Chapter One: The Working Student

32.1K 629 27
                                    

      Sunod-sunod ang pagtunong ng aking alarm clock.

         "Uhhhm... uhhm. Agad-agad?" ang reklamo ko sabay patay ng alarm clock sa side table. Pilit kong minulat ang mga mata ko. Gusto ko pang matulog, eh...pero alam ko namang kailangan ko nang bumangon.

          "Xean, may naghahanap sa'yo," si Zeke; ang roommate kong architecture student sabay alog sa akin. Siya ang kasa-kasama ko sa puyatan. Pinilit ko namang umupo sabay punas sa humahapdi ko pang mga mata.

            "Sino?" ang wala sa sarili kong tanong.

            "James raw," ang tugon niya. Dumeretso na lang ako sa sala ng boarding house at kaagad nakita ang lalakeng naka-uniporme sa parehong unibersidad na pinapasukan ko. Pamilyar ang kanyang mukha. Napatayo naman siya nang makita ako.

            "Hey, there," ang bati niya. "Xean?"

            "Oo, ako nga," ang pagkumpirma ko.  "Anong kailangan mo sa akin?"

             "I need your help, please," ang paki-usap niya. Alam ko na agad ang kanyang tinutukoy. Naglabas siya ng ilang papel mula sa bag niya. Kaagad ko naman siyang inutusan na maupo. Tumabi naman ako sa kanya. Inabot niya sa akin ang mga papel na hawak-hawak niya na siya ko namang kaagad tinignan kung anong naroon. "

              "Deadline?" ang tanong ko.

              "Next week. Monday."

             "Linoloko mo ba ako?" ang seryoso kong tanong sabay tingin sa kanya. Napaurong naman siya palayo.

             "Hindi. Seryoso," ang tugon niya. "Sa monday na nga."

              "So, in-e-expect mo na magagawa ko lahat to ng tatlong araw lang?" ang naiinis kong tanong.

                "Uhm, yeah?" ang nagdadalawang isip niyang sagot. Binalik ko sa kanya ang mga papel.

                 "Ang tawag diyan... imposible," ang komento ko. Ang aga-aga, sinisira ang araw ko.

                "Please, Xean. I'll pay you thrice higher. Just make this work. Plus, sagot ko na ang lunch mo for the next whole sem," ang paki-usap niya. Tao nga naman. Palaging nakakapit sa mga pinakamadaling paraan para lusutan ang problema. Sa mga taong katulad niya, madali lang ang mundo. Madaling magpa-ikot at madaling gumalaw. Kinuha ko sa kanya ang mga papel.

               "May lapis ka ba diyan na hindi mo na kailangan?" ang tanong ko. Kaagad naman siyang naglabas ng lapis at binigay sa akin. Nagtanong muna ako sa kanya ng mga bagay-bagay tungkol sa mga pinapagawa niya.

              "So, magagawa mo ba?" ang paninigurado niya.

              "Oo. Kung matino kang kausap."

              "Of course."

              "Dapat lang. Kasi yung mga hindi sumusunod..." Napatingin ako sa mga mata niya sabay bali sa dalawa ng hawak-hawak kong lapis. Napatingin siya sa nabaling lapis sabay lunok. "Malinaw ba?"

               "Oo naman!" ang natataranta niyang tugon. Pinanood ko siya habang hinuhugot ang pitaka niya sabay kuha ng pera. Inabot naman niya yun sa akin. "Ayan na ang bayad ko. Agad-agad."

               "Salamat," ang seryoso ko pa ring tugon. Katumbas na nito ang ilang manuals at hand-outs. Makakatipid na rin ako next sem.

                "Ayan, remembrance," ang sabi ko sabay abot ng isang parte ng lapis sa kanya. "From the President of the Literary Critics Guild. To remind you na hindi minamani ang literatura at mga alagad nito. "

               "Uhm, thank you?"

              "Alis na. Marami pa akong gagawin," ang utos ko. Madalian naman siyang tumayo at nagpaalam. Bumalik naman ako ng kuwarto at kinuha ang planner ko. Inilista ko ang bagong research paper na kailangang tapusin ng tatlong araw.

              "Bilib talaga ako sa'yo, Xean," si Zeke. Nasa likod ko na pala siya. "Ginagawa mo lahat ng paraan para makapag-aral ka."

               "Ganun talaga. Wala naman akong ibang pagpipilian," ang paliwanag ko. "At least, may kwenta ang katamaran ng ilang estudyante sa atin."

                "Mabuti hindi ka napapagod."

              "Wala sa bokubolaryo ko ang pagod. Hindi pwede. It's a luxury for me," ang sabi ko. Alam kong mali ang ginagawa ko ngunit kailangan. Ito ang pinakamadaling paraan para matustusan ko ang pag-aaral ko. Bukod sa full scholarship ay kailangan ko pang gumawa ng ilang paraan para matustusan ang ilang bagay na hindi sakop nito.  Ayokong maging pabigat at dumagdag pa sa mga responsibilidad ng aking ina na sa iabnag bansa. Sinimulan ko na ang pag-aayos sa aking sarili. Seven-thirty ang una kong klase. Pahikab-hikab na lang ako habang parang zombie kung gumalaw. Sa awa ng Diyos ay hindi pa ako nakakatulog sa klase.

              "Mr. Xean Olivar," ang pagtawag sa akin ng Prof ko sa Creative Writing and Stylistics class ko.

              "Yes, Prof?" ang tanong ko. Mukhang nahalata niyang nakatunganga lang ako.

               "Answer Activity 4.5," ang utos niya. Napatingin naman ako sa manual. LOVE. Napaka-pangkaraniwan. Sa totoo lang, hindi na ako naniniwala sa mga ganyan. I lost my faith nung nasaktan si Mama kay Papa at nasaktan ako sa dalawang taong pina-ibig ako. Sinimulan ko ang pagsusulat ng mga kwentong sumesentro sa pag-ibig ngunit hindi na ako umasa na sa isang katulad ko ay may masayang ending. Tumayo na lang ako at napatingin sa akin ang mga kaklase ko.

               "Come with me always, my love. For you and I are like thirst and water. We come in hand. And without the other, we're nothing," ang pagbabasa ko sa ginawa kong linya. Naupo naman ako habang tumawag pa ng ibang estudyante si Prof para marinig ang iba pang gawa.

                 "Excuse me, Pres.," ang pagtawag ng katabi ko. Napatingin naman ako. Naaalibadbaran talaga ako pag tinatawag nila akong Pres o President. Ewan ko ba kung bakit ako na-elect bilang Presidente ng college-based organization namin.

                    "Yes?" ang tanong ko. Hayan na naman si English courtesy of EOZ rule para sa mga estudyante ng College.

                    "Uhm, sasali ka po ba sa Literary Festival?" ang tanong niya ng pabulong.

                  "Siguro," ang tugon ko.

                   "May cash price para sa mananalo," ang bulong niya pa. Pakiramdam ko ay nanlaki ang tenga ko sa sinabi niya.  

                    "Sigurado ka?"

                   "Oo. Kaya sumali ka na sa kahit na anong contest," ang pangungumbinsi niya sa akin.

                 "Uhmm, pwede bang salihan lahat?" ang tanong ko.

                 "Oo, sa Dean's office ka magpa-register," ang bilin niya.

                 "Okay, thanks!"

                 Habang busy ang mga kaklase ko sa pagrerevise ng mga gawa nila sa activity book ay inilabas ko ang aking sagradong kuwaderno. Nagsimula akong magsulat. Draft ko para sa kwentong sinusulat at pinopost ko on-line. Bakit nga ba ako nagsusulat? Hindi malinaw ang aking dahilan. Siguro para ma-improve ang writing skills ko. Hanggang dun lang yun. Nang matapos ang lecture ay nagsilabasan kami ng lec room. Napahinto naman ako nang may mapansin. Grupo-grupo sila kung maglakad habang nagkwekwentuhan. Samantalang tanging isang kuwaderno at panulat ang aking karamay. Sa dami ng aking ginagawa ay naiwan na pala akong mag-isa.

------------- photo attachment ni Xean.:)

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon