Chapter 45

342 29 1
                                    



Lark's POV



"Simulan ang pag hahanda!"


Utos ko sa mga mandirigma ng aming kaharian na sya naman nilang sinunod.

Nararapat lamang na palakasin ang aming hukbo sapagkat malakas nga ang kampon ni Pluto. Kung hindi kami mag sasanay ng maigi ay baka madali lang making magapi at mabigo lamang si Azaiah.

Abala ako sa pag tuturo sa lahat ng naituro saakin ni Azaiah nuong nag salita sa aking likura ang aking ina.

"Mukhang mas kagilagilagis ang iyong taglay na lakas aking anak."

Wika nito kasabay ng kanyang mga ngiti.

Kasabay nito ang pag yakap nya sakin

"Hindi ko magagawa lahat ng ito ina kung hindi dahil sa tulong ni Azaiah."

Sagot ko naman dahilan para mapatingin ito sa aking mga mata.

Bakas dito ang pag tataka at nararamdaman ko ding marami itong katanungan na nais nyang itanong saakin.

"Kung ganon ngay, mukhang tama nga ang aking mga haka haka? May nais ba akong malaman anak?"

Tanong nito kasabay ng kanyang pag lakad papalayo sa mga nag eensayong hukbo. Ako namay kaagad ding sumunod at nag patuloy pa ang aming talas tasan.

"Nitong nag daang araw simula noong nag usap kami ni Drizza ay hindi parin mawala sa isip ko ang kanyang sinabi saakin?"

Bangit uli nito habang kamiy nag lalakad.

"Ano bang inihayag nya sa iyo ina?"

"Madaming bagay, panay ang puri nya sa ating kaharian at pati narin sa iyo anak"

Sagot nito saakin na sya namang aking ikinagulat.

" Nararamdaman ko ang pag-ibig sa kanyang mga bigkas, at tila ang kanyang mga ngiti noong kamiy nag uusap ay may mga ipinapahiwatig aking anak."

Dagdag pa nito, dahilan para matahimik ako.

Mukhang alam ko na akung saan papatungo ang usapang ito.

"Ina"

"Anak, hindi ako hadlang, at hindi rin ako taliwas sa inyong dalawa."

Saad uli nito kasabay ng pag hawak nito saaking mukha.

"Kung iyon talaga ang sinisigaw ng puso mo at ang kasiyahan mo, sundin mo. Hanggat wala kang nasasagasaan na damdamin ng iba ipaglaban mo. Kung saan masaya, dun ka. Madami mang pag subok, mag pakatatag ka. Nakikita ko yan sa mga mata mo anak. Kung paano mo pinapahalagahan ang anak ng mahal na reyna Gettala."

"Ngunit, paano si Ama ina?"

Tanong ko ulit. Alam kong nais ng aking ama ng tagapag mana at mag karoon ako ng kasangga sa aking pamamahala sa aming kaharian ngunit sa aking pasyang mahalin si Azaiah ay hindi na ito matutupad.

" Lahat ng bagay napag papasyahan. Simula palang nuong ipinakilala mo sya sa harap ng lahat sa pag pupulong nuong kayong gumawi dito ay naramdaman na naming dalawa ng iyong ama kung gaano ka espesyal sayp ang taga pag mana ng olympus. Naiintindihan ka ng iyong ama anak. Ang nais ko lang gawin mo ngayon, tulungan mo sya, protektahan mo upang sa gayoy hindi sya mahirapan. Lalo na sa nalalapit na digmaan"

Pag papayo ng aking ina dahilan para mapangiti ako kasabay ng pag patak ng butil ng luha saking mga mata.


The Last Heir: and The Four Elemental PrincesWhere stories live. Discover now