Chapter 61

326 27 4
                                    


Flashback

"Handa kana ba anak?"

Wika ng mahal na reyna kay Dreiko habang naka upo ito sa gilid ng kanyang kama. Ramdam ng kanyang ina ang kalungkutan sa puso nito.

Kasunod nito ang pag patak ng mga luha sa kanyang mga mata.

"Ina bakit kailangang humantong sa ganito? Bakit kailangan kong saktan ang aking pinaka mamahal? Unti unti pinupunit ang aking puso sa tuwing maaalala ko ang mukha ni Pluto ang pag babago nito"

Tangis ni Drieko sa kanyang ina.

Hindi naka imik ang kanyang ina at niyakap na lamang nito ang kanyang anak.

"Kasalanan ko lahat ng ito. Hindi ko sya nagawang ipag laban ina. Wala akong kwenta"

Dag dag pa nya habang ang mga luba nito ay patuloy parin sa pag agos.

Maya maya pay isa sa mga na ninilbihan ang ang nag salita sa pintuan ng kwarto ni Drieko.

"Mahal na reyna. Kayo na po ay pinapatawag sa baba. Ang seremonya na po ng kasal ay mag sisimula na"

Wika nito at yumuko.

"Salamat sa iyong pag papa alala. Kami ay papunta na"

Tugon naman ng reyna at pinunas ang mga luha sa mga mata ni Drieko.

Lahat ng mga bisita mula sa ibat ibang kaharian ay dumalo sa kasalang magaganap. Halos mapuno ang loob ng kastilyo sa dami ng dumalo.

Lahat ay masayang maliban nalang sa isang malungkot na tao na nasa balkonahe sa ikalawang palapag. Dito nya minarapat manatili upang mapanood ng husto ang sermonya ng kasal ng kanyang pinaka mamahal.

Isang luha nanaman ang pumatak sa mga mata nito kayat kaagad nyang pinunas.

Maya maya pay nag simula na ang seremonya, ang pag lakad ni Dreiko sa ginta patungo sa trono.
Suot nito ang puting kasuotan na naburdahan ng ginto. Hindi mapigilang hindi maluha ni Pluto sa nakikita.

Ramdam ni Pluto ang lungkot sa katauhan ni Drieko at batid nito na hindi sya masaya sa nang yayari.

Kasunod ni Drieko ay ang paglakad nan papunta sa trono ni Gettala.

Suot nito ang napaka laki at napaka gandang kasuotan. Lumilitaw ang kanyang ganda dahil sa kanyang ayos at dahil narin sa mga alitap tap na pumapalibot sa kanya habang sya ay nag lalakad papunta sa harapan.

Ang lahat ay naka tingin sa kanya  maliban nalang kay Drieko na naka tingin sa balkonahe ng kanilang kastilyo. Naka tingin ito sa taong nais nya sanang pakasalan at nais nya sanang makasama habang buhay.

Isang luha ang pumatak sa mga mata ni Drieko.

Naramdaman ito ni Gettala pag kalapit nya dito.

"Alam kong hindi ito ang pinangarap mo, gusto mo bang ako na ang mag sabing wag na nating ituloy?"

Wika ni Gettala kay Drieko pag lapait nito sakanya sa harap ng trono.

Pinunasan naman ni Drieko ang kanyang mga luha bago mag salita.

"Tama ito Gettala. Para sa ikabubuti ng kaharian, kailangan kong mag paraya"

Wika ni Drieko. Hindi ito naka wala sa mga tenga ni Pluto. Sunod sunod ang mga luha na pumatak sa kanyang mga mata. At kaagad na itong umalis.

Natapos ang kasalan ng matiwasay, kasunod nito ang pag buhos ng malakas na ulan.

"Gettala, kakausapin ko lang si Pluto"

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesWhere stories live. Discover now