Chapter Eighty-eight: A Writer's Thoughts

6.6K 229 4
                                    

Naging seryoso lang si Luke habang sinasagutan ang test paper. Kinuha ko naman ang libro ko sa bag at nagsimulang magbasa. Hindi pa man nagtatagal ay bigla kaming natigilan.


"Magjowa!!!!!" ang tawag ng dalawang pamilyar na boses. Napatingin kaagad kami ni Luke. Si Marcus at Anjo nga; ang dalawang bata.


"Ayy, bakit dito kayo nagdadate?"ang tanong ni Anjo.


"We're having class" ang simple at seryosong tugon ni Luke na naka-concentrate lang sa test paper niya.


"Class?!" ang sabay nilang tanong na may bahid ng pagkagulat at pagtataka.


"Tutor niya ako" ang sabi ko naman. "Nagpre-pretest siya ngayon"


"Not to be rude but go away"ang pagpapatuloy naman ni Luke. " I don't want you two bothering my quality time with him"


"Can I take the test too?"ang tanong ni Marcus.


"Me too!" si Anjo. Napabuntong-hininga naman si Luke.


Binigyan ko naman sila ng kopya ng pagsusulit ni Luke. Natahimik na naman silang tatlo kaya pinagpatuloy ko na ang pagbabasa ng libro. Pagkalipas ng dalawampung minuto ay tinignan ko sila. Nagdra-drawing na si Anjo sa likod ng test paper samanatalang nakamp3 player naman si Marcus.... si Luke???? Ayun,tulog. -_______-


Tumikhim naman ako ng malakas.


"Sorry pillow" si Blanket nang magising.


"Tapos na?" ang tanong ko.


"Oo, pillow. Wala na bang mas mahirap pa?" ang komento niya.


"Ah, ganun ba?" ang reaksyon ko sabay ngiti.


"Nakakatakot naman yang ngiti mo,mahal" ang komento niya.


"Is there a need to be frightened my love?" ang tanong ko sa kanya.


"OO mahal" ang tugonniya. "Yang patago mong galit"


"Harmless kaya ako" ang depensa ko"


"Pag di galit" ang pagpapatuloy niya. Hindi naman ako umimik at naglapag ng dalawa pang papel sa harap niya.


"Since minamani mo naman yung pre-test eh... ayan siguro naman piece of cake pa rin yan sayo" ang paliwanag ko.


"Pillow naman eh"ang rant niya. "Nagjojoke lang naman ako"


"Ten minutes more" ang huli kong bilin bago pinagpatuloy ang pagbabasa.


"Ayan kasi..." ang pang-aasar ng dalawa kay Luke.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon