Chapter 2: The Quest

3.4K 167 13
                                    

Third Person Point of View

Maraming taon na ang lumipas simula noong nawala at nasawi ang taga pamahala ng Olympus.

Isang kagimbal gimbal na pangyayari kung saan ang Olympus na syang Pinakamalakas na kaharian ay bigla nalang bumagsak.

Dahil sa pangyayaring ito ang pag bubuklod buklod ng enerhiya sa Apat na Elemental kingdom ay biglang nag laho kung saan ang mga kahariang itoy nawala na sa mapa ng Olympus at biglang nag laho.

"Nasaan ang Apat na kaharian! Alfea!!"

Sigaw ni pluto sa isa sa mga alagad nito.

"W-wala kamahalan. Hindi namin mahanap. Labis lab---"

"Hindi maaaring mawala ang Apat na kaharian!!! Nakapalibot ito ngayon sa aking bagong kaharian! Nararapat lamang na mapasaakin ang kanilang kapangyarihan!!"



"Pe-pero kamahalan."

"Walang kwenta!!!"

Sigaw ulit ni pluto saka nito itinaas ang kanyang kanang kamay.

Kasunod nito ang pag lutang ng kanyang alagad sa ere na para bang sinasakal ito at unti unting nilalamon ng itim na usok.

"Kayong saksi sa kaganapang ito. Wag nyong hintaying mangyari sa inyo ito!! Hanapin nyo ang apat na kaharian!! At ibigay saakin ang apat na Korona ng mga tagapangalaga!!!!"



Sigaw niti kasabay ng pag laho ng kanyang alagad na naging abo na.

Kaagad namang tumalima ang mga iba pa nyang alagad at nag si alisan na ang mga ito at nag siliparan.

"Mapapasakin kayong lahat!! Hahahahahahaha!"

"ARFIS" [ The Fire kingdom] 🔥

"Ama. Ano't bakit hindi makita sa labas ng Arfis ang ating kaharian? May mga kalabang na papad pad sa ating looban ng walang nakaka alam kung kayat may mga kawal na nasasaktan sa pakikipaglaban?"

Tanong ni Phyrus sa kanyang Ama. Ang Hari Ng Arfis.

"Ang pag bagsak ng Olympus. Ang Kahariang pinag mumulan ng enerhiya ng ating kaharian ang dahilan."

"Hindi ko maintindihan ama"

Naguguluhang tanong ni Phyrus sa kanyang ama.

"Isang Enkantasyon ang pumapaligid sa atin. Ang dugo ng Mahal na Reynang Gettala ang dahilan kung bakit naging lihim ang ating kaharian gayundin ang natitirang tatlong kaharian"

Sagot ng kanyang ama..

Samantala.

"GNOMES" [The Earth Kingdom]⛰

" hindi maaring masayang ang oras. Ang kampon ni Pluto, ang enerhiyang nag mumula sa Olympus sa kasalukuyang nagiging mas malakas! Ano ang ating gagawin? Marami ng lalang lupa ang nakakaramdam at nababahala sa nangyayari ama!"

Galit na wika ni Joran sa ama nito.

Matapos kasing mag libot ito sa kahariang nasasakupan ng Gnomes ay naka masid sila ng mga kampon ni Pluto na naninira ng mga lamang lupa.
Ang ilan sa mga itoy nag iiwan ng lason na syang humihigop sa enerhiya ng mga ito.

"Wala na tayong magagawa anak"

"Wala!! Pano kung matun ton nila ang Gnomes? Pano ang mga nasasakupan natin? Ano ng mangyayari!"

Pasigaw na sambit ni Joran kasabay ng pag yukom ng kamao nito at ang pag yanig ng lupa.

"Itigil mo yan anak! Ang kapangyarihang taglay moy hindi basta ginagamit! Maaring dahil jan matunton tayo ni Pluto!"

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesWhere stories live. Discover now