Chapter Forty-five: Xean and Seo Joon

15.1K 360 27
                                    

Pagkatapos ng mahaba-habang proseso ng pag-eenroll ay nagtungo na nga ako sa opisina ni Mr. Tak.

"Good morning" ang bati ko sa Secretary niya sa receiving area.

"Good morning" ang nakangiti niyang pagbati pabalik. "What can I do for you?"

"I'm actually here to meet Mr. Tak Ho Sung" ang balita ko.

"Please, sit down first and wait. He's talking to someone else right now" ang bilin niya.

"Okay. Thank you" ang pasasalamat ko bago naupo sa sofa dun. Hindi pa man nagtatagal ay biglang pumasok si Sir Daniel. Napabow siya nang makita ako, napatayo naman ako at nagbow din sabay bati.

"It's good that you're here" si Sir Daniel. "I have some news for you. Please, sit down first"

Naupo nga ako. Naupo naman siya sa sofa sa harap ko.

"Mr. Tak is talking to his son right now"

"I see" ang reaksyon ko.

"Seo Joon got low grades in his literature subjects" ang pagpapatuloy niya. Seo Joon. Parang pamilyar. Hindi ba parang uri ng alak yun? Soju. Kinakabahan ako sa mga detalye na ibinibigay niya.

Natigilan naman kami ng parang may nagtatalo sa loob ng opisina ni Mr. Tak. Hindi ko maintindihan yung language. Kulang na lang background music at parang nasa koreanobela na ako. Biglang may binulong naman si Sir Daniel sa ere na hindi ko rin naman naintindihan. Napapa-iling naman siya.

"Young Chan!!!" mula sa loob ng opisina. Kaagad namang napatayo si sir Daniel.

"Excuse me" ang paalam niya bago pumasok ng opisina. Oo nga pala. Lee Young Chan ang totoo niyang pangalan. Mas lalong lumakas ang pagtatalo sa loob. Napatingin ako sa secretary.

"Uhm, okay lang po ba sila?" ang tanong ko.

"Oo. Ganyan talaga sila kung mag-usap. Lalo na andyan yung anak. Palagi silang nag-aaway" ang paliwanag naman niya. "Sa tingin ko ipapa-tutor ni Sir yung anak niya."

"Hulaan ko. Ako ang magiging tutor ni Su—ano ulit yung pangalan niya?"

"Seo Joon"

"Seo Joon? Tak Seo Joon" ang pag-uulit ko. Bigla akong nawala sa tamang pag-iisip at biglang nagday dream. Sana kasing gwapo ni Lee Min Ho. FTW!!! Lakas maka Jandi at Jun Pyo! Haaaaaays. O kaya naman si Kim Soo-Hyun!!!!! Matteo Do ng buhay ko. Ehmergawd... Sorey, okay?.. Sorey... sa malalang kalandian ng pag-iisip ko. Gosh!!! Pero hindi naman ako boobita na katulad ni Stefi Choi, di ba?

"So... Kamusta naman yung Seo Joon?" ang tanong ko.

"I'm pretty sure, magugulat ka." ang nakangiti niyang tugon bago muling hinarap ang desktop computer. "Dito rin siya nag-aaral kaya sigurado pamilyar siya sa'yo"

Napa-isip naman ako. May mga foreign students din naman ang Saint Anthony. Pero wala akong maalala sa kanila. Nakuha ng atensyon ko ang mga display sa coffee table. Kinuha ko ang isang spherical shape na nakapatong sa parang plato at sinuri ito. Gawa sa ratan na nakulayan ng ginto. Nagulat na lang ako nang biglang bumukas ang pinto ng opisina ni Mr. Tak sabay may sumigaw ng " TAK SEO JOON!"

Dahil sa gulat ay nabitawan ko ang hawak-hawak ko at gumulong papunta sa silong ng sofa. Kaagad naman akong napaluhod sa sahig at napahiga para tignan yun. Nang makita ko yun ay pilit kong inabot gamit ang kamay ko. Pagkakuha ay kaagad akong napatayo. Natigilan naman ako nang makita si Mr. Tak na nakatingin sa akin.

"Good morning, Sir" ang kaagad kong pagbati sabay bow. Feel ko ako si Jang Geum. Hahaha. Gusto ko yung mala-palasyong pagbow habang may suot na traditional outfit at may parang bilao sa ulo. Pero joke lang yun, hindi naman ako babae para magsuot ng ganun.

"Good morning" ang nakangiting pagbati niya pabalik sabay bow din. "Come"

"Okay, Sir" sumunod nga ako ka kanya sa loob ng kanyang opisina. Na-amaze ako sa interior. Napaka-classy ng feeling.

"Please, sit down" ang bilin niya. Na-upo  nga ako sa gilid ng sofa. Kinakabahan ako. Naalala ko yung pinatawag ako dati ng dean sa dati kong pinapasukan at binalita na nawalan na nga ako ng scholarship.

"I called you here because I want to ask a favor" ang pagsisimula ni Sir. Napalunok naman ako. "I know this is too much but my son, Seo Joon is having trouble with his literature subjects. Please, help him"

"Okay, Sir" ang nakangiti kong pagpayag. Sobrang bait kasi nitong si Sir Tak Ho Sung sa akin kaya naman sino ba naman ako para tumanggi?

"I'll pay you" ang bigla niyang sinabi. Nagulat naman ako at natigilan. Sobra-sobra na.

"There's no need for that—" ang sasabihin ko pa lang pero nagpumilit naman siya kaya naman napapayag naman ako. "When can I meet your son?"

"Let's wait for a while. Daniel went after him" ang bilin niya. Napatango naman ako. Pakiramdam ko medyo matigas ang ulo ng Seo Joon na yun. Kasi naman magwalk-out ba? Teka, ibig sabihin lumabas siya kanina nung may kinuha ako sa ilalim ng sofa.

"But I must warn you Xean" ang pagpapatuloy ni Sir Ho Sung. "My son is hard headed. He doesn't listen to anyone"

"I'll try my best?" ang patanong kong nasabi dahil hindi ko naman sigurado kung ano ba dapat ang sasabihin ko. Subukan lang magpaka-gago ng kung sino mang yun. Hay naku, hindi ko siya sasantuhin. Lalo na pag kailangan. "I'll be strict"

"Do what you think is necessary" ang bilin reaksyon naman niya. Biglang tumunog ang telepono sa office niya. Kaagad naman siyang napatayo at sinagot ito. Ginala ko ang tingin ko sa paligid. May mga librong nakapatong sa coffee table. Hindi ko maintindihan yung characters na nakaprint, mukhang interesting pa naman. Natigilan ako at biglang nag-sparkle ang mga mata ko sa aking nakita sa tabi. Manga ng fairytail!!!!!!! Kaagad ko namang kinuha yun at tinignan ang laman.

Ang cuuuuuuuute ni Happy!!!!!!!!

Ang cuuuuuuuuuuute ni Plue!!!!!!!!!

Ang cuuuuuuuute ni Lucy Heartfilia!!!!!!!!!

Ang HOT ni Gray Fullbuster!!!!!!!!!!!!

Ang cuuuuuuuuuuuute ko!!!!!!  kawaii!!!!!!!

Certified Fairytail addict ako. Ang kwela kasi lalo na nung animé. Haaaaaaays, harthart!

Nasa sarili akong mundo nang hindi ko namalayan na ilang pulgada na lang ang layo ng manga sa mukha ko. Nagbukas ang pinto ng opisina. Naririnig ko sa background ang boses ni Mr. Tak at Sir Daniel. Pero may isa pang boses na nagsasalita at base sa tono ng pananalita niya ay iritable siya. Binaba ko ang manga at linapag sa mesa. Natigilan  ako at napatulala nang makita ang iritableng nagsasalita.

Siya si Seo Joon?????????

I'm in Love With Mr. KimchiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon