Chapter Ninety-two: Surprise!!!!

6.7K 243 14
                                    

"Pillow, pillow..." ang naririnig. Bigla na lang akong napamulat ng mga mata. Ramdam ko ang init ng mga luha sa paligid ng aking mga mata. Napatingin ako kay Luke at napayakap, mas lalo akong naiyak.

"Tito Mallows, what's wrong?" ang nag-aalalang tanong ni Brent.

"Tito just had a nightmare" ang paliwanag naman ni Luke sa bata. Pilit nila akong pinapatahan mula sa napakahaba at napakasakit na panaginip.

"Don't worry, Tito Mallows" si Brent. "Dada and I won't leave you. Please stop crying"

Pinilit ko naman ang hindi na umiyak.

"Brent, take care of Tito, okay?" si Luke. "I'll just get water"

"Yes, Dada" si Brent sabay hawak sa kamay ko. "Tito Mallows, Dada is your Knight in Shining Armor. He said you're his Princess. My teacher said the knight always protects his Princess. He'll protect you"

Napangiti naman ako sa sinabi ng bata. Mas hinigpitan ko ang paghawak sa kamay niya. Bumalik naman si Luke na may dalang isang basong tubig. Uminom naman agad ako. I sent Brent to sleep, kaagad din naming nakatulog ang bata.

"Anong napanaginipan mo mahal?" ang tanong ni Luke habang nakayakap sa akin. Nagkwento naman ako.

"Ibang klase yang Prof mo, matindi ang ihaminasyon." Ang komento niya. "Sa susunod, wag ka nang magbabasa nang ganung libro bago matulog. Never naman akong papayag sa fixed marriage. I rather die kesa matali sa isang taong hindi ko naman mahal. Kahit na pa duty ko yun sa pamilya... at isa pa, mas gusto ko na ako mismo ang magpupundar ng sarili kong yaman kesa lang sa nakuha ko sa iba. Mas fulfilling kaya yun. Mas magiging fulfilling kung yung yakap-yakap ko ngayon ang magiging kasama ko sa pagkamit nun"

"Promise ako lang?" ang tanong ko.

"Ipagpapalitan ko ba naman yung pinaka-caring and loving person in the universe?" ang tanong niya. "Never!"

"Asus!" ang reaksyon ko naman. Hinalikan naman niya ako sa noo. "Matulog na tayo. Andito lang ako"

"Good night Knight" ang sabi ko. He giggled.

"Good night, Princess" ang bati naman niyang pabalik.

[Luke's POV]

Kinabukasan, sabay kaming pumunta ni pillow sa Saint Anthony. Hindi niya ako masyadong kinaki-usap dahil nakatutok ang kanyang atensyon sa manuscript ng Prof niya. Kanina pa siya basa ng basa... pero ganun naman talaga kung inspired writer yung partner mo. Iniintindi ko na lang. Dumaan muna kami ng office ni Dad. Kinuha ko ang tinatago kong banig dun. Nagtungo kami sa Rose garden...yung park kung saan kami nag-date ni Pillow. Linatag ko ang banig at nahiga kaming dalawa.

"Xean!!" ang biglang pagtawag ng isang kaklase niya sa kanya. Kaagad naman siyang napatingin. "Busy ka ba? Hinahanap ka ni Apple?"

"Para saan?" ang tanong naman niya.

"Tungkol ata sa Literary Festival" ang tugon ng kaklase niya.

"Blanket, pupuntahan ko muna yun,ha?" ang paalam niya. Tumango lang naman ako bilang pagpayag. Tumayo siya at umalis. Kinuha ko naman ang manuscript na kanina niya pa sinusulatan at binabasa. Na-curious tuloy ako.

Binasa ko ang laman...unti-unti naman akong nakaramdam ng antok hanggang sa hindi ko na nga napigilan ang sarili ko sap pag-idlip.

"LUKE, GANUN KA NA BA TALAGA KATANGA?!!!" ang bulyaw sa akin ni Thia pagkatapos niya akong sampalin.

"Hindi kita maintindihan" ang tanging nasabi ko. Medyo umiikot pa ang paningin ko dala na rin siguro ng alak at sa pananampal sa akin ng matalik na kaibigan ni Xean.

"Mahal mo ba siya?" ang tanong niya sa akin.

"Mahal na mahala na mahal ko si Xean" ang taos puso kong pagtatapata kasabay ng mga maligamgam na luhang pumatak mula sa aking mga mata. "Pero hindi ko maintindihan kung bakit bigla niya akong pinagtutulakang palayo"

"He's insecure. Kilala ko siya. Palagi niyang iniisp na he's not good enough. Na hindi siya sapat para sa'yo."

"oo. Hindi siya sapat para sa akin" ang pagsng-ayon ko. Tumalas naman ang titig niya sa akin. "Never siyang naging sapat dahil sobra-sobra pa siya sa hiniling ko. Siya lang ang katangi-tanging taong yumakap sa magulo kong buhay. Siya lang ang katangi-tanging taong walang reklamong pumasok sa isang buhawing katulad ko"

"Mahal na mahal ka niya, Luke" ang sabi ni Thia. "Nagpa-ubaya siya sa taong inaakala niyang magpapasaya sa'yo."

"Sino?"

"Kilala mo kung sino"

"Pero hindi ganun yun! Bakit niya iisipin yun?" ang reaksyon ko nang mapagtanto ang ibig niyang sabihin.

"Kailangan ko pa bang sabihin ang mga bagay na alam mo na?" ang naiinis niyang reaksyon.

"Kailangan kong magpaliwanag. Kailangan niyang malaman na siya lang at wala nang iba apa. Kailangan kong masabi na mahla na mahal na mahal ko siya" ang sabi ko sabay lakad patungo ng kotse.

"Dalian mo. Baka hindi mon a siya maabutan pa"

Natigilan ako nang marinig yun. Muli akong napatingin sa kanya.

"Kaya ako naririto. At I swear papatyin ako nun kapag nalaman niyang sinabi ko sa'yo. Pupunta na siya ng US, natanggap siya sa inapplyan niyang scholarship sa UCLA" ang balita niya. Para akong binagsakan ng langit at lupa sa aking nalaman. "Ngayon na ang schedule ng flight niya"

"Hindi. Hindi niya ako pwedeng iwan. Hindi ako papaya!" ang reaksyon ko. Madalian akong sumakay ng kotse at pinaharurot ang aking kotse. "Xean, you can't just leave me like that."

Malapit na ako sa airport nang nagsimulang bumigat ang daloy ng trapik. Napamura naman ako at napasuntok sa manibela. Umuulan na...']

Hindi na ako makapaghintay...

Ayaw kong maghintay...

Gusto ko na siyang makasama ulit...

Bumaba ako ng kotse at tumakbo papunta nang airport. Wala na akong pakialam kung mabasa ako ng ulan o tumatakbo ako sa pagitan ng mga sasakyan. Siya lang ang nasa isipan ko ngayon at gagawin ko ang lahat para makapiling ulit ang Pillow ko.

Red...

Orange...

Green...

BLAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAG!!!!!!!!!!!!!

Hindi ko maramdaman ang katawan ko. Pinipilit kong tumayo but I lost command of my own body. Ilaw mula sa headlight. Mga pang nagmamadaling lumapit sa akin.

"Tumawag kayo ng ambulansya!"

"Tumawag kabhfgkljeqncg jicn huihvi;j ckl"

"Mahal na mahal kita, Xean"

Kadiliman...

Minulat ko ang aking mga mata. Clear skies. Napatingin ako sa tabi ko. Si pillow ko at natutulog sa tabi ko. Napangiti naman ako. Panaginip lang pala. Napayakap ako sa kanya. "Pillow, wag na wag mo akong iiwan"

"Never" ang narinig kon tugon niya. Napangiti naman ako. Bigla akong may naisip na gawin...

[Xean's POV]

Simula nang ibigay sa akin ni Sir Elixir Hwan ang manuscript niya sa akin ay ramdam kong nag-iba ang turing sa akin ng mga kaklase ko... yung tipong may respeto. Medyo nawiwirduhan ko sa mga kinikilos nila. Kagagaling ko lang kay Apple, nagtatanong ideas tungkol sa Literary festival na gusto niyang mangyari. Pagkatapos kong makapag-suggest ay bumalik ako sa Rose Garden, natutulog na si Luke. Hawak-hawak niya ang manuscript ni Sir Elixir Hwan. Dahan-dahan kong kinuha yun mula sa kanya. Nagulat ako nang biglang may sinabi siya. "Mahal na mahal na mahal ko si Xean"

Natawa naman ko. Eeeeeiiiikk, nakakakilig. Nahiga naman ako sa tabi niya at nagsimulang magbasa. Humiga ako patalikod sa kanya. Pagkatapos ng ilang sandal, naramdaman ko na lang na yumakap siya sa akin.

"Pillow, wag na wag mo akong iiwan" ang bulong niya sa akin.

"Never" ang tugon ko naman. Ninakawan naman niya ako ng halik. Dumating ang oras na kailangan na naming tumayo para pumasok sa aming mga klase.


I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon