Chapter Six-eight: Kidnapped

9.5K 304 12
                                    

Natigilan din naman siya nang makita ako.

"Get out!" ang utos niya. "Go and find your own room"

Napakunot naman ako ng mukha. I just flipped my hair at hindi siya pinansin. Winner ang feeling!!!! Ganun pala pakiramdam ng may mahabang buhok. Dumeretso ako sa mga libro at naghanap doon.

"On the other hand, tutulungan mo akong maghanap" ang sunod niyang sinabi. Tumingin ako sa kanya, flips hair at hindi ko pinansin ang sinabi niya.

"Ilan nang nahanap mo?" ang tanong niya. She's invicible. Suplada ako. Maganda ako kaya nagsusuplada at magsusuplada ako... lalo na sa babaeng to.

"Are you bloody mute?" ang naiinis niyang tanong. "Why are you not answering me?"

Tumingin ako muli sa kanya ng matalim.

"Kinaganda mo yan" ang sabi ng isip ko. Nagpamewang naman ako.

"Hinahamon mo ako,ha!" si Bloom with matching shake pa ng ulo. Tinali naman niya ang harap ng PE shirt niya para maging hanging, revealing her waist line at nagpamewang din katulad ko.

"Kung babae lang talaga ako, gagawin ko rin yan. Leche ka" ang tumakbo sa isip ko. Natigilan naman kami nang may narinig kaming sumisipol mula sa hallway. Kinalibutan ako sa naririnig.

"W-what's that?" ang tanong niya sa akin. Napakibit-balikat naman ako.

"Let's hide" ang suhestyon niya. Kaagad naman siyang nagpunta sa nag-iisang locker sa kuwarto at pumasok dun. Pilit kong binubuksan ang parehong locker pero sinara niya.

"Find your own hiding place!" ang bilin niya. Shuta tong babeng to. Lumabas ka lang, isasabit kita ng patiwarik. Palapit na ng palapit ang sumisipol. Naghanap na ako ng matataguan. Mabuti na lang merong parang bakanteng aparador sa ilalim ng sink na hula ko ay doon nila sinasagawa ang pag-didisect ng kung anu-ano.

Eeeeeeeew. Ang conia! Pero Eeeeewwww...

Dahan-dahan kong sinara ang pinto ng pinagtataguan ko. Kasunod nito ang pagbukas ng mismong pinto ng lecture room. Kinakabahan ako. Wala nang sumisipol pero ramdam ko ang presensya ng kung sino man.

"Hello!" ang malakas na sabi ng isang malalim na tinig. I jerked out nang marinig yun pero buti na lang hindi ako nakagawa ng ingay. Natatakot ako. Kasama ba to sa race? Bakit biglang naging hide and seek?

"Tsong, sigurado ka ba na narito siya?" ang tanong ng isa pang boses.

"Oo, dito nanggaling yung boses kanina" ang tugon ng isa pang boses. "Bloom, labas na!"

Ha? Bakit nila hinahanap si Bloom?

"Labas na. Hindi ka namin sasaktan" ang pagpapatuloy pa ng mga boses manyak. Sumilip ako sa maliit na butas sa pinto, natatanaw ko ang mga paa nilang palakad-lakad.

"Aha!!!" ang sigaw ng isang boses sabay kalampog sa locker. "Dude, andito siya!!"

"Leave me alone!!"" ang sigaw ni Bloom. Hindi ako makapag-isip ng maayos. Anong gagawin ko? Natatakot ako. Natigilan ako nang may makapa sa tabi ko.   Kahoy. Dahan-dahan akong lumabas ng pinagtataguan ko. Sumilip ako. Lumabas ang isa kaya naman kaagad kong sinugod ang natira. Hinataw ko siya ng kahoy sa batok kaya naman kaagad siyang nawalan ng malay.

"Lumabas ka na diyan" ang pilit kong pangboboses babae... kaagad naman niyang binuksan ang pinto ng locker. Sumilip muna siya sa labas at napatingin sa akin at sa walang malay na lalake sa sahig. Lumabas naman siya.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon