Chapter 40:

350 27 0
                                    

Lark's POV


Kami ngay naiwan ng aking ama sa hapag kainan. Gusto ko sanang sumama kay Azaiah upang samahan syang mag libot sa aming kaharian ngunit akoy pinaiwan ng aking ama dahil nais nya daw akong kausapin.


"Kinagagalak kong itong ating kaharian ang  unang napagpasyahan ng Mahal na Prinsipe na pag punguhan imbes na sa ibang kaharian gaya  na lamang ng Arfis, Undies at Gnomes."


Pabungad saakin ng aking ama habang naka hawak ito sa isang baso ng alak.


"Itoy hindi dahil sa aking pag kukumbinsi saakin ama. Siya mismo ang nagsabing gusto nyang mag tungo sa ating kaharian. Akoy nag tanong kung bakit ngunit hindi ko na ito pinilit pang mag salita bagkus ay pumayag na lamang ako"

Ang aking sagot habang pinapanood syang umiinom.

Maya maya pay napag tanto kong wala na sa kanyang ulo ang nakaputong nyang korona. Kanina lamang sa kanilang pag pupulong ay naka suot ang kanyang korona ngunit ngayoy wala na ito pati narin ang aking ina.

"At natupad nyo na nga ng inyong misyon. Natagpuan nyo na ang nag iisang anak ng kamahalang Drieko. Labis ang aking kagalakan dahil sa inyong pag tatagumpay"

"Maraming salamat ama"

Ang aking sagot matapos itong uminom ulit bago tumayo

"Halika, mas mainam na mag lakad lakad tayo habang nag uusap. Matagal tagal kang nawala sa kaharian at ang ating mga na sasakupay sabik na makita ka"

Pag aanyaya nito saakin na sya namang aking sinunod.

"Ngunit papaano nyo nagawang hanapin ang Mahal na Prinsipe? Ikaw lang ba ang nagtagumpay na hanapin sya?"

"Hindi ama. Kaming apat. Dahil sa isang dimensyon. Pinag samasama namin ang aming kapangyarihan sa teritoryo ni Joran (Jethro) ang aming kapangyarihan na syang lumikha ng isang kakaibang dimensyon na syang humigop kay Drizza."

"Kahanga hanga, kumusta naman ang tatlong prinsipe? Si Arvin (Harley) Joran (Jethro) at Phyrus (Blaze) bakit hindi nyo man lang sila nagawang isama sa inyong pag bisita sa ating kaharian?"

"Nasa maayos silang kalagayan ama. Kamiy mas naging mahusay at mas napagtibay namin ang pag gamit ng aming kapangyarihan. Dahil ito sa  gabay at pag turo saamin ni Drizza. Ngunit kinalulungkot ko nito lamang nag daang araw ay isang pag tataksil ang naganap"

Ang aking pag lalahad na syang umani ng pansin sa aking ama.

"At iyan nga ang aking pinakahihintay na talakayin."

Sagot nito na aking ikinagulat.

"Alam kong nag dadalawang isip kang sabihin saakin iyan ngunit ang ihip ng hangin ng pumapalibot sayong aking naramdaman at nabasa ang iyong tinatago."

"Patawad ama."

"Kumusta ang Prinsipe ng Gnomes? Ang taksil?"

"Hindi pa namin alam ama. Kamiy umalis agad ni Drizza sa lugar na nakaganapan ng pag tutuos namin."

"At bakit ninyo ginawa iyon?? Papaano kung napahamak ang dalawa pang prinsipe?!"

Mataas na tono nito dahilan para mapatahimik ako.

Maya maya pay inilala ko ang nangyari sa gabing iyon. Ang pag papalabas ng kapangyarihan ni Azaiah. Ang nag ngangalit nitong mukha at puso. Ang pag tutuos nila ni Jethro.

Kasunod nito ay ang pag bukad kad ko ng aking kanang palad dahilan para mag karoon ng napaka puting hangin na nag lalaro paikot ikot sa aking palad.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesWhere stories live. Discover now