Chapter Sixteen: Roof T♥p

19.4K 440 5
                                    

Pagkalipas ng ilang araw ay nasanay na nga ako sa atmosphere at environment sa Saint Anthony. Tuloy pa rin ang pang-iinis sa akin ni Luke. Hindi pa rin siya natinag sa pakikipag-agawan ng meryenda sa akin tuwing break time ko.  Kasama ko siya sa kanyang basketball practice kahit na ayaw ko namang sumama, nababagot din kasi ako sa mga basketball matches, hindi naman ako athletic eh. Pagkatapos ay dederetso kami sa pinagdalhan niya sa aking paniderya at umoorder palagi ng egg bread at cheese roll bago niya ako ihatid sa boarding house.

Isang hapon, bitbit ko na ang sports bag niya. Kasabay ko siya habang naglalakad nang may makasalubong siyang kung sino man. Napahinto sila at nagsimulang nagkwentuhan. Inutusan niya na lang akong pumunta na sa gymnasium. Pagkarating ko doon ay naupo ako sa bleachers at hinintay siya. Pagkalipas ng ilang sandali ay may lumapit sa akin.

"may nagpapasabi na puntahan mo raw si Luke sa rooftop ng School of Business" ang bilin sa akin.

"Ha?" ang reaksyon ko ngunit kaagad naman siyang umalis. Tumayo na lang ako at nagsimulang maglakad patungo nga sa building ng School of Business.

"Ano kayang ginagawa niya sa rooftop ng college building nila?" ang tanong ko sa aking sarili habang naglalakad. Nakasalubong ko naman si MJ.

"Ui, Xean!!" ang bungad niya sa akin. "Saan ka papunta?"

"Sa rooftop ng building ng School of Business" ang tugon ko naman.

"Ano namang gagawin mo dun?" ang sunod naman niyang tanong.

"Aaah, pinapapunta ako ni Mr. Kimchi" ang muli kong pagtugon bago nagpaalam na kailangan ko nang magpunta run at baka mapagtripan na naman niya ako pag nasa mood na naman siyang magpaka-bully. Nang makarating sa School of Business ay dumeretso ako sa elevator. Batid kong nakamasid ang mga estudyante sa akin dahil na rin sa suot kong sports bag. Na may naka-embroid na pangalan ni Luke na kitang-kita. Gayumpaman ay di nagpatay-malisya na lang ako sa mga mapagng-usisa nilang mga mata. Pagkarating sa top floor ay dumeretso naman ako sa hagdanan patungo ng roof top. Hindi nagtagal ay naroon na nga ako subalit... Wala namang Luke na naroon. Nagulat na lang ako ng biglang nagsara ng malakas ang pinto sa likod ko.

Dalian akong nagtungo sa bandang pintuan at pilit na binuksan yun ngunit kahit na anong pagpwersa ko ay nananatili pa rin itong nakasara.

Sa pagkataranta ay pinagsusuntok ko ang pinto sabay sigaw para may sumaklolo sa akin. Sa huli ay sumuko na ako at biglang senyales ay nasipa ko ang pinto ngunit wala pa rin namang epekto. Napatalikod ako at pinadausdos ang sarili ko pababa hanggang sa tuluyang maka-upo.  Hihintayin ko na lang si Luke. Siya naman ang nagpapunta sa akin dito. Sa paglipas ng ilang minuto ay kinakabahan na ako. Malapit nang magsimula ang basketball practice niya.

"Nasaan ka na ba?" ang tanong ko sa hangin.

Oras na ng practice niya ngunit wala pa rin siya. Nasa sports bag pa naman ang mga gamit niya. Bakit wala  pa siya? Napapabuntong hininga na lang ako. Sa kamalas-malasan ay bumuhos pa ang malakas na ulan.

Wala akong masilungan kaya naman sinubukan ko muling buksan ang pinto ngunit sa pangalawang pagkakataon ay wala akong nagawa. Muli na lang akong napaupo at hinayaan na lang na mabasa ng ulan. Papalubog na rin pala ang araw at basang-basa na ako ng ulan. Napatingin ako sa bag ni Luke. Waterproof naman yun kaya hindi na ako magtataka kung hindi mababasa ang laman nun. Bakit wala pa siya??? May darating pa kaya??? Kailangan ko ng tulong... gini-ginaw na ako... Nang may nagbukas ng pinto. Kaagad naman akong napatingin.

"What the-" ang reaksyon niya nang makita ako. "Ano bang ginagawa mo rito?"

"Bakit ngayon ka lang?" ang walang gana kong tanong.

"How would I know na narito ka?" ang tanong niya pabalik.

"You should, kasi pinapunta mo ako rito!"ang naiinis kong sinabi sa kanya.

"WHAT???" ang gulat at nagtataka niyang tanong sa akin. "I don't know what you are talking about"

"Nasa gym ako kanina. May lumapit sa akin, narito ka raw at pinapapunta mo ako!" ang paliwanag ko. "Hindi na ako natutuwa sa pambubully mo sa akin!"

"Wala akong sinabihan ng ganun, Xean" ang seryoso niyang pagtanggi.

"Yeah, right" ang reaksyon ko sabay pasok sa pintuan at lakad pababa ng hagdan. Wala na akong pakialam sa bag niya at sa kanya mismo. Nakakainis na talaga ang mga kalokohan niya. Dumeretso ako sa harap ng elevator.

"Hey! Look, wala akong kaalam-alam na nasa roof top ka. Nasa sayo itong mga gamit ko. Pinagalitan na naman ako ni Coach kasi hindi ako makapaglaro dahil nasa sayo ang mga ito" ang paliwanag niya. "Nalaman ko na lang na narito ka nang makita ako ni MJ kaya pinuntahan kita rito."

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Nagsasabi ako ng totoo. Lying is one thing I can't do" ang dagdag niya pa. "Someone locked you up."

Napatingin ako sa kanya. Kung ganun nga... sino???

"Paano mo naman nasabi yan?" ang tanong ko.

"May nagsara ng pinto" ang tugon niya. Kung sa bagay.. nung nagpunta ako ng roof top. Iniwan kong bukas ang pinto.. bigla na lang nagsara at di ko na mabuksan..

"Baka naman.. ikaw ang may pakana" ang sabi ko.

"GEEZ!!! Ganyan lang ba talaga ang tingin mo sa akin??"

"Aba.. ewan!! Napaka-delinquent mo! Palagi mo akong iniinis! Nung isang araw nakipagsuntukan ka sa harap ko at sa tabi pa ng Saint Anthony."

"Ang labo mong kausap" ang komento niya sabay paulit-ulit na pindot sa up button sa tabi nb elevator. Mukhang nainis na nga sa akin. Sabay naman kaming pumasok ng elevator. Pininood ko siyang pinindot ang G button. Nagsimulang bumaba ang elevator. Binalot lang kami ng katahimikan.

"Hindi ako yun, okay?" Si Luke. "I know, I'm getting into your nerves dahil sa mga kalokohan ko but believe me... I never wanted to put you in any harm. Hindi ako papayag"

Napatingin ako sa kanya nang sinabi niya ang mga yun. Ngunit binawi ko na lang agad ang tingin ko.

"Naalala mo naman nung isang araw. May gustong manakit sayo. Kung wala talaga akong pakialam sayo, hinayaan ko na lang yun na hampasin ka. "

"Sa bagay" ang bulong ko sa ere sabay tango. Naniniwala na ako sa kanya. Natigilan kaming dalawa nang namatay ang mga ilaw sa loob sabay nang biglaang paghinto nito. Nawala ako ng balanse ngunit kaagad naman akong sinalo ni Luke.

"Okay ka lang?" ang tanong niya sabay tulong sa akin na makatayo ako ng deretso. Napatango naman ako. Sumindi naman ang emergency lights.

"Anong nangyayari???" ang natataranta kong tanong waring naghahanap ng linaw sa aming kasalakuyang sitwasyon.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon