Chapter 72

466 26 0
                                    

Chapter 72:




WARNING!!!

THIS CHAPTER CONTAINS EXPLICIT SCENE WHICH IS NOT SUITABLE FOR AGES 18 BELOW. VULGAR AND SEXUAL WORDS ARE EXPRESSED. IF YOU'RE NOT OPEN MINDED JUST LEAVE THIS FUCKIN' STORY OR SKIP THIS CHAPTER!

Ayan na ang warning so Please? No to report. Anyways the reviews for page are now activated because we've reached' 5000+ followers na so i can easily i dentify who will report and i guarantee you guys that i can jump in on your account and request for deactivation. Again i can blocklist and request for deactivation for those who will try to report this chapter.

Once again!!

THIS CHAPTER CONTAINS EXPLICIT SCENE WHICH IS NOT SUITABLE FOR AGES 18 BELOW. VULGAR AND SEXUAL WORDS ARE EXPRESSED. IF YOU'RE NOT OPEN MINDED JUST LEAVE THIS FUCKIN' SKIP THIS CHAPTER!





Lark's POV

Kasing bilis ng pag takbo ng segundo sa orasan, ganyan ko ihalintulad ang pag laho at pag alis namin ni Azaiah sa kaharian matapos kaming hiranging apat na bagong hari.

Halos hindi parin ako makapaniwala na nasa aking mga bisig, mahigpit na nakayakap ang aking pinaka mamahal.

Labing dalawang taon.

Labing dalawang taon ang aking hinintay. Ang aking tiniis. Ang lungkot na aking nadama. Ngunit ngayon napawi lahat dahil sa pag babalik nya.

Napaka laki ng pinag bago nito. Mas gumanda ang kanyang kutis mas pumuti ito at tila nangingintab sa angking kinis.

Hindi parin mawawala sa kanya ang kanyang napaka gandang mga mata at mapupulang labi. Hindi nag bago ang kanyang katawan hindi katulad saakin na bahagyang lumaki dahil sa pakikipag sanay sa aming mga mandirigma sa tuwing nalulungkot ako kapag naiisip ko sya sa nakaraang labing dalawang taon.

Maya maya pay kaagad kaming naka rating sa mundo ng mga mortal.

Sa lugar kung saan ang aking teritoryo'y sa mundo ng mga mortal ay namarkahan. Ang EastCoast.

Dito nag kaka salubong ang hangin at ang pwersa ng dagat.

Lumapag kami sa taas ng isang bundok sa paanan ng karagatan.

Maririnig mo mula dito ang hampas ng mga alon na sinasabayan ang pag awit ng hangin. Napaka sarap sa pakiramdam lalo nat kasama ko mula sa aking tabi ang aking pinaka mamahal.

Mag sasalita palang sana ako ngunit isang malabot na labi ang kaagad dumapo sa aking mga labi.

Hindi ko maiwasang gumati dahil sa pag kasabik sa kanya kung kayat mas maging marahan ako sa pag halik.

Pag ka kalas namin ay halos mag abutan kami ng hininga at isang ngiti ang kanyang iginawad dahilan para siilin ko muli ito ng halik.

Pumulupot sa aking batok ang kanyang mga kamay at gumanti narin sa nag aalab kong halik mula sa kanyang mga labi.

Maya maya pay kumalas ito at bumungis ngis.

"What's the rush for? Andito na ako? Wala ng mawawala? Hindi na ako muling aalis?'"

Tanong nito habang pinipigilan ang kanyang pag tawa.

Halos mamula ako sa kanyang sinabi at sa aking inasal ngunit hindi ko na kaya ang aking na raramdaman. Mahal na mahal ko sya at alam kong alam nyang sabik sa sabik ako sa kanya.

"Naniniguro lang na hindi mo na ulit ako iiwan."

Wika ko at  inilapat muli sa kanyang mga labi.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesWhere stories live. Discover now