Chapter Thirty Five: Bac♥n

16.7K 383 12
                                    

"Love birds, wakey-wakey" ang paggising ng isang boses. Dahan-dahan kong minulat ang mga mata ko. Nasa harap ko si Dex.

"Morning, Dex" ang wala sa sarili kong pagbati sa kanya sabay sara ng mga mata ko para matulog ulit. Haaay, napuyat ako kagabi kasi hindi ako makatulog. Hanggang ngayon ay nakayakap si Luke sa akin. Sanay siguro na may kayakap o yakap-yakap sa pagtulog.

"Wake up, guys" si Dex ulit.

"Oh, shut up!" ang suway ni Luke. "Tulog pa tayo"

May narinig na lang akong mga bulungan. Bulungan??? Teka, hindi ba mag-isa lang ni Dex? Anong oras na ba??? Tulog pa naman ang lahat di ba? Napalunok na lang ako sa mga katanungang bumuo sa aking isipan. Minulat ko ang aking mga mata at napatingin sa paligid. Haaaays, si Dex, Apple, Marcus, Axel, Riley at kung sino-sinong nilalang ang naka palibot sa kama namin ni Luke. Napa-upo naman ako bigla.

"Finally" si Apple. "Mag-aalmusal na tayo."

"Sorry" ang paghingi ko ng paumanhin. >\\\\\< "Magreaready na ako!!!!!"

Dalian naman akong bumaba ng kama at lumabas ng kuwarto. Dumeretso ako ng shower room. Hindi ako makapaniwala na pinagpyeatahan kami ng mga yun. Sa susunod hinding-hinding-hindi na dapata ako mapuyat sa susunod. Bukod sa nagiging sentro kami ng tsismis ay nagiging sentro rin kami ng atensyon. Haays, ano bang meron? Pagkatapos maligo ay bumalik ako sa kuwarto. Nakahinga naman ako ng maluwag nang makitang wala nang tao sa kuwarto. Madalian naman akong nagbihis at nagtungo ng function hall para sa nakahandang almusal. Pagkarating ko ay tinabihan ko si Apple.

"Kain na" ang utos niya. Napatingin ako sa mga pagkain sa harap niya. Tatlong platong kabundok. Napaka-amazona talaga niya. Hindi lang sa pakikipag-deal sa mga mabibigat na gawain niya kundi sa pagkain din.

"Hindi ka naman gutom niyan" ang komento ko.

"Diet ako" ang seryoso niyang tugon.

"Aah" ang tanging naging reaksyon ko. Kahit kailan talaga, hay naku. =___= kumuha na lang ako ng makakain at bumalik sa tabi niya.

"Talagang komportable ka nang kasama si Luke, ano?" si Apple pagkatapos sumubo ng tortang talong.

"Medyo" ang tugon ko naman habang linalaro ang corned beef sa paper plate ko. "Ewan ko ba. Palagi ko na lang siyang nakakasama simula nung pumasok ako ng Saint Anthony."

"Asus, iba na yan"

"Paanong iba?" ang nagtataka kong tanong. Nakita ko si Terrence sa isang sulok, kasama yung partner niya na taga-kabilang college.

"Asus, tinatanong pa ba yun?"

"Oo, kasi di ko gets" ang tugon ko.

"Anong real deal sa inyong dalawa ni Luke?" ang deretsahan niyang tanong. Nabilaukan naman ako bigla. Inabot ko ang plastic cup at uminon ng juice.

"Hinay-hinay naman sa tanong!!" ang reaksyon ko.

"So, ano nga? Magboyfriend na ba kayo? Exclusively dating? MU? Ano?“ ang sunod-sunod niyang tanong.

"None of the above" ang tugon ko. "I'm not his friend. I'm his pet. Yun yung sabi niya"

"Pet?" ang hindi niya makapaniwalang tanong. Napakunot pa kasi siya ng noo at parang napa-isip. Bigla na lang siyang napangiti at patango-tango pa. "Aaaaah, pet"

"Problema mo?“ ang tanong ko. Biglang umiba kasi yung aura niya.

"So, do you like him?" ang tanong niya.

"I don't hate him" ang tugon ko.

"Ang ibig kong sabihin kung gusto mo siya o may gusto ka sa kanya" ang tanong niya. Haaaays, oo meron na nga.

"Wala, no! Ako? Magkakagusto sa loko-lokong yun?" ang reaksyon ko. "lakas mang-good time nun eh!"

"Sa tuwing malapit siya, anong nararamdaman mo?" ang sunod niyang tanong. Bakit bigla niya akong tinatanong ng  mga ganito? Hindi na lang ako umimik at pinagpatuloy na lang ang pagkain.

"Luke!!" ang biglang pagtawag ni Apple sa kanya. Natigilan naman ako at napatingin. Nasa kabilang table siya kasama ang mga barkada niya.

"Yeah?" ang malakas niyang tanong para marinig namin.

"Halika muna rito!" si Apple. Kahit kailan napaka-palengkera nitong babaeng ito.

"Ano bang ginagawa mo?" ang tanong ko pero hindi naman ako pinansin.

"Coming!" ang tugon ni Luke sabay tingin sa akin at ngumiti; a nice friendly one. Napako ang tingin ko sa kanya habang papunta sa amin.

"Tumitibok ba ang puso mo ng sobrang lakas at sobrang bilis?" ang tanong ni Apple sa background. OO... OO... OO....

"Parang slow motion"

Tumpak!

"Everything around him is a blur"

Tomoh!!!!!

"What's up?" ang tanong ni Luke nang makarating sa kinalalagyan naming dalawa.

"May sasabihin si Xean" si Apple.

"Ha?“ ang gulat kong reaksyon.

"Well..." si Luke sabay tupi ng mga kamay niya at pagtaas ng isang kilay; senyales na hinihintay niya ang sasabihin ko.

"Uhmm, ahhhh" ang tanging lumalabas sa bunganga ko. Bakit ganito???? "G-gusto mo ng bacon?"

Nangiti lang siya habang natawa naman si Apple sa inalok ko. Ang tanga ko. Eh, ano ba dapat kong sabihin?

"I'm disappointed" si Luke sabay puppy dog pout.

"Ha? Bakit?" ang tanong ko.

"First things first. You should greet me first" si Luke.

"Good morning" ang flat kong bati sa kanya.

"Energy naman" si Apple. Why am I even following his demands?

"Good morning" ang parang tanga ko namang pagbati sa kanya.

"Well, good morning too pillow" ang bati niya pabalik. "About the bacon, marami na ako sa plate ko pero.dahil ikaw naman ang nag-alok. I'll eat some"

Kinuha niya ang tinidor at kumuha nga ng bacon mula sa paper plate ko at kumain ng ilan.

"Babalik na ako dun" si Luke.

"Sure. Thanks Luke" si Apple. Napatango lang naman siya.

"By the way, thanks for the bacon pillow" ang pasasalamat niya bago tuluyang umalis.

"So, naramdaman mo yung mga sinabi ko?" ang tanong ni Apple.

"Hindi" ang tugon ko. "See. Wala nga akong gusto sa kanya"

"Talaga?" ang mapanukso niyang tanong.

"Oo" ang muli kong tugon. Pero ano nga bang naramdaman ko? Eh, hindi ba ganun naman talaga pag crush mo ang isang tao? Hindi na na crushlife yun? Likelife na bang maitatawag dun? Hala... baka mauwi ito sa lovelife.

"NO WAAAAAAAAAAAAY!!!!!“ ang malakas kong nasabi. Habang mas lalong hinimay-himay ang nahimay na ngang corned beef.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon