Chapter 38:

376 33 8
                                    

Lark's POV

"Kumusta naman ang Sylph?"

Tanong saakin ni Azaiah habang akoy nag mamaneho ng sasakyan papunta sa lugar na patutunguhan namin.

Mukhang nasa magandang kondisyon sya ngayon.

"Ayos naman. Mabuti parin ngunit may mangilan ngilang nawawala sa aming kaharian"

"Nawawala?"

"Mga residente ng Slyph. Kadalasan ang mga bantay ng kahariaan."

"Papaano?"

"Noong simulang masakop ni Pluto ang Olympus nag iba na ang pakikitungo ng hangin na bumabalot sa kahairan. Nag karoon ng panibagong enerhiya na bumabalot sa buong kaharian sanhi ng pag iba ng hangin sa paligid"

Pagpapaliwanag ko habang abala parin sa pag mamaneho.

"Ang ilan sa mga bantay at mandirigma namiy hindi nakaka ligtas sa mga alagad ni Pluto. Madaming nadadakip at ang ilan namay na susugatan dahil sa engkwentro sa mga ito"

"Hindi na talaga sya natuto!"

Medyo pagalit na tono ni Azaiah sabay tingin sa may binta ng sasakyan.

Ilang sandali pay naka rating na kami sa aming paroroonan.

"Tara"

Yaya ko sabay baba ng sasakyan nito.

Akmang pag bubuksan ko pa lamang sana sya ng pinto kaso kaagad na itong bumaba at nag paikot ikot sa damuhan at hindi mapigilang mamangha.

Biglang naging banayad ang galaw ng hangin sa paligid dala ng kanyang pag kamangha.

"Kelan mo pa na tuklasan ang lugar na ito?"

Tanong nito habang nakapikit at ninanam nam ang bawat simoy ng hangin.

" bago ka pa namin simulang hanaping apat."

Sagot ko naman hang pinapanood sya.

Kitang kita sa mukha nito ang pag ka mangha sa matatayog na puno sa paligid mangilan ngilang malalaking bato na mas nag paganda sa paligid at ang magandang tanawin sa ibaba ng bundok na syang pinuntahan namin. Kitang kita sa itaas ang ibat ibang kulay ng puno at ang ibang bahagi ng dagat.

Maya maya pay lumapit na ito sa kinaroroonan ko nag usisa muli.

"Kumusta na ang apat na kaharian?"

Tanong nito at hinawakan ang aking palad at hinila papunta sa lilim ng malaking puno at naupo duon.

"Gamit ang natitirang kapangyarihan ng mahal na Reyna Getala. Ang iyong ina, nawala sa mapa ng Olympus ang apat na kaharian. Naitago ang apat na kaharian upang protektahan ito kay Pluto"

Pag papaliwanang ko habang nilalaro ko ang palad nito

"Kung ganoon, kailangan ko muling mag balik sa Olympus"

Sagot nito na ikinagulat ko?

"Ngunit paano si Pluto? Maari tayong magapi kung mag tutungo tayo duon ng hindi handa at walang hukbo?"

Pag tatangi ko dahilan para ngumiti ito at bahagyang tumawa.

"Sino bang nag sabing Kastilyo tayo mag tutungo."

"Ano? Kung hindi kay Pluto? Saan?"

Muli kong tanong dahilan para titigan nya ako

"Sa Sylph. Sa kaharian mo"

Sagot nito dahilan para mapatango ako at hindi na makasagot sa sinabi nito.

Kaagad naman akong tumayo at huminga ng malalim bago mag salita muli kay Azaiah.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesKde žijí příběhy. Začni objevovat