Chapter 29: Ang Pagpupulong

422 29 0
                                    

Larks's POV


Ngayong araw ang itinakdang araw para mag pulong kaming lima.

Si Joran.

Si Arvin

Si Phyrus

At si Drizza.

Ngayong araw ang napag pasyahang araw para pag usapan ang mga nangyayari sa nmga mag daang araw. Ang gumagambala sa mga prisipe mga elemento. Mahirap mang paniwalaan ngunit sa tuwing may mangyayaring ganitoy nakakaramdam ako ng kakaibang enerhiya ng hangin. Mahirap paniwalaan ngunit bakit parang napaka pamilyar na enerhiya? Ano ngaba ang nangyayari at bakit nag kakaganito?  Ano ang ibig ng mga to? Maraming haka haka ang namumuo sa aking isipan ngunit, wala akong lakas ng loob na ibulalas sa mga kasamahan ko ang mga hakahakang ito at ipaalam man lang kay Drizza lalot wala pa akong ebedensya. Wala akong pruweba.

Matapos makapag pagaling noon ni Harley sa nangyari sakanya ay napag desisyonan naming pag usapan ang mga nangyayari ito kinabukasan. At ngayon na nga ang oras.

Kaagad akong naligo at nag bihis upang makapunta kaagad sa bahay ni Azaiah, napag desisyonan naming na don na lamang gawin ang pag pupulong dahil sa taglay nitong proteksyon at kung may gumambala may wala itong magagawa.


Kaagad kong sinoot ang isang puting tshirt na saktong sakto ang bakas sa aking katawan na syang nag palitaw sa magandang hubog ng aking katawan. Kasunod nito ay sinuot ko na aking pantalon na kulay asul saka nag sapatos na.

Mabilis naman akong bumaba papunta sa garahe ng aking bahay. Pinaandar ang engine ng sasakyan at kaagad ng lumisan papunta sa kinaroroonan ni Azaiah.

Habang nasa byahe akoy naka ramdam ako ng kaunting kirot saaking puso.

" ahhhh!"

Mura ko saka bahagyang napahinto sa tabingg daan habang hawak hawak ang dibdib ko dahil sa sakit na nararamdaman ko. Halos mapapikit at mapa ngiwi pa sa sakit dahil parang pinipiga ito.

Maya maya pay biglang umihip ang hangin at nakaramdam ako ng enerhiya.

Enerhiya mula sa Hilaga. Isang mensahe mula sa hangin.

" anong maipaglilingkod ko aking kaibigan, batid koy may dala kang mensahe mula sa akin"

panimula ko rito habang hawak hawak parin ang dibdib ko na unti unti ng nag lalaho ang kirot na nararamdaman ko.

Maya maya pay bila akong pinalibutan ng enerhiya ng hangin dahilan para mapapikit ako at mabasa ang mensaheng dala nito.

Isang pilit na ngiti ang gumuhit sa aking labi matapos kong malaman ang mensahe.

Hindi ko alam kung masisiyahan ba ako  kung malulungkot sa nalaman ko.

" kailangan ko ng makarating sa pupuntahan ko"

Bulong ko sakabay ng pag arangada ng sasakyan ko papunta sa bahay nila Azaiah. Habang nasa byahe ako'y hindi ko maiwasang maisip at ma alala ang mensaheng ipinabatid ng hangin saakin kanina.

"tsk"

Daing ko nalang at umiling ling habang nag mamaneho.

Pagkarating ko sa bahay itoy kaagad akong sinalubong ng matalik nyang kaibigan matapos nitong marinig ang magkasunod kong doorbell sa kanilang tahanan.

Nag ayos na nga ako sa aking sarili noong Makita kong pag bubuksan na ako nito

" ah- eh, Lark, tuloy ka"

Anyaya nito dahulan para pumasok ako at nginitian ito.

" anjan na ba yung mga kasamahan ko?"

Tanong mo habang papasok kami sa kanilang bahay

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon