko. Kanina oi...ngayon naman, hoy. Ganyan ba talaga siya manligaw? Napaka-barumbado?

Ayyy, wait... hindi nga pala siya nanliligaw... kaya kahit sa akin barumbado pa rin siya

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon