Chapter Twenty Three: N♥t friends

19.2K 445 7
                                    

"Di ba? Di ba, Zeke?" ang pangungulit ni Luke kay Zeke. Ano kayang problema niya o pinoproblema niya?

"Bro, obvious na nagseselos ka" si Zeke.

"Psssk!" si Luke. "Ako? Wala akong rason"

"Anong tawag mo sa mga kinikilos mo?" ang tanong ni Zeke.

"Upset lang ako. Siya pa lang ang kilala kong wala pang may gusto sa akin." ang tugon naman ni Luke. Bigla namang napailing si Terrence. Marahil ay narinig niya ang sinabi ni Luke.

-_________- Hay naku naman... LUKE AND HIS BIG EGO. Akala ko pa naman napaka-big deal na ang pinoproblema niya. Inaasahan niya ba talagang lahat ng estudyante sa Saint Anthony ay magkagusto sa kanya?

#malala.

"Hindi ko matanggap na mas gusto niya siya kesa sa akin" ang pagpapatuloy ni Luke.

"Sa tingin ko at ramdam kong may gusto rin sayo yun" si Zeke.

"Ow? Paano mo naman nasabi?" ang tanong ni Luke.

"Tara muna sa labas, magpahangin tayo" ang yaya ni Zeke.

"Such a jerk" ang biglang komento ni Terrence. "Xean, ganun ba ang gusto mong kaibiganin?"

Napakibit-balikat na lang ako at hindi umimik.

"Xean, wag mo nang hintayin ang araw na sasaktan ka niya" ang payo ni Terrence.

"Meron bang rason para saktan niya ako?" ang tanong ko pabalik. Nagtataka na talaga ako sa mga kinikilos niya.

"Xean, kaibigan kita. Concern lang ako. Alam nating dalawa na mas matagal na ako sa Saint Anthony. Nature niya na ang manakit" ang paliwanag ni Terrence.

"Alam ko na ang mga tungkol diyan sa mga bagay na yan" ang seryoso kong tugon. "Marami na akong nakilalang katulad niya. Pareho lang sila ng mga iniisip at ginagawa kaya naman kabisado ko na. Huwag kang mag-alala sa akin. Si Zeke ang magpapatunay sa mga sinasabi ko"

Napabuntong-hininga lang naman si Terrence at napatango.

"Hey, coffee break ka muna" ang biglang pang-didistract sa amin ni Luke nang pumasok sila ni Zeke. Inabot niya sa akin ang mug ko na may lulang kape. Si Zeke din naman ay inabutan si Terrence ng kape. Kapwa naman kaming nagpasalamat sa dalawa. Kung ano mang napag-usapan nila ni Zeke ay bumalik na ang positive energy nitong si Luke.

"Let me change that cooling pad first" ang sunod na sinabi ni Luke bago lumapit sa akin. Tinanggal niya ang lumang cooling pad mula sa noo ko at pinalitan ng bago.

"Okay na" ang nakangiti niyang sinabi bago lumayo. Hindi naman nagtagal ay natapos din kami bi Terrence sa catch-up lessons.

"Terrence, thank you ulit" ang muli kong pasasalamat sa kanya nang ihatid ko siya sa palabas ng boarding house.

"Sa susunod ulit" ang nakangiti niyang tugon. Napatango naman ako. Nang makaalis si Terrence ay napatingin ako sa kalangitan. Bilog ang buwan at nagnining-ning ang mga bituin. Napako ang tingin ko sa tatlong bituin na deretsong naka-linya. Na-distract naman ako nang may tumikhim. Napa-ikot ako at nakita kaagad si Luke sa pintuan. Nakasandal siya roon habang nakatiklop ang mga kamay. Tumabi naman siya sa akin.

"You really do like him, don't you?" ang tanong niya sa akin.

"Yeah" ang tugon ko. "Ang bait niya kasi and thoughtful pa"

"I see" ang halos pabulong niyang tugon.

"Uhm, Luke. Ano ba ako sa'yo? Ano ba tayo?" ang tanong ko sa kanya.

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon