Chapter 21: Marka

566 38 0
                                    

Harley's Pov

"Oh Lark? Napa daan ka? Anong meron?"


Usisa ko matapos biglang sumulpot ni Lark sa kinatatayuan ko sa Garden ng bahay kung saan ako madalas tumambay.

Minsan hindi ko rin mawari kung ano ba talaga ng trip ng lalaking to. Napa misteryoso.


"Bigla kasi akong kinutuban ng masama."


Sagot naman nya saka pinakiramdaman ang paligid nito, kasabay naman ng pag ihip ng hangin ng katamtaman na syang gustong gusto kong ginagawa nya dahil mas pinapakalma at nag bibigay enerhiya ito sa katubigan...

"Ano ba kasing meron? Maupo ka nga muna"

"Mukhang na tun-ton na tayo"

"Natunton? Ano?? Sino?"


Naguguluhan at sunod sunod kong tanong.


Sino naman ang tutun ton samin?

"Wala kaba talagang napapansin nitong mga nag daang araw? Palaging may iba sa mga enerhiyang bumubuo sa dimensyon ng mga tao"


Pag papaliwanag nito at umupo sa upuan sa harap ko.

Tama sya, may mga pag kakataon ding nag iiba ang galaw at may mga enerhiya ng tubig ang nag lalaho.


"Maaring kinakapos na tayo ng oras"

dag dag pa nya na sya na namang nag pa gulo sa isipan ko.


"Teka? Ano ba kasi yan? Bat mo sinasabing kinakapos tayo sa oras? At saka linawin mo nga kasi!"


Maktol ko habang kinakamot ko ang ulo ko


"Si pluto"


Sambit nya dahilan para mapatitig ako sakanya..


"Maaring na tunton na nya tayo"

Dag dag pa nya dahilan para mapaisip at mapakagat ako sa labi.

Kung ganon, itim na enerhiya ang umaaligid dito sa mundo ng mga tao na syang dahilan para mawalan ng enerhiya ang ilan sa aking nasasakupang tubig dito.

Mag sasalita palamang sana ako nung biglang lumitaw sa aming harapan si Azaiah.


"Kailangan nyong sumama sakin!" 


Alerto at nag mamadaling utos nito saamin dahilan para mapatayo ako.


"Teka teka!! San tayo pupunta! Pasulpot sulpot ka eh! Ano bang nang yayari!"


 Maktol ko naman habang nakahawak ako sa ulo ko dahil sa kaiisip.

"Sinabing sumama kayo!!!! Baka hindi na natin sya maabutan!!!!"

Sigaw nito! Kitang kita kong humawak sa braso ni Azaiah si Lark tanda na sasama ito ngunit ako? Naguguluhan parin ako.

Mag sasalita palang sana ulit ako nung bigla nya akong hilain, kasunod nito ang pag higop saamin ng dimensyon papunta sa lugar kung saan kami dadalhin ni Azaiah.

The Last Heir: and The Four Elemental PrincesWhere stories live. Discover now